Qifen's P.O.V
"Ma! Pasok na po ako!" Sabi ko at kiniss siya sa pisngi.
"Sige, anak ingat kayo ng Papa mo! Atsaka nga pala sabihin mo kay Ges namimiss ko na siya di na siya pumupunta dito." Sabi niya.
"Sige po ma... Si Ges na naman" Sabi ko.
"Ano yun nak?"
"Wala po ma. Sige ma pasok na po ako! Bye!" Sabi ko at pumunta sa parking lot.
"Halika na Pa!" Sabi ko at umalis na. Habang nagdadrive si Papa bigla siyang nagsalita.
"Nak, alam mo na ba yung section mo?" Tanong niya habang nakatingin patin sa daan.
"Opo pa, section 2A." Sabi ko.
"Anak ayos ka lang ba? This past few days parang ang tamlay tamlay mo. May problema ba kayo ni Ges?" Tanong niya. Hayy kilala talaga ako ni Papa.
"Ahh... wala po pa kinakabahan lang po ako sa magiging mga kaklase ko." Pagsisinungaling ko.
"Basta anak pag may problema ka sabihin mo lang samin ng mama mo ha?" Sabi niya.
"Opo pa."
"Sige anak nandito na tayo. Goodluck on your first day huh?" Sabi niya at tinap yung balikat ko.
"Sige pa thanks. Ingat kayo pa." Sabi ko at bumaba na ng kotse.
Pagkapasok ko sa school bumungad agad si... Vriz.
"Hi Babe! Namiss kita!" Sabi niya at kumapit sa braso ko.
"Pwede ba tigilan mo ko Vriz!" Sabi ko at nauna na maglakad pero dahil makulit siya hinabol niya parin ako.
"Bakit mo ba ako iniiwasan Babe?" Sabi niya at kumapit na naman sa braso ko.
"Pwede ba tigilan mo na ako?! Kahapon ka pa ha!"
"Dahil ba yun sa kiss ko kahapon? Kaya ka naiinis? What's wrong? Kulang pa ba? Halika ikikiss kita." Sabi niya at akmang hahawakan yung mukha ko pero tinabig ko ang kamay niya.
Kahapon kasi hinalikan niya ako sa mall di ko alam kung bakit niya ginawa yun, eh hindi ko naman siya girlfriend sinama ko lang siya sa mall kasi masyado siyang makulit.Bibili lang naman ako ng mga school supplies para sa ngayong pasukan, pero dahil mapilit siya sinama ko nalang siya.
"Pwede ba?! Sa tingin mo nagustuhan ko yung halik mo?!Tsaka hindi kita girlfriend! Hindi porket sinama kita kahapon eh ibig sabihin na girlfriend kita! " Sabi ko at tumalikod na.
"Dahil ba to kay Gesre huh?" Tanong niya na ikinatigil ko.
"Kala mo di ko alam na may gusto ka sa kanya? Matagal na kitang sinusundan Qifen, at lagi kong nakikita kung pano ka tumingin kay Gesre na parang siya lang yung mundo mo at siya may gustong iba tama ako diba? Bakit di nalang ako Qifen? Ako mahal kita! Eh yung Gesre mo? May mahal na iba habang ikaw nagpapakatanga sa kanya diba? Diba?!" Sabi niya at di nako nakapag timpi at sinigawan siya.
"PWEDE BA?! TUMIGIL KA NA! WALA KANG PAKIALAM SA NARARAMDAMAN KO! SINO KA BA HA?! ALAM MO KANINA PA KO NAGTITIMPI SAYO. TIGILAN MO NA AKO PWEDE? MAGHANAP KA NA LANG NG IBA DIYAN. TIGILAN MO NA AKO!" Sigaw ko at tilang gulat na gulat siya.
"Tandaan mo 'to Qifen di kita susukuan kahit anong mangyari." Sabi niya at umalis na.
~●~●~●~●~●~●~●~●~●
Gesre's P.O.V
"OMG BESSS!! Excited na ko sa first day natin!!! Sino sino kaya mga kaklase natin?" Sabi niya. Yes, tama kayo ng dinig magkaklase na naman kami ng babaitang 'to ewan ko ba di kami mapag hiwalay niyan hahaha!
YOU ARE READING
I fell, you moved on
General Fiction"What if I realized na gusto kita? Na mahal kita? What if naka move on ka na tapos ako naman yung nagma mahal sayo? What will I do? Will you still love me again? Will you say 'Yes' if I ask you to love me again? To be with me again? Kasi di ko alam...