Dear Inang Reyna,Ciaao Inang Reyna! Come stai? Va bene? Naiyak ka ba sa istorya ng first love ko last page? Numbersign Nosebleed. Nakaka nosebleed ang mga salitang ito! Buti nalang nakakaintindi ako ng medyo medyo. Diba umalis kami last time remember? May na-meet la naman akong gwapo! Omg huhuhu. Inang Reyna ang badbad ko, diba nasabi ko na last time sayo na crush ko si kuya Rai? Tsaka si Ryan? Ngayon pati si kuya Eleazar! Sya yung binilhan namin ng sim last time, kaso may bad news, anak sya ng ninong ko. Nung pinaguusapan yun nila Papa, sabi kasi ni Papa kay Mama, "Amore, dun ka nalang kasi bumili! Di ka naman pababayaan ni Azka." Actually, di ko alam saan nanggaling yung Azka, tas nung napaguusapan nila kuya sya sa bus nung papunta kami kay papa, nabanggit nya na Azka Eleazar Conrado ang pangalan ng koya nyo at anak sya ni ninong sa unang asawa. Tapos mahilig padin daw sya sa video games, at isa sya sa mga madaming sales sa shop na yun, madalas daw na hinahanap sya ng mga customers. And to tell you this Inang Reyna! Ang cute nya mag tagalog lalo na nung ako yung kinakausap nya. I tried to stay calm nung nakipagshake hands at beso sya sakin nung first meeting namin. Pero nung nagpaalam na kami na uuwi na, shakehands lang bes pero di ako makatingin sa mataaaaaa, nasiko tuloy ako ni kuya with matching laki ng mata. Huhuhuhu. Ang gwapo nya kaya. Pero ang pinagtataka ko, bakit kapag pumupunta samin sa Bulacan(province namin, mayaman nga kasi kami kaya may sarili kaming probinsya) sila ninong ay yung anak na babae lang ang kasama? Maybe they're not close no? Nakikinig lang kasi ako sa usapan nila, kasi naman hindi ako makarelate kasi si kuya nakasama nya na si kuya Azka(tawag nila so nakitawag na din ako ina), yun pala, nag rebelde sya. Pano na ang future namin? Huhuhu. Landwe. Maniniwala na ako sa "if oppurtunity doesn't knock, build a door" halata naman kasi na wala syang interes sakin, so kay kuya Rai nalang ako mag build ng door Inang Reyna q! Ehehehehe. After namin dun, nakipag kita kami kay Papa sa Largo galing kasi sya sa trabaho, tas nagpunta kami ng Pantheon! Ang ganda ina, ang dami ding tao. May kabayo pa nga eh. Tas picture picture kaming apat. Si kuya yung nagsilbing photographer ko hahahaha. After namin dun, kumain kami ng supli habang naglalakad papuntang bus stop, sa totoo lang, hindi ko pa tanda iyong mga sasakyan dito, tulad sa bus. Naka by number sya, halimbawa, mula sa metroC ay magbubus kami papuntang Centro or what. Basta Metro C yung pinaka easy way namin papuntang kabayanan, wow kabayanan. Well anyway, that day din nakasabay namin si kuya Rai sa metro! Nagkwekwentuhan sila using Italian language! Si papa at kuya kasi ay naiwan para ibili kami ng teserra, yun yung card na magsisilbing pass namin sa bus and train for 1 month. Napaka fluent nyang nag italyano! Huhuhu that makes him so cooollll, well he's cool but speaking in different language make him look cooler. Tas nakikipag kwentuhan din sya sakin! Pero syempre, tagalog. Kwentuhan namin yung about sa mga happenings sa school ko since high school palang ako. Tas kung ano yung gusto kong i-pursue someday. Sya kasi, graduate na kasi sya at isa na syang Architect, same school sila ni kuya pero never silang naging friends, ngayon lang, tas kasabay nun ay may banda sya, sya yung guitarist tas kumakanta din sya, Omega 3. O diba nakakainlabbb, good for the heart(〃∀〃)(→ܫ←)(╯✧∇✧)╯. Minsan talaga ina nakakatulong yung pagsumpong ng antok ko, alam mo na, nag aadjust ako sa timezone. Hehehe. Tas sabay kaming lumabas ng metro, tas sabay pumasok ng building, tas tabi kami sa elevator, tas naalala ko eh kasama pala namin si mama! Kasi nakagitna ako sakanila so feeling ko kami lang! HAHAHAHAHA. Tas inaya pa nga sya ni mama sa apartment namin para mag meryenda, kaso magpapahinga daw sya tas mag grogrocery daw sila ng lola nya. Kaya gora na sya, awawa naman a baby q. Hehehehe. Tas nakatulog na ko nun, pagkagising ko, katabi ko na si kuya tas wala ng worth it isulat sayo ina bukod sa nagllbm ako tas aabutin ata ako ng ilang linggo bago makapag adjust! Kelangan naming gumala, para di ako tulog ng tulog! Yun lang ina, inaantok ulet ako eh. Labyuuuuu.
PS. Sana maka-close ko si kuya Rai! HUHUHUHU
YOU ARE READING
Dear Inang Reyna
Ficção AdolescenteHi! I'm Marielle Faith Riki Perikista and this is my Inang Reyna diary