Chapter 43

134K 2.3K 538
                                    

Please take time to read my authors note. I just wanted to share something about my Dad. Thank You!

...

...

WARNING: Extremely bitin. XD

"Anya wait!" Damien called her. Nasa bukana na sila ng mansion. Huminto si Anya para harapin si Damien.

"Damien please. Huwag muna ngayon..." pakiusap ni Anya. Maluha-luha pa rin sya.

"I'm sorry. Please give me another chance. Give us a second chance." Lumapit sya kay Anya. She can see sincerity in his eye. Pure love nothing else.

"Hindi mo naman kailangang magsorry. Wala kang kasalanan." Mahinahon na sabi ni Anya.

"Sinaktan pa din kita. I know it was stupid. Pina-abot ko pa ng tatlong taon. Sorry kung natagalan ako pero gusto ko lang paghandaan ang pagharap sa'yo at sa family mo."

"Damien just please kailangan ko lang ng space. Huwag mo muna akong guluhin." Tama kailangan nya ng panahon. She just got rejected by her jerk boss! Masakit mang aminin pero masakit talaga eh!

"No Anya! Ayaw kitang bigyan ng space kasi ayokong bigyan sya ng puwang dyan sa puso mo." Tinuro pa ni Damien ang puso ni Anya. He is desperate to win her back. Kahit sa ano pang paraan. "Kung sya ngayon ang nandyan pwedeng ako na ulit bukas. I don't believe in giving spaces Anya! Abot kamay na kita ngayon and I will not fvcking let go do you understand? I will never ever stop until you are head over heels inlove with me again!" He is damned serious when he said that. His eyes set into hers and when he does that, who will not fall? It softens Anya's heart. She really does hope she can fall again but she is in pain right now. She's not yet ready to fall again. Masyadong pang maaga. Wala pa sya sa moving on process.

"Will you help me to move on?!" Bahala na. Pwede naman sigurong subukan. Sabi nga nila mas makaka-move on ka daw kapag mayroon nang kapalit. Pero mali iyon dahil parang gagamitin mo lang sya. Sa kaso ni Anya, susugal sya. Damien is not a stranger afterall. Who knows? Baka nga sakaling pwede ulit sila.

..

..

"Teka teka! Aba saan ka pupunta?" Harang ni Manuel kay Lenny na papasok sa kwartong tinutulugan ni Anya noon. Nandoon kasi si Kevin na nakatulog na dala na din ng kalasingan.

"Kay fafa Kevin. Pupunasan ko lang sya at papalitan ng malinis na damit. Bakit?" Taas noong tanong pa ni Lenny. Ipinakita pa nya ng husto kay Manuel ang dala nyang palanggana na may bimpo at maligamgam na tubig pati na din ang damit ni Manuel na nakasampay sa balikat nya. Aba at home talaga tong si Lenny. Akalain mong nagkalkal na ng gamit ni Manuel para ipasuot kay Kevin.

"At sino ang may sabi sa'yo na gawin mo yan? Close na ba kayo? Akin na yan at ako na ang magpapalit sa kanya." Aagawin sana ni Manuel yung palanggana pero inilayo iyon ni Lenny.

"Oy! Oy! Anong ikaw? Mamaya gahasain mo pa yung tao eh ikaw talaga!"

"Gagang to! Anong ako? Baka ikaw! Ikaw kaya itong rapist sa ating dalawa!" Akusa ni Manuel kay Lenny.

"Ang sakit mo naman makapagsalita! Grabe ka! Kunwari ka pa eh gustong-gusto mo naman. At isa pa ikaw tong may matinding pagnanasa dyan kay kev- hmp!" Biglang tinakpan ni Manuel ang bibig ni Lenny. Makasigaw naman kasi wagas eh. Paano nalang kung marinig ni Kevin yun? Kahit pa lasing yung tao may chance pa din na maalala nya iyon kapag narinig nya.

"Huwag kang maingay! Gaga ka! Mamaya marinig ka nyan!"

"Achuchu... arte nito. Kunwari ka pa. Tara gusto mo threesome nalang tayo." Biro ni Lenny kay Manuel. Oo biro lang naman. Hindi naman ganyang pakawala si Lenny. Pero oh my gosh! Sa sexy ni Kevin medyo half-meant talaga yun!

"Gaga! Nakakadiri ka talaga! Naku tara na nga! Hayaan nalang natin si Kevin. Matulog na lang tayo." Sabi ni Manuel na hinawakan sa magkabilang balikat si Lenny at itinalikod sya para mauna itong maglakad. Parang itinutulak nya ito pero medyo close sila sa isa't-isa.

"Ay eno beh? Nakikiliti ako dyan. Tine-turn on mo naman ako eh..." biro nanaman ni Lenny kay Manuel patungkol sa mga kamay nito na nasa balikat nya. Kinikilig-kilig pa kunyari ang gaga.

