"Ipinaglalaban kita, Habang Ipinaglalaban Mo Siya"
Alam ko na ngayon kung bakit parang wala lang ako sayo,
Alam ko na ngayon kung bakit hindi na ako yung hinahanap-hanap mo,
Alam ko na ngayon kung bakit sobrang dali lang para sayo na kalimutan ako,
Yun ay dahil sa isang litratong sumagot sa lahat ng katanungan ko.Nung una masakit, pero agad yung nawaglit sa isang saglit,
Bakit? Kase sawa nako sa salitang "hinanakit", "poot", at "galit",
Sa buong buhay ko, ngayon lang ako natutong ngumiti ng pilit kahit sobrang sakit,
Yung matamis na ngiti ko noon,pilit mong pinagkait yun sakin ngayon ng paulit-ulit.Sana sinabi mo na lahat sakin na may iba kana para hindi nako aasang babalik kapa,
Sana diniretso mo nalang ng sabi saken na "Oo, may iba nako ayoko na sayo tamana.",
Sana sinaktan mo nalang ako sa mga diretsuhang salitang yan para tapos na.Kaso hindi, nalaman ko pa yung totoo sa isang litratong nagbigay ng kabaliwan sa buong sistema ko,
Litratong nanggaling pa mismo sa bago mo,
Masakit. Sobrang sakit.Yung mundo ko, may mundo nang iba.
Yung mahal ko, may mahal ng iba.Pakasaya lang kayong dalawa,
Wag niyo nakong alalahanin kung malungkot ba ako o masaya,
Kase kahit sabihin ko, di niyo maiintindihan kase ayan kayo minamahal ang isa't-isa.—Miss Pader/AZ♡
BINABASA MO ANG
When Miss Pader Hurts
PoetryKapag ang Pader NASAKTAN, Pati kayo MATATAMAAN! Nararamdaman na sa pagsusulat lamang naidadaan. BookCover by: @kbluescript Most Impressive Ranking: Rank #1- Poetry - 05/30/18 Rank #5- Tula - 05/29/19 Rank #11- Paasa - 06/06/19 Rank #15- Hugot - 06/0...