Unexpected Meeting

100 5 9
                                    

Ma bayad po!

Sinabi ng isang matabang matandang babae na katabi ko sa mamang driver. Kinuha ko ang bayad niya para iabot ko kay Manong. Ganito palagi ang eksena sa loob ng jeep, abutan kayo ng bayad hanggang mapunta sa harapan at malas ka kapag ikaw ang nasa likod ng driver kasi ikaw palagi ang mag aabot.

Paabot nga po ng sukli

sabi ng matabang matandang babae, medyo mainit na yung ulo niya dahil siguro sa walang gusto umabot nung sukli,

 Paki abot nga po sabi ng sukli!

sumigaw na na siya pero wala pa rin umaabot. Hanggang sa mayroong lalaki na nakaupo malayo sa driver ang tumayo para iabot ang sukli sa matanda. 

Eto na po ang sukli niyo

Sinabi ng lalaki habang inaabot ang sukli sa matanda, natuwa naman ang matanda sa lalaking kaya ngumiti siya saka nagpasalamat.

Maraming Salamat Iho, ang bait mo namang bata.

Ngumiti ang lalaki sa matanda dahil sa katabi ko ang matandang matabang babae nakita ko sa malapitan ang lalaking nag abot ng bayad. Nakasalamin siya, matangos ang ilong, di gaano kaputian, matangkad at sa totoo lang ay napakagwapo niya. Hindi ko maiwasang hindi siya titigan. Napaka amo kasi ng mukha niya, at napakabait pa niya.

Wala pong anuman.

Hindi ko mapaliwanag ang naramdaman ko ng nagsalita siya. Ang gwapo ng boses niya, lalaking lalaki. Ang bilis ng tibok ng puso ko, bakit ganoon? Gusto ko siyang kausapin para tanungin kung ano ang pangalan niya kaso natatakot ako.

 Ma, sa tabi lang po.

ang sabi ko sa mamang driver para makababa na ako ng jeep pero parang hindi niya marinig ang sinasabi ko dahil patuloy pa rin siya sa pagpapatakbo ng jeep.

Ma, sa kanto lang po.

Muli akong nagsalita. Nang marinig ito ni mamang driver, bigla siyang prumeno ng malakas para itigil ang sasakyan. Hindi ko inaasahan na mahuhulog lahat ng gamit na dala dala ko. Pinulot ko ito isa isa at namalayan kong tinutulungan rin pala ako ng lalaking umabot ng bayad kanina. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti dahil sa kabaitang ginawa niya. 

Eto na miss.

Salamat ha,

No problem. 

At bumaba na ako ng jeep bakas ang ngiti sa aking mukha dahil hinihiling ko na sana makita ko ulit ang lalaking iyon. 

Dahil sa hindi inaasahang pangyayaring ito, magsisimula ang kwento ko...

Unexpected MeetingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon