E L L E
Idineklara nang Scouting Legion ang pagkamatay ni Alpha Yuri Sarada sa mga sibilyan at sa mga tao sa likod nang wall Necessity.. Nanatiling tahimik ang ibang nakakita at nakasaksi mismo sa nangyaring insidente noong nakaraang araw.. Bago pa man ay.. Binuksan naman nang ibang alpha ang kanilang pinto para sa akin...
Binigay nila ang puwesto ni Alpha Yuri sakin sa pagtitiwala na ako ( si Alpha one ) ang bagong Alpha ay matutumbasan at mas magiging magaling na pinuno kay Alpha Yuri...
Matapos ang libing ni Alpha Yuri ay dumiretso ako at si Elle kasama si Jao sa field para magtraining...
" Bakit pa? " nagtatakang tanong ni Kilo kay Elle..
" Napatay niya si Alpha Yuri, Elle bakit kailangan pa niya nang matinding sakit sa katawan? " tanong ni Jao..
" Alpha Jao. Ayokong gamitin ang kakayahan ko sa mga ganung bagay. " sabi ko...
Tinitigan lang ako ni Jao nang masama habang nakataas ang kanyang kaliwang kilay..
" Isa kang dove. " natatawa niyang sabi..
" Kung isa akong dove? " inosente kong tanong..
" Hindi ka natatakam sa laman nang tao tanga.. " ani Kilo at tumawa nang malakas...
" I think mas maganda kung sa library muna kami. " ani Elle at hinila na ako papalayo kay Kilo..
" Kilo Dawn ang pinakawalang kwentang Alpha galing yunsa district 7 dun sa bundok " ani Elle..
" eh ikaw san ka galing? " tanong ko..
" District 13 " sagot ni Elle..
Pero. Hanggang district 12 lang yun ---
" Ang district na sinira ni Cluster nung nakaraang nanggulo siya dito.. " ani Elle...
Kitang kita ko ang lungkot na may kasamang galit sa kanyang mga mata.. Ano kayang nangyari?
" Nasama ang pamilya ko. Ang asawa at anak ko. " ani Elle at umiwas nang tingin sakin..
Kusang umagos ang mga luha sa mata ko nang marinig ko ang sinabi ni Elle.. Di ko nga siya kilala.. Dapat di ko pinagkatiwalaan si Cluster.. Isa siyang halimaw, mamamatay tao, hayop...
" Tama na hoy. " sabi ni Elle at bigla na lang akong binigyan nang isang batok..
" Sa mundong kinatatayuan natin ngayon. Wala nang permanente ~~ lahat nang bagay pupwedeng mangyari sa isang iglap kaya dapat maging matalino ka Arnaya.. Ate? Iilan lang kase ang babae dito.. Lima lang silang mga Kapa " ani Elle na patuloy sa paglakad..
" Kapa? " tanong ko...
" Mas mataas sila sa mga Alpha.. Pero kung sa alpha halos lahat nang kasama natin ay lalaki, lahat nang Kapa ay babae.. Dahil naniniwala sila na mas matalino at mautak tayo. " ani Elle at kinindatan ako..
[ A/N: waaah! Itayo ang bandera naten! ]
" Teka. Lima lang? " nagtataka kong tanong...
" Ipoproklama na dapat na Kapa si Alpha Yuri sa susunod na linggo pero --- may nangyari eh.. " sagot ni Elle at binuksan ang pinto..
BINABASA MO ANG
Cast Iron: The very beginning
FantasyThis story is a work of fiction. Kung iba bash niyo lang wag niyo na basahin akeh?