Zianne's POV'
Ang weird akala ko tatapusin namin yung story ngayon pero wala siyang sinabing date o oras kung kelan namin tatapusin yung story
Kinuha ko yung paper bag na naglalaman ng mga books na bigay ni Kurt. Pumili ako ng isa at nagpasyang basahan ito.
Grabe naman tong si Kurt puro romance ang binili.
Nasa Chapter 7 na ako sa librong binabasa ko pero ni isa text man lang galing kay Kurt wala akong natanggap.
Pano kaya kung pupuntahan ko siya sa kanila para dun nalang namin tatapusin yung story baka kasi nagkasakit siya. Anak ng! Di ko pala alam yung address niya eh.
Kaya ipinagpatuloy ko nalang ang pagbabasa katabi ang cellphone ko kung sakaling magtext si Kurt, hanggang sa pumasok si Mama sa kwarto ko habang bitbit ang tray na naglalaman ng juice tsaka burger.
Bahagya naman akong napatigil sa pagbabasa at tinulungan ko si mama.
"Tulungan ko na po kayo ma" at inilagay ko yung tray sa table na malapit sa kama ko
"Anak may gagawin kaba today?" tanong ni mama habang kumakain ng burger
"Uhm di ko pa po alam kasi baka mag text yung partner ko sa activity na gagawin namin, marami pa kasing tatapusin, eh nasa kanya naman kasi yung draft. Nag aantay lang ako ng update ma. Bakit po?" sumubo na rin ako ng hamburger
"Well, gusto ko sanang mag bonding tayo ngayon, alam mo na..girl's thing like shopping, eating...pero busy ka ata eh kaya sa susunod nalang" sabi niya na halatang malungkot yung boses eh kakauwi lang kasi ng mga titas of new york
"Bakit ma? Di ka ba pupunta sa restaurant ngayon?"
"Alam na naman kasi nila kung anong gagawin dun tsaka alam kong kaya na nila yun. Sige anak bababa muna ako maglilinis lang muna ako ng kwarto"
Tinango-an ko siya at inihatid ko siya sa ibaba. Pag balik ko sa kwarto kinuha ko yung phone ko at tinext ko si Kurt. Di ko na kasi matiis kung bakit hanggang ngayon di pa rin niya ako tinetext or tinatawagan
*phone call*
*ringing*
Zianne: Hello Kurt? Any plans for today?
Kurt: *cough*Zianne I'm sorry di ako pwede ngayon. Wag kang mag alala nandito pa naman yung drafts eh
*cough*Zianne: Ok ka lang ba? Naintindihan ko naman na hindi ka pwede ngayon pero nilalagnat kaba?
Kurt: Oo eh.
Zianne:Kurt pwede mo ba akong bigyan ng address mo? Pupuntahan nalang kita ok lang ba kong jan ko nalang tatapusin yung story?
Kurt: Ok sige. Text ko nalang yung address. Zianne don't be pressured ok?
Zianne: Ok sige ibababa ko na ah
*end of phone call*
Kawawa naman si prince charming ko. Dali-dali kong kinuha yung tuwalya at mabilis akong naligo at magbihis. Nag finishing touches nalang ako nung huli akong pumasok sa kwarto ko, abuh! Kailangan ko ding maging presentable no.
Bumaba na ako sa kusina at nakita ko si mamang nanonood ng TV
"Oh? Ang bilis mag bihis ah" -mama
"Ma ok lang ba? Pupuntahan ko muna yung partner ko may sakit kasi siya at para madali naming matapos yung story, pwede bang dun ko nalang tatapusin?"
"Teka lang sino ba yang partner mo? Malayo ba yung address nila? Baka mapano kapa sa daan , mag co-commute ka ba?" habang kumakain ng chichirya
"Si Kurt po yung partner ko di ko pa po kasi alam yung full name niya pero mabait po siya. Hindi naman po kalayuan yung bahay nila tsaka may experience naman ako ma sa pag co-commute"
"Ok sige ingat ah"
And then I kissed my mom goodbye
Eto ako ngayon kabadong kabado habang sumasakay ng jeep. Kanina pa kasi nakatingin yung lakaking parang manyak sa bag ko kaya mas lalong hinigpitan ko ang pagkapit sa bag ko.
"Oh dito nalang tayo! Baba na ! Baba na!" wika ni manong driver
Dali-dali akong bumaba sa jeep at alam kong nakasunod pa rin sakin yung lalaki. Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa hiningal na ako tumigil ako saglit sa may kanto...
Look to the left look to the right
Up and down and.......
The coast is clear !
Wala na ata yung manyak na lalaki
"Sakay na sakay na !!!!" nakuha ang atensyon ko ng isang driver na nagtatawag ng pasahero.
"Manong manong ako! Sasakay ako! Wag ka ng mag antay pa ng ibang pasaherong sasakay dodoble-hin ko na ang bayad. Sige na!!!!"
Medyo na pressure ko ata si manong kaya hindi na siya nagsalita at nag drive nalang siya papunta sa address na sinabi ko sa kanya.
"Dito nalang manong" nagbayad ako at bumaba na sa tapat ng bahay nina Kurt. Ang gara pala ng bahay nila *shocks*
*ding dong*
*ding dong*
*ding dong*
Sinubukan kong pindutin ang doorbell ng tatlong beses pero wala pa ring sumasagot kaya nagdesisyon akong tawagan si Kurt.
"Zianne? Halika, pasok ka muna sa loob" nagulat ako nung nakita ko si Kurt na binubuksan ang front gate habang naka lazy over size t-shirt at naka pajama lang. Halata namang may sakit siya kasi matamlay eh.
Kawawa naman si prince charming ko.
"Zianne, upo ka muna kukuni—" -kurt
Balak na sana ni Kurt na paupu-in muna ako sa isang sofa sa sala nila pero biglang may nagsalita sa likuran namin.
"Anak? Di mo naman sinabi sakin na may bisita ka pala. Ay hala! Andumi dumi pa kasi ng sala di ko pa nalinis yan. Uhmm ikaw ba yung partner ng anak ko sa pinapagawang activity ng school niyo?" mama ata ni Kurt, well malamang, kasi sabi niya "anak" eh
"Uhmmm Tama po ako po yung partner niya" ang ganda ng mama niya kamukhang kamukha niya si Kurt. Parang boy version lang si Kurt. Waaaaaa ang cute naman
"Uhmm pasensya kana Zianne ah, ang dumi pa kasi ng bahay. Dun nalang tayo sa kwarto ko don't worry may work place naman dun" he weakly smiled at me.
"Kurt ah! Don't do something bad to her" nagkaroon ng moment of silence nung sinabi yan ng mama ni Kurt at mayamaya pa'y nagtawanan na kaming tatlo.
"Oh by the way u-uhmm z-zianne, she's my mother, Sheiy..pero nickname niya lang yun" then he smiled at me
"Nice to meet you po" I waved at her mom
Dinala ako ni Kurt sa working place niya... at grabeeeee ang ganda, napaka-organize lahat ng mga gamit niya.
"Artist huh?" I smirked while observing his art materials
"Well, Naging passion ko na rin yan"
Kinuha niya yung laptop niya at inilagay ito sa mesa. Magkatabi kaming dalawa ngayon.
YOU ARE READING
I Need My Prince [On Going]
Ficção AdolescenteIsa siyang babae na madalas at paboritong habulin ng "karma" at dahil dito palagi siyang tumatakbo at kung saan saan nalang siya napapadpad. She knew she was one of the target of bad lucks. But will she keep on running or stop and fight back from w...