Halowwww! Inang Reyna, alam mo na umalis kami last time diba? Andaming nangyariii! Pero tinatamad pa ako magsulat ng mahaba kaya magshe-share na muna ako ng infos ko(▰˘◡˘▰) Numbersign SlamNotebook
Name: Marielle Faith Riki Yangco Perikista
Yangco si Mama at Perikista naman si Papa. Yung love story kasi nila, nagkabunggo daw sila sa airport ng Pilipinas, tas si paderert daw eh na- love at first sight. Wow diba. Dati palang may pa ganun na silang effect. Tas parang magkatabi daw sila sa eroplano, parehas silang nasa isle part. Tas nagkatuluyan sila. Ewan ko kung ilang taon silang mag girlfriend-boyfriend, basta nagkatuluyan sila. Hahahaha. Si kuya nga eh isda, kinasal kasi ng parents ko ng Feb.3.1994, tas pinanganak sya ng May 26 1994 o diba(→ܫ←)Age: 14 palang ako, kaya nga nag ka problem sa pagpasok ko dito dahil sa soggiorno ko mga ka-inang reyna.
Birthday: May 26, 2002 Yep! Magka-birthday kami ni kuya Enoch. Hehehe. San ka pa, kaya naman pag birthday namin, double celebration, tas yung mga bisita, mas madami yung kay Kuya syempre. Nahihiya kasing pumunta yung iba kong kaibigan, mga sikat kasi sa school o yung mga "gwapo" ang friendship nya.
Siblings: Dapat "sibling" lang yan eh, walang s. Dalawa lang kasi kami ng kuya ko, si kuya Michael Enoch Roy Yangco Perikista. Mag-23 na sya at isa syang architect. May nililigawan sya, si ate Mylene. Close kami kung close, yung tipong kulang nalang sabay kaming maligo kaso malamang di pwede, baka machismis pa. At may news pa ako! Tanda nyo ba si welcome to the club boy? Parehas kami ng Apartment Building, pero yung unit namin ay nasa 3rd floor at ang kanila ay nasa 2nd floor, nandito sya para mag renew ng papel nya at kasama nya sa bahay ay lola nya at isa nyang tita. Nasa Pilipinas daw ang kapatid nya at magulang. At alam ko na yung pangalan nya, sya si kuya Railey Sebastian Lukrit, nakita ko sya sa baba nung nanggaling kami ni kuya sa Carrefour. Huhuhu, kakilig ang winter outfit nya! Malamig pa kasi dito, paiba iba yung panahon dito Ina!
Hobbies: Well, alam mo Inang Reyna, wala naman akong ibang ginawa kundi magbasa, kumain, mag-cellphone at magbasa ulet. Yun na siguro yung masasabi ko na hobbies ko. Ah isa pa pala! Mahilig ako sa music. Fave band ko Ina yung Paramore. Alam mo na, sing us a songggggg and we'll sing it back to youuuuu. Pero wag kayong umasa na maganda ang boses ko, pag kumanta ako, babaha at lalong gugulo ang panahon dito.
Crush: Awieeee! Eto talaga favorite part ko! Tannnn tan tananan tananananan. Aida March dapat yan eh, kaso pumalpak. May crush ako, si Ryan, taga-school namin sya, kaso bading! Tas kung updated naman, hihihi. Si Rai. Huhuhuhu. Hihihihi. Hwahahahaha. Hehehehehe. Nyenyonye. Numbersign NababaliwAkoSakanyaAta. Yes! Si kuya Railey. Kasi naman, bukod na sa gwapo sya ay jusko, we wave the same flag! Kami yung tipong magwawala once na marinig namin yung We are Paramoreeee. Nakita ko kasi isang beses yung case nya ng cellphone, yung album cover ng Singles Club, me be like: Numbersign Faints. So dahil dun, crush ko na sya. Hihihi. Tsaka, kumpleto din sya ng album! Parehas kamii. Nakakabaliw.
YOU ARE READING
Dear Inang Reyna
Teen FictionHi! I'm Marielle Faith Riki Perikista and this is my Inang Reyna diary