°FIRST HEART BEAT°

40 1 11
                                    

Dedicated to xxrosemm20


"Anak ano ba yan! May klase ka pa ba?!"

"Meron ba nay?"

"Aba! ewan ko sayo, bumangon ka kung gusto mo!"

"Ito naman ang aga-aga ang init agad ng ulo, oh eto na babangon na pooo!"

Hi! Ako pala si Zianne Ellouise Sanchez, 18 years of young and I'm also a college student sa Nueva Ecija University of Science and Technology (N.E.U.S.T). Ewan ko kung magpapasalamat pa ba ako sa Diyos dahil nabuhay ako ng ganito katagal or gusto ko lang talagang magpakuha sa mga aliens

"I'm tired of the world" lagi ko tong' sinasabi kapag puyat ako.

"Oy! Wag kang ganyan Zianne Ellouise Sanchez mahalin mo buhay mo!" sigaw ng isipan ko.

"Manong, manong pasakay po papunta sa N.E.U.S.T" sabi ko dun sa manong na nakatalikod habang nag-aabang ng mga pasahero..

"Ah, sige Binibini sakay na at dadalhin kita kung saan ka pupunta " sagot ni manong na maraming tigyawat sa mukha.Yuck! pabibo naman pala tong' si manong tigyawats, ang dami palang nilalang na katulad ni manong ew!. I can see them everywhere.

Unang Yapak ko sa school sa araw na yun' bigla nalang akong dinumog ng maraming estudyante. Ewan ko kung bakit but it made me feel popular though.

But wait...

Hindi pala, ibang popularity pala ito! Bwesit!

"Oy tingnan mo yun oh, siya ba yung girlalush na sobrang lasing sa video?" tanong ng isang girl sa katabi niya.

"Duh! Oo nga siya yun. Yuck naman this girl"

"Ay! Oo nga pala nalasing pala ako kagabi kaya pala late na akong nagising, bwesit!" nakakunot na ang noo ko ng natandaan ko na ang nangyari kagabi.

Niyaya kasi ako ni Shelaine lumabas dahil depressed daw siya, hindi lang naman siya ang depressed.Ako din.Hindi ko na nakontrol ang sarili ko sa kakainom. Hindi ko naman aakalain kung merong nag vi-video sakin'.

Kumaripas nalang ako ng takbo papunta sa room nang bigla akong tinawag ng Principal namin na si Mr. Keytoll Supsop de Macallogan.

Idol ko talaga ang principal namin kasi parang slang lang ng katol yung name niya, pero hindi ko siya idol ngayon dahil alam ko na lagot na naman ako neto'.

"Ms. Sanchez come to my office now! We have something to talk about" ani sir.

Patuloy na tumitibok ng mabilis ang puso ko habang papunta ako sa office ni sir. Ewan ko kung may punishment ba ako or what? or even worse masususpend ako?!
BAHALA NA NGA!

"So Ms. Sanchez ano bang pumasok sa isip mo at nagawa mong bastusin ang pangalan ng universirty natin?"

Kahit na kinakabahan ako, malapit na akong matawa kasi nakaka-distracting pa rin ang kalbo ni sir.

"Mr. Katol ay! este sorry po Mr. Keytoll pala, lasing po ako nung gabing yun walang wala po talaga ako sa sarili nun' , naparami po kasi yung inom ko. Pasensya na po"

"Ah talaga?" sabi ni sir

"Please forgive me po hindi ko naman talaga sinasadyang mangyari yun' dahil depressed na depressed po talaga ako ngayon. Siguro nadala lang ako ng aking emosyon. Pasensya na po talaga" dagdag ko.

"Ganun? Eh bakit sabi mo sa video na "video-han mo nga ako pesteng buhay to! tsaka yung mga teachers dun sa N.E.U.S.T ang babaho ng budhi Yuck!, hayyy life alam niyo people wag na wag kayong mag e-enroll dun! Pangit sila baka mahawa kapa" may pa sayaw sayaw ka pa nga. Di mo ba nakita yung video?" ang lakas maka drama ni sir.

I Need My Prince [On Going]Where stories live. Discover now