Chapter 18. "Not meant to be"

14.7K 374 16
                                    



Chapter 18

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 18. "Not meant to be"

Leicy's POV

            Parang may nahulog na bunga ng buko sa ulo ng marinig ko ang sinabi ni Sir. Dahan-dahan akong napatingin dito. Gulat na gulat at hindi makuhang magsalita.

            "S-Si Lexter?" tumango naman 'to sa itinanong ko. "Kanino po?" pilit ang mga ngiti ko. Tumayo si Sir at tumingin sa labas ng bintana.

            Kinakabahan ako sa isasagot niya. Pinagpapawisan ako at ramdam ko ang luha ko nasa gilid na ng aking mga mata.

            "Pag-uusapan pa namin." Ang sagot nito. "Pero gusto ko preperado na ang lahat, at kapag ayos na, ikakasal sila agad." Masayang sabi nito. "Oh? Hija, why are you crying?"

            Napatingin ako rito agad. "Ah—eh, nakakaiyak po kasi yung presyo ng mga narito sa portfolio hehehe ang mamahal." Pagdadahilan ko.

            "Hahaha nakakatuwa ka talagang bata ka. Wag kang mag-alala. Wala kang gagastusin diyan. Hahaha ikaw talaga,"

            "Ah, sige po Sir. May aasikasuhin pa po ako." Sinara ko ang portfolio at nilagay sa table niya tsaka tumayo. "Salamat po sa pagtitiwala niyo sa akin para sa kasal ng anak niyo."

            "Walang anuman."

            Lumabas na ako sa office niya. Paglabas ko, nakasalubong ko pa ang secretary nito, si Mr. Santos. Nginitian ko na lamang ito.

            Paglabas ko, nanatili pa ako sa tapat ng pinto ng office niya. Nakayuko at walang buhay. Para bang hindi pa rin pumapasok sa isip ko ang mga narinig ko. Si Lexter, ikakasal na.

            "Talagang ginawa mo ang inisip mo?" narinig ko pa ang boses ni Mr. Santos sa labas na tinatanong si Master Lourd.

            "Oo naman, alam kong may gusto ang batang 'yon sa anak ko." Nanglaki ang mata ko sa sinabi ni Master Lourd. "At di ako papayag na mas mapalapit pa ang anak ko sa isang mahirap na tulad niya. Mas mabuti ng maaga pa lang, malaman niyang hindi magiging totoo ang pantasya niya." Nanlumo ako at naikuyom ang kamao ko sa narinig ko.

            "Hindi ka pa rin nagbabago Master. Matalino ka pa rin at tuso."

            "Hahahaha, hindi ako yayaman ng ganito kung hindi ako tuso Mr. Santos."

            "Nakausap niyo na po ba si Master Andrew?"

            "Pagbalik na niya."

            Tumakbo ako palabas ng hotel habang patuloy na bumubuhos ang mga luha ko. Ang sakit, ang sakit. Tama siya, dapat matigil na ang pagpapantasya ko.

            Naglalakad na ako pauwi. Wala sa katinuan habang nakatulala sa himpapawid. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga sinabi niya.

            "At di ako papayag na mas mapalapit pa ang anak ko sa isang mahirap na tulad niya. Mas mabuti ng maaga pa lang, malaman niyang hindi magiging totoo ang pantasya niya."

The Coldest HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon