3 months na kami sa school na toh ni xander ang bilis napaka-daming nangyari sa sobrang dami nga halos hindi ko na maalala hehe. May mga friends narin kami ni xander, mababait naman sila at nakakatuwa grabe nga lang kung mga mang-trip kaya dapat hindi ka pikon.
Dahil section 2 kami kaya kilalang-kilala kami, hindi dahil sa magaganda at ang popogi namin sa section 2 *maka-namin naman ako*, kilala kami sa school na maiingay. Take note 4thyear HS na po kami pero naghahabulan kami sa corridor, natutulog sa klase kaya ang ending walk-out si teacher hehe. Nakakatawa.Feeling ko I don’t need to review that much kasi pag may sinabing test or whatever basta something na may sasagutan hello teamwork! :D Bad ba kami masyado o sadyang sinusulit lang naming ang pagiging HS namin?Hindi narin ako hatid sundo ng BMW nila xander sinabi ko kasi na gusto ko mag-commute para kasabay ko yung mga classmate namin, pumayag naman siya dahil bago siya umuwi naglalaro muna sila ng mga classmate kong boys sa Computer Shop.People changed. :DPero kahit ganon may mga bagay parin palang hindi namin sa school na toh. Minsan kasi natry kong makipag chikahan sa mga laging nakakasama ni xander. Tinatanong nila ako ng kung ano-ano syempre naman ako sagot ng sagot akalain mo chismoso rin pala sila.“Charlotte paano kayo naging magbestfriend ni xander?”“Hmmp????” “antagal namam” hirit nung isa“mahabang kwento” palusot.comMahaba kasi naman kasi talaga, mamaya pag sinimulan ko ng ikwento mabored lang sila, pag tawanan, whatever! Basta!Sinabihan kami ng mga teachers namin na magiging busy ang department dahil august na, dahil sa buwan ng wika. Kaya mag-isip na daw kami nang pwedeng ipang design sa bulletin board dahil contest yun.
Tuwang tuwa yung mga classmate ko, kasi daw 1st year – 3rd year kahit daw maiingay sila lagi silang panalo. may ibubuga naman pala sila!. Kasi pag sa unang tingin hindi mo aakalain na section 2 sila… kami? Haha
August 7 ngayon at ang deadline sa august 17 na agad-agad lang? dahil ang celebration ng buwan ng wika ay august 24.
Kaya naman tong president naming na si charmaine aka MADAM, nagsabi na after ng class may meeting 30minutes lang naman daw.
Lunch
“tara charlotte lunch na tayo?” sabi ni Shayne
“ah osige mauna na kayo” smile
Tapos umalis na sila ako naiwan sa room hays! Nakakatamad lang kumain, actually hinihintay ko kasi si xander alam niyang lunch na nasan naman kaya yun. Sabi libre niya ako ng shawarma takte mamaya naglunch na at ano ako? hahayaang nagugutom? Ayos! -_-
15minutes na ang nakakalipas wala parin siya tinext na ako ni Shayne
From Shayne:
Charlotte andyan ka pa sa room? Hindi ka pa ba nagugutom?
Hello! Buti pa si Shayne naalala ako,
Gutom na talaga ako, kaya ayon lumabas na ako ng room dinala yung wallet ko wala naman magnanakaw ee saka may classmate narin ako sa classroom yung may mga baong lunch
At pagkalabas ako…
O_O
Sino yung kasama niya?Infairness maganda!! Nililigawan niya kaya yun nakakairita! Parang ang flirt kasi tingnan nung girl ee tss! Kaya pala ang tagal niya dahil may nilalandi siya badtrip naman. Sige smile lang ang saya mo ha!Nakatitig lang ako sakanila, habang naka cross arms. Hello! Im exist! Pwede kang lumingon, gutom na ako yung shawarma ko?!!!Grrrr
Ilang minutes din siguro ako nakatingin sakanila, at salamat napansin din ako ni xander …
“Cha--” *sabe ni xander
Pero tumalikod na ako, badtrip naka-smile pa siya nung sinabi niyang cha—kakainis! Smile smile pa siya, kawawa tuloy ang tummy ko. T.T ayoko pa naman sa lahat yung pinaghihintay ako na gutom!