Dedicated sa isa sa mga favorite kong writer sa watty, si ate Alyloony! super Idol kita ate and love ko kayo ni ate Denny! :)) ♥
MEETING 1
Hoy teh! Bakit ka nakatulala dyan ha?
Tanong sa akin ni Shayne habang walang tigil sa kakatext sa bago nanaman niyang papa. Siya ang chick girl sa aming magbabarkada, every week may bago yang lalaki pero walang commitment sabi kasi niya dapat raw hindi ka pumapasok sa isang relasyon, dapat enjoy lang para hindi ka masaktan. Pero kahit na ganyan yan, mabait pa rin yan. Kaya ko nga naging kaibigan eh.
Huh? Wala, may iniisip lang ako.
Paliwanag ko sa kanya. Ang totoo niyan, iniisip ko pa rin yung nakasakay ko sa jeep kanina. Iniisip ko kung magkikita pa kaya kami ulit. Nanghihinayang pa rin ako dahil hindi ko natanong ang pangalan niya. Ang lakas naman kasi ng dating niya para sa akin, mukha siyang misteryoso.
Sus, iniisip mo nanaman siguro si Alvin! Hayaan mo na nga siya girl, dami daming lalaki dyan!
Sabi naman ni Mina sa akin habang nagbabasa ng notes naming sa Science dahil may quiz pa kami mamaya. Matalino kasi yang babaeng yan, Isa siya sa mga matatalino sa klase. Napakasipag pa kaya siya minsan ang tagagawa naming ng assignment ni Shayne. Pero pagdating sa Pag ibig, ay walang idea yang si Mina, hindi pa naman kasi niya nararanasan at wala raw siyang balak. Yung tinutukoy nga pala niya ay si Alvin, ex-boyfriend ko. Siya ang first love ko at siya rin ang unang nanakit sa akin. Kakabreak lang namin last week, at hanggang ngayon hindi pa rin ako nagpapakita sakanya.
Hindi ha! Hindi ko iniisip yung gagong yun! Ano ba kayo? Naka move on na ako. Kahit iharap niyo siya sa akin ngayon. wala nang epekto sa akin.
Ang totoo niyan, hindi ko pa rin kaya hanggang ngaun. Ayokong magpakita sa kanya, hindi ko alam kung kakayanin ko. Lalo na siguro kung makita ko siyang may kasamang iba. hindi pa pala ako nakakapagpakilala sa inyo, kanina pa ako kwento ng kwento. Hi everyone, I'm Isabelle Garcia, 16 years old, 4th year student. Simple girl who wants a simple life. I have two bestfriends: Shayne and Mina, magkakaibigan kami since gradeschool. Gusto ko sana ikwento sa kanila yung pangyayari kanina sa jeep kaso nahihiya ako baka sabihin pa nila na naghahanap ako ng paraan para makalimutan ko si Alvin.
Huwag na nga natin pag usapan pa yang Alvin mo baka di mo na makeri maiyak ka pa.
sabi ni Mina sa akin.
Hindi naman kasi tungkol kay Alvin, basta ibang tao! hindi niyo kilala!
sabi ko sakanilang dalawa. bigla naman napatigil sa kakatext si Shayne at sinara ni Mina ang libring binabasa niya at tumingin sila sa akin.
Sino naman yan?!
tanong sa akin ni Shayne.
Hindi ko rin siya kilala, basta nakasabay ko siya sa jeep kanina.
Sabi ko sakanila habang nakayuko ang ulo ko.
Eh hindi mo naman pala kilala! bakit mo iniisip?
tanong ni Shayne sa akin.
Hindi ko nga rin alam eh, simula ng bumaba siya ng jeep hindi na siya mawala sa isip ko. Ang misteryoso niya kasing tignan.
Lumapit si Shayne at Mina sa akin, nakangiti ng may halong pang aasar sa akin. Ano nanaman problema ng dalawang ito?
Huwag mo sabihing nainlove ka sa lalaking yun? Hah?
BINABASA MO ANG
Unexpected Meeting
Ficção AdolescenteHe's always there for me whenever I have problems. He protects me whenever I'm in danger. I love this mysterious guy, who change my life in an instant. I didn't know his name but still, I fell in love with him........