"Ay punyemas! Ang bastos ng bibig mo. Babae ka ba talaga o bakla? Mas bakla ka pa sakin eh." Sabay binitawan ni Manuel si Lenny.

"Wow ha. Pa-virgin ka pa dyan. Kunyari ka pa eh gusto mo naman."

"Ulol! Feelingerang palaka ka!"

"Anong feelingera? Eh ano pala ang ibig sabihin nyan? Kinakawayan lang ba ako ng flappy bird na yan?" Sabay nguso ni Lenny sa maselang bahagharing kumakaway sa kanya.

Napatakip naman si Manuel doon. Sh*t. Kinukulam na ata si Manuel. Bakit palagi nalang iyon sumasaludo kapag nandyan si Lenny? Hindi naman iyon ganun dati eh.

..

..

Jin found himself starring on the door where Anya sleeps. Everybody are asleep except him. It was already 2am in the morning but he is just infront of that fvckin door. Kanina pa din umalis si Damien. That asshole never came back sa kubo kung saan sila nagi-inuman kanina. Kanina pa gustong malaman ni Jin kung bakit ang tagal nila ni Anya na magkasama. And why is he even thinking about that? He shouldn't care! What the hell!? Ito naman talaga ang dapat mangyari. It is happening again ang he needs to protect his self from breaking apart. Ayaw na nyang maranasan ang sakit na naranasan nya noon. He is afraid of falling in love dahil baka sa huli hindi nanaman sya ang piliin. Pero sh*t lang bakit hindi sya mapakali kapag magkasama sina Anya at Damien. Nahulog na ba talaga sya kay Anya? Mariing napa-pikit si Jin. Oo na! Kailangan nyang makita si Anya ngayon. Kaya naman pikit mata nyang itinusok ang toothpick na hawak nya sa doorknob para mabuksan ang naka-lock na pinto. Dahan-dahan nya iyong binuksan. Ingat na ingat sya na hindi gumawa ng anumang ingay. He went straight in front of the bed where she is supposedly sleeping. Pero laking gulat nya ng wala doon si Anya. Magulo ang kama pero walang laman. The hell! Where the fvck she is? And before he could even step back the door in the bathroom opened. Parang yelong nanigas si Jin sa kinatatayuan nya. His eyes glued to her eyes. Sh*t! Now. What should he do?

...

...

To be continued.

A/N: hindi ko pa talaga dapat ipo-post to dahil alam kong sobrang bitin. Hehehe

First I wanted to thank everyone who prayed with me for my dad. Exactly 1:53am today I just received a call from my ate that he passed away already. I really don't know what to say. Alam kong hinanda na namin ang sarili namin pero ang hirap pa din pala. Napaisip tuloy ako, paano na? Pero naisip ko ipinagdasal din namin na huwag na syang pahirapan. The whole week palagi na syang nagpapaalam sa amin. Saying na aalis na daw sya pero kapag nandoon na sinasabi nya na ayaw daw nyang sumama (he is pertaining to my uncle and grandpa kasi sinusundo daw sya). My ate is a nurse who worked overseas. Ang galing lang. Kasi noong nagbakasyon sya last february just 3 months ago, na-hospital ang dad ko and we found out na may tubig sya sa baga at lump. Then March came at inoperahan sya tapos na-diagnosed na may Stage4 Lung Cancer na. Hindi na nga nakapasyal ang ate ko kasi she took care of our dad. Hangang sa matapos ang bakasyon nya at bumalik na sya overseas. Then he came back again here last month kasi iba pa din talaga yung may nag-aalaga kay daddy na may medical background. We are all married and working at masakit man sabihin we don't have all the time para matulungan ang mom ko sa paga-alaga ng dad ko. My ate is married na din pero wala pa syang anak. Our dad asked her. "Hanggang kailan ka dito?" She said "hanggang May 17." Tapos sabi daw ni Daddy, "ah wala na ako noon."

Today is May 17 and her flight is supposed to be this morning. Ang galing din ni Daddy. He made sure na kumpleto kami bago sya umalis. He doesn't want to go before kasi lagi syang nagwo-worry sa amin so I told him not to worry anymore. Inisa-isa ko pa kaming pitong magkakapatid to make sure he understands na lahat kami ok lang at hindi nya kailangan mag-alala. Ngayon alam ko hindi na sya nahihirapan. Siguro ang gwapo na ulit nya ngayon. Wala ng oxygen at bumalik na yung pangangatawan nya. We are thankful na kahit papa-ano napaghandaan nya ang pag-alis nya. He chose the picture na idi-display namin on his burial. Nakapagbilin na din sya. We kissed him and he told us that he loves us. Everyone of us got a chance to take care of him.

You have fullfilled a lot of things already Daddy. Idol kita simula bata pa ako alam mo yan. Sabi mo nga sa'yo ko namana tong pagsu-sulat ko di ba? I'm so proud of you Dad. Rest in peace and we love you forever.

It's Him! My Jerk Boss!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon