Revenge 2. Venice's Favorite Ice Cream

2.5K 50 0
                                    

Charity Venice's POV

"Sa tingin mo hindi ka tataba niyan..ano kayang itsura mo kung ang taba taba mo" aba..nang iinis tong Kyrine na to.

"Pake mo ba..kahit naman lahat yan kainin ko..hindi ako tataba like you. Baka maging siopao asado bola bola na ang peg ng tiyan mo" pang aasar ko..talaga naman ..kahit kasi ubusin ko lahat yan ay hindi ako tataba.

pizza, chicken barbecue , graham cake  , mais conyelo , ice cream vanilla , shomai.

"Ano to..war of the past and present lang ang peg?" naiiritang tanong ni Mayton...pero alam kong sa loob loob niyan natutuwa siya.

"Tss..nakakawalang ganang kumain" inis na sabi ni Kyrine..tss. edi wag siyang kumain.

Nag simula na akong kumain inuna ko yung pizza..infairness masarap siya..magaling ang cook. Napakasarap mag luto.

"Ace..sinong cook niyo..napaka sarap kasi eh" sabi ko habang subo ng subo ng pizza.

"Dahan dahan baka mabulunan ka..napaka childish mo..baka mas mabulunan ka pa kung malaman mo kung sino cook" sabi ni Jayson pero hindi ko narinig yung binulong niya.

"Ano?" tanong ko habang puno parin ang bunganga ko ng pizza ito na yata pinaka masarap na pizza na natikman ko.

"Wala sabi ko..nakakaingggit ka" Jayson..tss. Bwisit tong lalaking to.

"Ace sino ba cook niyo?" tanong ko ulit.

"Si Xander Darren Fortejo" What..ano..tama ba narinig ko..nabulunan ata ako..naubo ako at pumunta sa banyo.

Ano ba yan..bakit di nila sinabi. Cook pala ang bwisit na yun. Ahhhh..sinuka ko yung kinakain ko..pero masarap ahh.

Hindi naman ako na inform na masarap pala mag luto ang mokong na yun.

Bumalik na ako sa inuupuan namin..kumakain naman sila..alangan naman na ako lang kakain nun.

Pati ba yung Ice cream na vanilla gawa niya..aiish namula yata ako dahil sa pag suka ko kanina.

"Kain ka pa Venice" asar ni Jayson..nginitian ko siya ng fake..

"hahaha..bait mo eh no" sarcastic kong sabi.."sino gumawa nitong ice cream?" Tanong ko ulit.

"Pati ba naman yan tatanungin mo rin..lahat ba ng pag kain dito tatanungin mo kung sino nag luto at gumawa?" mataray niyang sabi.

bakit ba tong babaeng to hindi maubusan ng katarayan.

"Bakit ano bang pake mo?" mataray ring tanong ko.

"May pake ako kasi boyfriend ko may gawa niyan baka isuka mo nanaman" eh ano pang reaksiyon malamang katarayan nanaman.

"tss" yan lang sagot ko at kinain ang favorite kong vanilla ice cream. WOW ang sarap grabe..kahit na gawa ng mokong na to ang ice cream na kinakain ko.

naubos ko na ang isang basong vanilla ice cream pero parang kulang. Naks..take out nga ako mamaya ng 10..char.

Nag order pa ako ng isa kasi parang may memory na gusto kong balikan.

*flashback*

(10 years ago..Venice age is 7)

"Pa ang sarap ng gawa niyong ice cream kailan kaya ulit ako makakatikim nito" sabi ko kay papa habang kinakain ang ginawa niyang ice cream para sa akin.

"Kahit kailan mo gusto anak..hanggat gusto mo gagawan kita" sabi niya.


Unti unting pumatak ang luha ko..naaalala ko si papa..sumubo ulit ako ng ice cream.


Bakit ganon..siya pa ang namatay imbis na ako. Sana ako nalang eh..tumulo ng tumulo ang luha ko.


"Bes ok ka lang bakit ka umiiyak?" tanong ni Mariane.



"Pa ang sarap talaga..sobra akong nasarapan. Pwede pa pong mag take two" tanong ko.

"Oo naman anak..para sa inyo lang talaga yang ice cream na yan ng mama mo" sabi ni papa.

"Ikaw na talaga ang the best dad in the world..kahit na wala na nga lang si mama..wag niyo po akong iiwan ha..kasi hindi ko po kakayanin" sabi ko.

"Pangako , pangako anak hindi ako mawawala sa tabi mo..lagi kitang babantayan." naluluhang sabi ni papa.

"Ano po bang sinasabi niyo, Pag nawala na kayo..wala ng gagawa sa akin ng Ice cream ng paborito ko?" umiiyak na sabi ko.

"Tahana anak..wag ka ng umiyak" sabi niya..ano bang sinasabi ni papa pinapaiyak niya ako eh.

(kinaumagahan)

pag gising ko wala na si papa..nasaan na kaya siya. bumaba ako at pumunta sa sala para manuod ng favorite cartoon ko.

biglang nag ring ang telepono na nasa mesa..

"Hello sino po to?" Tanong ko sa linya sa telepono.

(Venice..Venice ikaw ba yan?) umiiyak na tanong ni tita Mara.

"Tita Mara bakit po kayo napa tawag?" Tanong ko.

(Venice...Ang papa mo..)

"Ano pong nangyari kay papa?" naluluhang tanong ko.

(patay na ang papa mo Venice..may sakit pala siya na hindi niya sinasabi sa atin..brain canser stage 3)

*end of flashback*


Kaya pala..bakit ngayon ko lang naalala.. 10 years ago na ang nakalipas nang hindi ko na nadadalaw ang puntod nina mama at papa.

"Ayos ka lang Venice...naiyak ka yata sa sarap ng ice cream?" pang aasar na tanong ni Jayson. Tinignan ko siya ng masama.

"Kailangan ko ng umalis" sabi ko at tumakbo palabas ng rest house nina Ace..buti nalang may flower shop sa tapat nito.

Bumili ako ng mga bulaklak at kandila..pati narin lighter..huminga ako ng malalim.

sumakay ako ng taxi ng nag vibrate ang phone ko..may text galing kay Mayton.

Mayton: bes bakit bigla ka nalang umalis..saan ka pupunta.

Me: cementary

Pag dating ko ng sementaryo agad akong pumunta sa puntod nila mama at papa.

" Ma, pa sorry kung ngayon lang ako ulit makakadalaw..alam mo pa, miss ko na yung ice cream mo" sabi ko habang umiiyak na sinisindihan ang kandila.

"Pa..may tanong lang ako..bakit niyo po ako iniwan,akala ko ba babantayan niyo ako , pa , ma..miss na miss ko na po kayo..wish ko ako nalang yung namatay" umiiyak kong sabi.

"Ma alam niyo may ginawa si papa na ice cream para sa atin pero sayang hindi niyo natikman..ang sarap nun" ngiti kong sabi habang umiiyak.


"Pa, naalala mo ba ang dati kong tanong?...kailan kailan kaya ulit ako makakatikim nito?" natawa ako dahil sa tanong ko.


"Pero...natikman ko nanaman ulit yun..thanks to him"

















The Nerd RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon