Chapter 2

57 1 0
                                    

NABALING ang atensyon ni Zera kay Asher na ngiting-ngiting pumasok sa office niya.

Hindi nito inalintana ang naka- kunot niyang noo. Pasipol-sipol pa ito habang papa-upo sa visitor's chair.

I gave him a bored look. "What now, Asher? Ano na naman ba'ng kailangan mo?"

Ngiting aso pa rin itong bumaling sa akin "You know, pag-katapos ng araw na to, hinding- hindi mo na ulit iisipin pang mag-resign kahit kailan." Makahulugan nitong saad

Napa-kunot naman ang noo ko. Ano na naman bang nasinghot nito at ganito to' mag-salita?

"Kung wala ka nang sasabihin pa, mawalang galang na pero pwede ka nang lumayas" Napasimangot naman si Asher sa sagot nito sa kanya.

"I'm not kidding, Zera. Pag-katapos ng araw na to', hinding-hindi ka na makakapag-resign or let me rephrase it, hindi mo na gugustuhin pang mag resign" naka-ngisi sa kanya si Asher.

"Alam mo Asher, napipika na ko sayo, kanina pa eh. Look, kung ano man ang nasinghot mo or kung ano man ang nalaklak mo ngayong araw, stay me out of it. At ang sabi ko lang kanina, gusto kong mag-resign hindi ako magre-resign. Kaya tigil-tigilan mo ako sa kalokohan mo at baka makalimutan kong investor ka sa kompanyang toh."

Asher then, looked at her with amusement "No wonder, your boss likes you" pabulong ang pagkaka-sabi nito kaya hindi niya masyadong naintindihan na lalong nagpa-kunot ng kaniyang noo.

"Ano na naman bang binubulong mo?" Nakakaramdam man ng pagka-pikon ay pinipigilan pa rin ni Zera ang sarili dahil iniiwasan niyan ma-BV ngayong araw.

Ngumiti naman ulit si Asher sa kanya. "Wala ang sabi ko, prevention is better than cure."

"Oh, tapos?" Bored na niyang tanong. Nauubos ang working hours niya ng dahil sa pakikipag-'hulaan' kay asher.

"Wala." Nakasimangot na sabi ng huli.

"Oh, yun naman pala eh. Ngayong wala ka nang sasabihin, lumayas ka na sa opisina ko dahil kanina pa ako nanggi-gigil sayo at baka hindi kita matatsa at maibalibag kita."

"Fine." Asher grumbled while gettitng out of her office.

Ahh. Atlast, peace.

Nag-patuloy na siya sa pagtra-trabaho at tinapos na ang mga dapat tapusin

'I'm not kidding, Zera. Pag-katapos ng araw na to', hinding-hindi ka na makakapag-resign or let me rephrase it, hindi mo na gugustuhin pang mag resign...'

'hinding-hindi ka na makakapag-resign or let me rephrase it, hindi mo na gugustuhin pang mag resign...'

'hindi mo na gugustuhin pang mag resign....'

Ipinilig nalang niya ang ulo at tsaka nag desisyon na huwag nalang isipin ang mga sinabi ni Asher kanina. Marahil ay naka-iskor ito kanina kaya kung ano-ano ang lumalabas sa bibig nito.

Napatango-tango siya. Tama. Baka ganuon nga. Bakit naman kasi ito magsa-sabi ng ganoong klase ng mga salita?

Sapat na ang haba ng panahon ng kanilang pag-kakaibigan, para masabing ang isang katulad ni Asher ay hindi ang tipong misteryoso--sa katunayan ay napaka-dali nitong basahin.

Kaya imposibleng may laman ang mga salita nito. Siguro nga. Pero bago pa ulit siya makapag-concentrate ay meron ulit na gumulo sa isip niya

'No wonder, your boss likes you...'

Nag-init ang pisngi niya sa naalala. Hindi! She's pretty sure na mali lang pagkaka-rinig niya dito. Napaka-impossible ng maaari niyang narinig.

She's super-duper-sure that his boss doesn't have any special feelings towards her.

TPBS: My Playboy BossWhere stories live. Discover now