Dedicated to ana-name-mous
Kurt's POV'
*PHONE RINGS*
MAMA: Kurt anak, nandito ako sa ospital may nangyari na naman sa kapatid mo. Anak bilisan mo please!
KURT: Po? na naman? Sige po papunta na po ako.
"Lord huwag niyo na pong pahirapan ang kapatid ko, ako nalang po ang pahirapan niyo. Tulungan niyo po siya"sabi ko sa sarili ko habang nagda-drive ng kotse papuntang ospital.
Ilang beses na tong' nangyari pero hanggang ngayon, hindi pa rin mawawala ang pag-aalala ko sa kanya ng dahil sa sakit na primary cardiac tumor.
Dali-dali akong pumunta sa room ng kapatid ko at naabutan ko si mama na nakatulala habang umiiyak kaharap ang dingding ng ospital.
Nilapitan ko si mama sabay sabing...
"Ma! Ano na? Ano ng nangyayari? Ok lang ba siya?!" sabi ko kay mama.
"Ma!" kinaway-kaway ko ang mga kamay ko para makita o mapansin ako ni mama pero parang nakatulala pa rin siya. May sakit din kaya siya?!!!!
"Naririnig niyo po ba ako? Ma?! Prank ba to?!" dagdag ko.
"Kurt anak, hindi ko na alam kung anong gagawin ko" sabi ni mama na nakatingin pa rin sa dingding ng ospital at hindi sakin'.
"Mabuti nalang at nandito kana"dagdag niya, sa mga salitang to' tumingin siya sa akin at niyakap niya ako ng mahigpit.
"Huwag kang mag-alala ma! Malalagpasan din natin to. Nahirapan na naman ba siyang huminga?"
Tumango na lamang si mama.
"Ahh ayaw niyo pa po bang pumasok sa loob?" tanong ko ulit kay mama.
"Ayoko muna, masasaktan lang kasi ako pag nakikita ko siyang nahihirapan" sagot naman ni mama.
Bubuksan ko na sana ang pinto sa room ng kapatid ko, sinirado ko ulit ang pinto nang bigla kong naramdaman na na-iihi na pala ako. Hayst!
" Ma, pupunta lang ako sa CR babalik din ako kaagad" paalam ko kay mama.
"Bilisan mo ah sabay tayong papasok sa loob pagkabalik mo"
Kumaripas na ako ng takbo papuntang CR. Paglabas ko sa Comfort Room, naramdaman ko ang pagkahilo, siguro dahil sa sobrang stressed lang to'.
Pabalik na ako sa room ng kapatid ko pero hindi ko na matandaan kung anong room number niya.
"Ah! Nandito pa siguro sa wallet ko ang room number niya" lagi ko kasi itong dala-dala kasi minsan makakalimutin talaga ako.
.
.
.
"Room 198"
.
.
.
"Ah! Eto na siguro yun pero bakit wala si nanay, siguro nandun' na sa loob di na siguro nakapaghintay" bulong ko sa sarili ko.
Binuksan ko ang pintuan pero teka!....
May nakikita akong napakagandang babae na nakatulala lang sa kanyang kwarto. Mag-isa lang siya sa kwarto niya. Malungkot ang kanyang mga mata pero ang ganda talaga niya. Para bang' isa akong ice cream na natutunaw sa kakatitig sa kanya."Ay naku po! Sorry talaga miss hindi ko sinasadyang mabuksan ang pintuan o makapasok sa room mo, nalilito ata' ako sorry talaga miss ah" sabi ko sa babaeng mala-anghel ang mukha.
YOU ARE READING
I Need My Prince [On Going]
Teen FictionIsa siyang babae na madalas at paboritong habulin ng "karma" at dahil dito palagi siyang tumatakbo at kung saan saan nalang siya napapadpad. She knew she was one of the target of bad lucks. But will she keep on running or stop and fight back from w...