Grabe ang sarap matulog matapos ang mga nangyare kahapon nakipagmeet sa dati kong mga classmate, umiyak sa seaside sa MOA at kumanta sa harap ng madaming tao ohmy! Debut stage ang peg :”>! Pero nakakainis anong oras na ba? Wala naming pasok ha? Bakit may tumatalon talon sa bed ko ano ba! Halimaw yata ang nasa bed ko!
“HOY CHARLOT!!!!”
Wait kilala ko yung boses na yun ha.
Panaginip lang ito may hangover lang ako hehe
“Charlot gising!!!!”
Bakit kailangang sumigaw, buhay pa ako pwede bang matulog muna!
“AY BUTIKING LUMILIPAD!!!!”
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!
“charlot diba may usapan tayo?”
“XANDER NAMAN! SARAP MATULOG OH! BAT MO KO BINUHUSAN NG TUBIG!!!!”* wala na basa na mukha ko! Onting tubig lang naman yung binuhos niya kaso ang lamig
“Para ka kasing mantika kung matulog”
“May usapan ba tayoo?”
“Hindi wala!!!”
Bakit kaya nakaformal attire tong si xander may liligawan siguro naka-fitted na pants na black, naka-suit na purple at medyo abstract na tshirt pero purple din. Mang-liligaw nalang isasama pa ako ano ako P.A?
“San ba talaga tayo pupunta?” *nasa bed parin ako niyan
“Basta, pag sinabe ko sayo wala na!”
“ayaw mo sabihin? Matutulog nalang ako!”
“HOY! Basta mag semi-formal attire ka! Mas okay kung naka-dress okay?”
“Ha? *napabangon ako!* Ano toh date? Wow!”
“Ano ba charlot! Basta hintayin kita sa baba bilisan mo!”
“HA---LLLLAAA!”
Yun lumabas na siya sa pinto, ganon pala magyaya ng date si xander? Sadista?! Hays!
Naligo na ako, hindi na ako nag ayos ng buhok straight naman ee, naglagay ng lip gloss, pressed powder at blush oh. Para blooming.
Ang suot ko naka-pants at tshirt and rubber shoes oh diba? Haha! Bahala na siya dito ako kumportable ee.
“ANO BA NAMAN YAN CHARLOTTE!!!”
“Pwede wag sumigaw”
“sabe ko mag dress ka diba?”
“ee dito ako kumportable ee gagawin mo lang naman akong alalay sa date niyo ng nililigawan mo ee”
“HA?! HAHAHA!”
“Totoo naman diba?”
“Bahala ka magsisi ka!”
“:P”
Nagpaalam na kami kay tita, bakit ganon parang alam ni tita kung san kami pupunta pinipilit niya rin kasi ako magdress ee, ang kulit ng mga tao! Pag ayaw na kasi wag nang ipilit! :D
Nung nasa kotse na kami ang seryoso ni xander, oh baka kinakabahan lang o galit sakin dahil hindi ako nagdress
“xander”
“…”
“loves!”
“…”
“Alexander!”