Poetry #1

1.1K 232 97
                                    

"Ikaw ang Kasagutan"

Ganun-ganon na lang ba ako kaybilis kalimutan?
Para akong basura na basta-basta mo nalang nilisan,
Matapos mo akong pakinabangan?
Matapos ng ating pinagsamahan?

Bakit? May iba na bang pumupunan sa iyong kaligayahan?
Sobrang pait kasi siguro, nalimot mo na yung paraan kung papano ko pinapagaan ang iyong kalooban.

Minahal mo ba talaga ako o ginawa mo lang akong laruan?
Laruan na pagkatapos mong pagsawaan ay iyong lalayuan.

Bumaha ng napakadaming tanong sa aking isipan,
Pero bakit kahit isang katanungan ay tila naglalaro ang madaming kasagutan?

Masakit, pero tanggap ko na hindi na mabibigyang kasagutan pa ang aking mga katanungan,
Dahil alam kong ang taong makakasagot lamang nito ay ang taong hinding-hindi ko na matatagpuan.

— Miss Pader/AZ♡

When Miss Pader HurtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon