Chapter 2

3 0 0
                                    

Gesre's P.O.V

Isang linggo na ang nakakalipas pero di ko parin makalimutan ang pag-uusap namin ni Qifen at isang linggo na rin ang nakakalipas hanggang ngayon di niya parin ako kinakausap. Masakit para sakin na nasisira na yung friendship naming dalawa dahil sa pag-reject ko sakanya. Minsan kapag na-aalala ko yung nangyari napapaiyak na lang ako, hindi nako kumakain halos araw-araw dahil sa pagmu-mukmok ko sa kwarto. Minsan kinakausap ako ni Dione pero di ko alam kung kino-comfort niya ba ako o hindi kasi lagi niya akong sinisigawan katulad ngayon.

"Kasi naman Bessy! Bakit mo kasi nireject yung tao ha?! Tapos ngayon magmu-mukmok ka diyan eh ikaw itong may kasalanan! Bakit kasi ang tanga tanga mo?!" Sigaw niya sakin.

"Sorry naman bessy, pero anong magagawa ko eh sa nagsisi ako sa ginawa ko atsaka ayaw ko lang naman siyang saktan! Masakit para sakin pero mas masakit kung gagawin ko siyang rebound!" Sabi ko sakanya.

"Nasaktan mo na siya! At maraming beses na! Bakit kasi ang manhid manhid mo?! Si Odson pa talaga yung minahal mo yung taong alam mong babaero pero minahal mo pa rin.. ano bang meron kay Odson na wala si Qifen? Eh halos mas malaki ang lamang ni Qifen kaysa kay Odson! Si Qifen na laging nasa tabi mo, may regalo sayo kahit hindi mo birthday, ka-date mo nung hindi pumunta si Odson sa anniversary niyo.. halos na kay Qifen na lahat pero bakit si Odson parin?" Sabi niya na ikinatigil ko.

"Hay.. nako Gesre Mae! Halika pumunta tayo sa mall at magpa-ganda ang pangit pangit mo na! Bilis maligo ka na! Baka gusto mo ako pa magpaligo sayo?" Biro niya kaya tumayo na ko bigla.

"No thanks MARIA Dione Guzman hindi mo na ako kailangan paliguan." Biro ko rin sakanya.

"ARGHHH! GESREEE! Sabi nang wag mo kong tawaging ganon eh! Dione pangalan ko D-I-O-N-E!" Sigaw niya na inis na inis kaya kumaripas na ko ng takbo sa banyo.

~●~●~●~●~●~●~

"Bes san ba tayo pupunta? Kanina pa tayo palakad lakad dito sa mall, akala ko ba magpapaganda tayo?" Sabi ko sakanya. "Oo nga! Sandali lang malapit na tayo." Sabi niya. "Kanina mo pa sinasabi ya--"

"Heto na! Nandito na tayo!" Sabi niya ng ngiting ngiti.

Nandito kami ngayon sa harap ng isang salon na magandang tignan pero konti lang ang dumadayong mga tao rito.

"Baka naman di maganda dito at kakaunti lang yung taong dumadayo dito oh! Baka di ganon kaganda ang services nila dito." Sabi ko. "Ano ka ba?! Wala ka bang tiwala sakin? Halika na!" Sabi niya at hinila ako papasok ng salon.

"What can I help you mga madam?" Tanong ng isang bakla na mukhang nagtra-trabaho dito.
"Uhmm.. I just want you to give her the best treatment you have kahit ano gawin niyo sa kanya just make sure na mapapanga-nga ako pag nakita ko ang pagbabago niya." Sabi ni bessy at itinulak ako palapit sa bakla. "Let's go madam?" Sabi niya at pinaupo ako sa upuan. "Okay madam, magbasa muna kayo diyan pwede rin kayong matulog kung gusto niyo at gigisingin ko na lang po kayo pag tapos na." Sabi niya at napatango na lang ako.

After 2 hours

"Madam gising na po kayo.. tapos na po." Sabi nung bakla kaya gumising nako at saktong paggising ko napatingin ako sa salamin. "Wow! Ako ba'to?" Sabi ko habang tinitignan ang sarili. Ang ginawa niya lang naman ay pinaikli niya yung buhok ko at pina layered, tapos nilagyan ng kulay na light brown then may bangs tapos, nilinis niya rin yung kilay ko inahit niya kaya nagmukhang malinis tapos nilagyan niya ko ng light make up pati mga kuko ko sa paa at kamay maayos na rin. "Yes madam ikaw yan. Maganda po ba?" Tanong niya. "Oo. Salamat." Sabi ko at pumunta kay bessy na nagbabasa ng magazine sa waiting area.

"Bessy!" Sabi ko at napalingon naman siya. "Uhh miss? Ako ba?" Tanong niya habang tinuturo ang sarili na parang di niya ko kilala. "Hahaha oo naman bessy." Sabi ko. "Bessy? BESSY?! Ikaw ba yan?!" Tanong niya na gulat na gulat. "Oo naman bessy sino pa ba tatawag sayo ng bessy huh?" Sabi ko sa kanya.

I fell, you moved onWhere stories live. Discover now