Chapter 31.

12.7K 318 7
                                    

Chapter 31.

Laarni's POV

Ang tagal naman ng dalawang 'yon. Di ko na yata makakayanan pang makasama ng mas matagal ang isang 'to. Tahimik lang naman siya, wala naman siyang ginagawa sa akin. Ay mali, meron pala. At inis na inis na ako sa kanya kanina pa. Kung anong ginagawa niya? Yun yung titigan ako at panuorin. Nakakailang ang ginagawa niya. At nadi-distract ako 'don. Nakakainis talaga siya.

"Pwede ba? Magbasa ka kaya ng libro at wag yung tingin ka ng tingin sa akin!" sigaw ko rito. Pero kalmado lang 'tong nakatingin sa akin. And that is one of the most annoying face I've ever seen. "Ugh! Bahala ka sa buhay mo!"

Nag-type ako ulit at nag-focus sa harap ng loptop. Nang dahil sa inis ko, napindot ko ang Ctrl-A at na-backspace ko lahat.

"Ugh! Ano ba 'yan!" agad ko namang pinindot ang Ctrl-Z para i-undo ang lahat ng na-type ko and I took a deep breath, mahirap kayang mag-type. Tapos mauuwi lang sa wala. Salamat sa Ctrl-Z.

Napalingon ako sa kanya, and now he's lying on the sofa at napikit ang mga mata. Tulog na siya? Di pa nga siya nagre-review. Hmp! Bahala siya sa buhay niya. Binaling ko ulit ang tingin ko sa loptop, pero may kung anong puwersa ang humihila sa mata ko na titigan siya. Kusa na lang na, napalingon ako tingin ko sa kanya. At muli, nakikita ko ang natutulog niyang mukha.

Napaka-gwapo naman talaga kasi ng isang 'to. No wonder kahit na suplado at malamig siyang makitungo sa mga tao o sa mga babae, marami pa ring may gusto sa kanya. Hindi ko alam ang tototong dahilan kung bakit siya ganyan. Trauma? Nalaman ko na na-kidnapped siya 5 years ago at dahil 'don, namatay ang Mommy niya, 5 years ago? Ang bata niya pa para maranasan ang ganoong bagay.

Tumayo ako at kumuha ng kumot sa kwarto, nilagay ko naman 'to sa kanya. Kahit naman na may kasalanan sa akin ang isang 'to. Di ko naman pwedeng pabayaan na lamigin siya. Tinignan ko muli ang mukha niya. He's sleeping peacefully, pero magdadalawang isip ka kung makikita mo ang mukha niyang natutulog. You'll see his angelic face but behind that face, you'll also see the pain inside his thoughts. Na kahit sa panaginip na dala dala pa rin niya.

"I—I think, I like you...too." Mahina kong nasabi at dahan-dahan na inilapit ang labi ko sa noo niya. I kissed his forehead at paglayo ng mukha ko sa kanya. Nakita ko naman ang dilat na mata nito. Nagulat ako at biglang napaurong dahilan para mahulog ako sa sofa.

"Aww, ang sakit...Mama ko po..." angal ko habang pinipilit na tumayo. Narinig ko naman siyang nagpipigil ng tawa at nakita kong anytime, he'll burst to laugh. I give him a dark glare pero sige pa rin siya sa pagpigil ng tawa.

Ugh! Look! Hind man lang ako tulungan na tumayo. Tinawanan pa ako. Akala ko tulog na ang kolokoy pero, Ugh! Narinig niya kaya ang sinabi ko?

Dali-dali akong tumayo at inayos ang sarili ko. Nakalimutan ko ang sakit ng pagbagsak ko, at hinarap siya.

"N-Narinig mo?" gulat kong tanong dito habang tinuturo siya.

"Oo." Natatawa nitong sagot.

"Ha? Wah! Hindi 'yon totoo! I—I was—"

"Don't deny it." Bigla naman ako nitong hinila papunta sa kanya kaya napayakap ako. Nanglaki na lang ang mata ko dahil sa ginawa niya. Para rin akong naghina at hindi ko makuhang pumalag sa kanya. Ang dila ko ay tila umurong at di ko makuhang magsalita. Ang lalaking 'to, bakit ba nato-tolerate niya ako. "I know that this may look so weird, but the very first time I saw you, I felt like, you're the girl destined for me. Noong niligtas mo naman ako sa ilog, alam kong nasungitan kita, pero after that. Para bang isa kang bangungot sa isip ko at di ka maalis."

The Coldest HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon