Chapter 1

5 0 0
                                    

1 week ago

Gesre's P.O.V

"Ate! Ate!! Gising na!" Sabi ni Sab.

"Ano ba?! Ang aga aga pa lang eh.. tsaka wala naman akong gagawin ngayon eh.." Sabi ko at nagtalukbong ng kumot.

"Anong wala ate?! Graduation mo ngayon ate! Kaya gumising ka na!" Sabi niya at napatayo ako bigla.

"Hala! Oo nga nakalimutan ko aisstt!" Sabi ko habang kinakamot ang ulo.

"Sige na ate maligo ka na!" Sabi niya habang tinutulak ako papasok ng banyo.

"Oo na!" Sabi ko at naligo na.

~●~●~●~●~●~●~●

"Bes!!" Sigaw ni Dione at yakap sakin. "OMG! Bes! Excited nako sa graduation natin! Di ako makapaniwala na magka-college na tayo! Sana nga bes magkaklase tayo.." sabi niya at ngumunguso pa.

"Ako din naman excited eh.. pero kinakabahan ako baka hindi ako maging valedictorian o kaya salutatorian, kapag hindi kasi baka lumipat kami sa states at dun na lang mag-aral." Sabi ko.

"Ano ka ba?! Mapapasama ka niyan no! Ikaw pa! Atsaka nandito naman kaming bestfriends mo no!" Sabi niya. "Teka, speaking of bestfriends nasan na nga pala yung isa mo pang bestfriend?" Tanong niya.

"GES!" Sigaw ng isang lalaki.

"Speaking of, bessy... ang knight and shining armor mo bes!" Sabi niya. "Ano ba yang pinagsasabi mo!?" Sabi ko sa kaniya. "Sus! Kunwari ka pa halata namang gusto ka niyan eh." Sabi niya at tinutusok tusok pa ang tagiliran ko. "Tumigil ka nga!" Sigaw ko sakanya.

"Hi, Ges! Excited ka na ba para sa graduation?" Tanong ni Qifen. "Ahh.. oo naman ikaw?" Tanong ko. "Oo. Tsaka nga pala after ng grad may sasabihin ako sayo." Sabi niya. "Sige, ano ba yun?" Tanong ko at umakbay naman siya sakin at bumulong. "Secret." sabi niya at ginulo ang buhok ko at umalis na.

"Siguro bes, sasabihin niya na yung feelings niya sayo. Ayieee!" Sabi niya na parang kinikilig. "Hay nako! Ewan ko sayo!" Sabi ko at naglakad na paalis.

~●~●~●~●~●~●

"And our Valedictorian is.. Gesre Mae Santiago!" Sabi ng principal na ikinagulat ko.

"Hoy bes! Ikaw daw! Congrats bes!" Sabi ni Dione at niyakap ako. "Congrats ate" Sabi ni Sab at niyakap ako bago kami umakyat ni mama ng stage at sinabit ang medal sakin. "Congrats anak." Sabi ni mama pagkalagay niya ng medal sakin at niyakap ako.

"Whoo!" Sabi ko na kinakabahan para sa speech. "Go Ges!" Sigaw ni Qifen na ikinapula ng pisngi ko sa hiya.

"Uhmm... gusto ko lang pong sabihin na maraming salamat po dahil sinuportahan niyo po ako para makapagtapos ng highschool at makapag patuloy sa college. At maraming salamat po sa mga taong naging inspirasyon ko sina mom at dad, yung sister ko si sab, bessy na si Dione and of course my childhood bestfriend Qifen. Thank you for being my inspiration thank you for everything and I love you mom, dad, sab, bessy, and qifen. Thank you everyone!" Sabi ko at sila naman ay pumalakpak.

"Congratulations anak!" Sabi ni mom. "Congrats anak, dahil valedictorian ka ay dito ka mag-aaral ng college." Sabi naman ni dad. "Congrats ate!" Sabi ni sab at niyakap ako. Si Bessy umalis na dahil magcecelebrate pa raw sila ng family nila.

