###Unix's Pov
'Anong nangyari dito ' tanong ko sa isa sa mga estudyanteng nakapalibot sa isang nakahandusay na babae .
'Bigla na lang syang nawalan ng malay ' sagot nung estudyante .
Sinuri agad ni Air at Leon ang kalagayan ng estudyanteng babae .
'Nawalan lang sya ng malay Princess . Sa tingin ko dahil sa sobrang pagod ' ani ni Leon .
Tama halos lahat naman ay busy ngyon dahil malapit na ang final test para makagraduate na ang mga estudyante bilang isang opisyal na Mage .
Nangyayari lang sa kada dalawang taon ang pagsusulit na ito kaya hindi dapat palagpasin ng mga estudyante at kasama ako roon .
'Dalhin na sya sa infirmary ' utos ko .
At agad naman itong dinala ng mga healers papuntang infirmary.
'Kayo naman bumalik na kayo sa mga classroom nyo malapit ng magsimula ang klase ' utos ni Air sa mga estudyanteng kanina ay nakapalibot sa babae .
'Call all the Crowns, we need an urgent meeting ' utos ko kay Leon .
'Meeting for what Princess ? Kakatapos lang natin nung isa araw ah ' tanong nito .
'Just do it Leon ' sagot ko .
'A-ah yes my princess!' Sagot nito at agad agad na sinunod ang utos ko .
Napahawak na lang ako sa aking sintido . Ang daming pang kaelangan ayusin sa darating na full moon ball tapos dumadagdag pa ang mga sunod sunod na aksidente dito sa Campus ..
'Sa tingin ko kaelangan mo munang magpahinga Unix, mahirap kung mawalan karin ng malay tulad ng mga estudyanteng yun '
Rest .... No hindi ko pa pedeng gawin yun . Lalo ngyon na marami pang gagawin dito sa campus .
'I'm okay Air . By the way ano balita sa iba pang estudyante na dinala sa Infirmary?' Tanong ko .
'Pang labing lima ng estudyante yan ngyon linggo . Same cases bigla na lang nawawalan ng malay ay nanghihina . ' dagdag ko habang naglalakad kami papuntang Meeting room ng mga Crowns .
'Still wala paring findings at napansin namin na halos lahat ng estudyanteng involve sa aksidente ay nasa third year . At hanggang ngyon sinusubukan ng mga healer alamin kung anong totoong sanhi nito . '
'Na ulat na ba ito sa mga konseho at sa Head master ? ' tanong ko .
Nakita ko naman itong tumango tango .
'Inulat na ito ni Kayden nung isang araw ng nagkaroon ng meeting sa palasyo . Sabi nila ay agad silang gagawa ng aksyon ' sagot nito .
Aksyon .. wala akong nararamdamang aksyon na ginagawa ng palasyo .
Pakiramdam ko hindi lang ito simpleng sanhi lang ng pagod at over use ng magic . May mas malalim pa itong dahilan .
BINABASA MO ANG
Crystal Crown Academy Book 2 [Catching Fire ]
FantasyCrystal crown Academy Book 2 Catching Fire --