5 years later....
Zera is busy checking and reading the papers of the company, then suddenly, her boss calls her.
Nag mamadali na inayos niya ang gamit sa table saka siya pumunta sa opisina nito.
Pagkapasok na pagkapasok nito nakita na niya agad ang nakasalampak na babae sa sahig habang umiiyak- no actually humahagulgol ang right term.
Naawa man siya sa babae. Medyo nasasanay na din siya sa boss niya.
"Please, Dash! I'll do anything! Wag mo naman akong hiwalayan! Hindi ko kakayanin!" Umiiling pa ang babae habang nagmamakaawa sa boss niya. But she already knows this scene...
"Do you need anything sir?" Sabad niya sa eksena.
"Uhh..yes. Kindly call the guards" Sabi nito habang taimtim na nakatingin sa kanya.
Napalunok nalang si Zera at tsaka tumango at lumabas ng opisina.
PAG KATAPOS kausapin ni Zera ang mga guards ay saka siya bumalik sa opisina ng boss niya
"Sir, the guards will arive soon. Do you need anything else sir?" Tanong pa niya dito. Pero bago maka sagot ay sumingit na ang babae sa eksena.
"You! Ikaw siguro ang nang landi sa boyfriend ko ano?! Ikaw ang nang akit kay dash!! Ikaw ang dahilan kung bakit niya ako hiniwalayan!" Puno ng poot at pang aakusang saad nito sa kanya.
Napabuntong hininga siya, naaawa siya sa babae, pero sa nakalipas na limang taon niya dito ay nasanay na lang din siya.
Her boss is a cassanova, a player, a heartbreaker and a ruthless monster. Over the past five years that she'd been working in the company na kilala niya ang boss niya bilang isang playboy.
Napabuntong hininga ulit siya. This woman is no exception, isa rin ito sa mga babaeng sinasamba ang nilalakaran ng boss niya.
"Im sorry to disappoint you miss, but i do not know what you are saying" mahinahon na ani ni Zera sa babae.
Masyado siyang pagod sa paper works to deal with this routine.
"Sinungaling!! Alam kong ikaw ang nasa likod nito!" Sabi pa nito at saka siya sinabunutan.
Ito na nga ba ang sinasabi ko! Lagi nalang siyang naaakusahan na kabit ng boss niya but the truth is there's really nothing beetween them.
"A-aray, miss! Masakit! Tama na po!"
At dahil sa awa ng diyos, dumating ang mga guards at pinag hiwalay silang dalawa.
Maiyak iyak si Zera dahil sa pagsabunot sa kanya ng babaeng iyon. Hindi niya inaakala na ganoon ang galit nito.
Pag kahiwalay niya sa babae ay nag pupumiglas pa ito sa mga guard at sa kasamaan palad ay nakawala ito.
*Pak!*
Isang malutong na sampal pa ang pahabol nito sa kanya. Hindi na niya napigilan na may lumabas na hikbi sa bibig niya.
Bakit ba laging ako nalang? Sigurado naman siya na wala silang relasyon ng boss niya. At lalong wala siyang nilalandi. Pero bakit lagi siya ang napag bibintangan?
Hatak hatak ng guards ang babae pero hindi pa rin ito tumitigil sa pag sisigaw nito sa kanya ng masasakit na salita.
"Punyeta kang babae ka! Malandi! Ahas! Mang-aagaw! Kabit! Linta!"
Yung ang huling narinig niya bago sumara ang elevator.
Napa hinga nalang siyang malalim. Naiiyak siya.... Gusto niyang humagulgol ng iyak, gaya ng ginawa ng babae kanina. Kaso masakit sa lalamunan, kaya wag nalang.
YOU ARE READING
TPBS: My Playboy Boss
RomanceR-18 (MATURE CONTENT) THE PLAYBOY SERIES Hinalikan ko siya. Pinaramdam ko sa kanya ang aking pagkalito, pagkainis at ang isang emosyon na ayaw kong pangalanan, pero ng matauhan ako lumayo ako sa kanya " This is wrong dammit!" Napakunot naman ang nuo...