"Congrats Ges!" Sabi ni Qifen at niyakap ako. "Thank you Qi!" Sabi ko at niyakap siya pabalik. "May sasabihin pala ako sayo Ges." Sabi niya at nagpaalam na kami kina mom and dad at pumunta sa garden.

"Ano ba yung sasabihin mo at mukhang importante?" Tanong ko sa kaniya.

"Uhmm... Gesre wag kang magagalit ah.." sabi niya habang nakayuko. "Sige na, ano ba yun?" Tanong ko sa kanya. "Matagal ko nang gustong sabihin sayo 'to kaso natotorpe kasi ako sayo.." sabi niya. "Huh? Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko na naguguluhan. "Ges.. gusto kita.. ay hindi pala mahal na pala kita bata pa lang tayo naramdaman ko nato sayo.. di ko alam kung anong gagawin ko o sasabihin ko nung una kong naramdaman sayo to.. actually diba dati tinatanong mo ko kung sino first love ko? Lagi mo nga akong kinukulit dahil dun.. pero anong isasagot ko? Na "Ges ikaw yung first love ko" ganun ba yun? pero kasi naunahan ako ng kaba at takot na baka magalit o di mo na ako pansinin at masira ang friendship natin.. gusto ko lang naman na malaman mo kung pwede ba kitang ligawan?" Sabi niya nakatingin sa mga mata ko. "Uhmm.. Qifen.. ano kasi.." sabi ko. "Oo alam ko namang.. hindi pa pwede dahil hanggang ngayon si Odson parin ang mahal mo kahit iniwan ka na niya.. pero nandito naman ako para sayo diba.." sabi niya. "I'm sorry Qifen.. pero kasi ayaw kong saktan ka.. I'm sorry.." sabi ko.

"Sorry?! Gesre I've been trying hard para magustuhan mo ako pero kasi akala ko na mapapalitan ko siya sa puso mo.. hindi mo ba naramdaman na mahal kita higit pa sa kaibigan Ges?" Tanong niya na maluluha na. "Hindi.. kasi akala ko ginagawa mo lang yun kasi kapatid ang turing mo sa akin atsaka mahal ko parin siya ayokong maging rebound kita ayaw kong saktan ka. We could stay as friends naman diba?" Sabi ko.

"Bakit hanggang ngayon siya parin? Sinaktan ka na niya Ges! Kailan ka ba magigising ha?! Wag ka nang magpaka tanga na babalik pa siya sayo!" Sabi niya at nasampal ko nalang siyang bigla. "Bakit masama ba?! Masama bang magpaka tanga sa taong mahal mo?! Ha?! Atsaka sino ka ba? Wala kang karapatan na pagsabihan ako ng ganyan Qifen! Hindi kita boyfriend, kaibigan lang kita kaya wala kang karapatan." Sigaw ko sakanya. "Oo nga pala, wala akong karapatan dahil sino ba naman ako? Ako lang naman yung KAIBIGAN mong nagma mahal at nagpapaka-tanga pa rin sayo. Sorry dahil nagsalita ako ng ganun di mo naman ako boyfriend diba? KAIBIGAN mo lang naman ako." Sabi niya tsaka ko lang narealize ang mga sinabi ko sa kaniya.

"I'm sorry Qi, sorry sa mga sinabi ko sayo... sana mapatawad mo ko.. I'm sorry for being stupid to say that to you... sorry dahil sinabi kong wala kang karapatan kahit meron naman.. nadala lang ako I'm sorry Qi...." Sabi ko at hinawakan ang braso niya. "I'm sorry.. for making you feel na nasasakal na kita.. but don't worry I won't bother you anymore." Sabi niya at tinanggal ang braso niyang hawak ko at naglakad paalis. "I'm sorry Qifen.. I'm sorry.." Sabi ko habang umiiyak atsaka ko lang narealize na maaring...

Mahal ko na pala siya




I fell, you moved onWhere stories live. Discover now