Chapter 4

4 0 0
                                    

Neimee's PoV

After that launch bumalik na rin kami sa office.

Pina-una nya ako dahil siguradong magtataka ang mga tao sa office kung sabay kaming dadating.

"Nei, saan ka galing ?"

Tanong agad nang friend kong si Shine pagka-upo na pagka-upo ko pa lang.

"Kumain?"

Alanganing sagot ko.

I'm having a second thought kung magiging honest ba ako o hindi.

Haist! Isa pa ito sa mga po-problemahin ko.

I'm sure kung hindi man ngayon, soon may makaka-halata na rin sa mga kini-kilos ko.

People here inside the office are very observant. Ultimong janitor at security guard matindi na rin kung maki-tsismis.

"Bakit parang hindi ka pa sure? Aminin mo, nakipagkita ka sa boyfriend mo noh?"

Pangungulit nya.

"Tss, oo, nagkita kami nang imaginary boyfriend ko!"

I said sarcastically.

Sa lahat nang tao sya ang higit na nakaka-alam na wala pa  boyfriend tapos sya pa itong magsasabi nang ganyan.

"Haay, saan ka nga kasi galing?"

Para talagang bata ang babaeng ito! Minsan nakaka-ubos na rin nang pasensya.

I sigh.

"I told you, kumain ako okay?"

Isa-isa ko nang kinuha ang mga files na hindi ko natapos.

Istorbo kasi ang lalaking yun eh!

"Wala pang lunch break ah, ano yun exempted ka sa mga rules dito? Ikaw pwedeng kumain kung kelan mo gusto?"

"Nagugutom ako okay?  Bawal ba kumain ang taong nagugutom? Anong gusto mo hayaan ko na lang yung tiyan ko na magwala dito? Kumain ka rin kung gusto mo hindi yung nagmamaktol ka diyan!"

Pag-tataray ko.

"Hmp! Sunget, nagta-tanong lang eh"

Pasalamat talaga ang isang ito kaibigan ko sya.

"Hindi ka nagta-tanong, nangu-ngulit ka"

Eventually, bumalik na rin sya sa ginagawa nya. At some point nagi-guilty ako. Pati kasi sa kanya kailangan ko pang gumawa nang istorya.

But it's not my fault right? Kasalanan yun nang boss kong tabingi ang utak!

---

Nag-uunat akong tumayo mula sa swivel chair ko.

Buti na lang at makaka-uwi na ako. I feel so tired dahil sa dami nang trabaho. Gusto ko nang isalampak ang katawan ko sa malambot na kama at matulog nang sobrang himbing.

"Ms.Mondrian, bring your things then follow me"

Nasira ang pagmumuni-muni ko nang marinig ko ang boses na yun.

I look at him to give a warning. But he just shrugged as if nothing wrong was happening.

Umalis na din sya ka-agad pagka-tapos noon.

Pagka-alis nya pakiramdam ko biglang tumahimik ang buong paligid.

Lahat nang tao sa loob nang office ay ramdam na ramdam ko ang kakaibang titig sa akin.

Hindi ako maka-kilos. Hindi ko alam kung susundin ko ba sya o magkukunwaring wala akong narinig.

What the hell is wrong with this man?! Hindi ba sya nag-iisip man lang kahit konti?!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 14, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Being Mr. Boring's Past timeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon