CHAPTER 46

113K 1.8K 93
                                    

AN: Hi guys! This is just a part of Chapter 46. Yung karugtong kasi nito ay nasa laptop. Wala kaming internet kaya di ko pa mapost. Nagregister lang ako sa Globe ng supersurf promo nila na nawawalan ng signal kapag nasa loob ng bahay. Hehe. Hindi ko naman makabit or magawang wifi hotspot itong cp ko. Ayaw gumana eh. Invalid sim daw tapos kapag USB naman ang gamit ko hindi naman sila magkasundo ni Laptop. Pareho naman silang Samsung. Siguro magkaaway sila. -_____- Anyway, ito na ang update.

P.S: Thank you sa mga pumunta noong GR3 sa SM FAIRVIEW.  Ang sweet nyo! I love you po! Sa mga taga Bacoor, kita-kita po tayo sa July 12. GOLDRISING3 @ SMBacoor!

...

...

"Will you give me your heart too?" Sa dami ng sinabi ni Jin iyan ang highlight ng moment na ito. Hindi makagalaw si Anya sa kinatatayuan nya. Ayaw na nga talaga nyang gumalaw kasi naman, ang sarap kayang makulong sa mga braso ng Jerk Ex-boss nya. Keyeeehh! Ibibigay na nga ba nya ang heart, body and soul nya?

"S-Seryoso ka ba dyan?" She asked. Naramdaman nyang bumuntunghininga si Jin mula sa likuran nya. Tumama kasi ang hininga nito sa likod ng tainga nya na nagbigay sa kanya ng kakaibang kiliti. The freaking hormones are running wild again. O baka naman si Anya lang ang nagbibigay ng malisya sa pagbuntunghininga ni Jin?

"I'm dead serious..." then there goes the husky bedroom sexy badass voice. Fvck! Hindi lang ata panty ang malalaglag sa kanya.

"Oh please... Stop this if you don't mean it!" Hindi pa din sigurado si Anya. Heaven knows how badly he likes this guy. Pero nagdadalawang isip sya. Paano kung masaktan lang sya. Paano na din si Damien? She gave him a chance-he's not a stranger anyway.

"How can I prove it to you baby? Should I marry you right away? Mali ba ang tanong ko? Let's get married then!" He moved fast going in front of Anya. He linger his finger on the side of her face going down to her jawline, down to her neck and before he could even reach her shoulder he stopped.

"Baby... Marry me please..." Pakiusap nito.

It's barely hard to breathe. She can't take this anymore. She wanted to cry! Si Jin Kingson Estude lang naman kasi ang naga-aya sa kanyang magpakasal! At sh!t! Baby daw! 0///0

"We-wait! I can't!"

"You can't?" His eyes went darker. Oh God! Here comes the beast!

"I mean! Hindi ko pa masasagot ang tanong mo. Ang bilis naman kasi huwag mo naman akong gulatin!"

"When will you give me your YES?"

"Ano-sa-ano-bu-bukas! I just need to talk to Damien-"

"-You're not gonna talk to him!" Mabilis na tutol ni Jin.

"Sa ayaw at sa gusto mo kailangan ko syang kausapin! Magpapaalam lang ako."

Halos magsalubong ang kilay ni Jin while he looks Anya straight to her eyes. Napalunok pa si Anya. Kailangan lang talaga nya munang kausapin si Damien. Ayaw nyang sagutin muna si Jin hanggat hindi nya nakakausap si Damien. She gave him a chance at alam ni Anya ang pakiramdam ng umaasa.

"Ayoko lang na umasa sya. I just wanted to let him know that I will commit myself to someone else." Napayuko pa si Anya. Sobrang nakakahiya lang pakiramdam nya pulang-pula na sya. Sobrang nakaka-overwhelmed ang presensya ng jerk ex-boss nya.

"Is that a yes my baby?" Natatarantang nasalubong nya ang mga mata nito sa tanong na iyon. Oh boy! Those eyes! They are so soft and loving again. Anya can't help it! Marahan nyang pinadaanan ng mga palad nya sa magkabilang balikat ni Jin at ipinagtagpo ang mga ito sa batok ng lalaki.It looks like she's hugging him.

It's Him! My Jerk Boss!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon