Meeting 3

29 1 0
                                    

MEETING 3

" Siya raw si Shaider?! ANO RAWWWW?! HAHAHAHAHAHAH!! " walang humpay sa kakatawa ang mga kaibigan ko ng ikwento ko sakanila ang nangyari kanina. Nakwento ko na rin na ang misteryosong lalaki na iyon ang nagligtas sa akin at siya raw ang pulis pangkalawakan na si Shaider.

" At eto pa, super duper sungit pa niya! akala ko pa man rin napaka gentleman niyang lalaki. tss, nakakainis talaga! "

" Hindi naman siguro, baka nairita lang sayo kasi napaka accident prone mong babae ka! "

" tapos nagkakataon pa na nandyan siya  kapag may nangyayari sayo kaya no choice siya kung hindi tulungan ka nalang. sino ba naman hindi maiinis nun?! " dagdag pa ni Mina sa sinabi ni Shayne.

Ay basta, kahit ano pang sabihin nila nakakainis pa rin siya dahil ang sungit sungit niya! sana hindi nalang ulit magtagpo ang mga landas namin ng Shaider na yun! kahit na alam ko kung saang school siya nagaaral, kahit na ba sa katabing school lang namin yung school niya. Hinding Hindi na talaga kami magkikita promise yan!

" pero kung ako yung nasa lugar mo girl, ipagdadasal ko na palagi nalang ako maaksidente para palagi siyang susulpot. Sayang ang Papable! " muntikan ko ng maibuga ang sarsi na iniinom ko kay Shayne dahil sa sinabi niya. Baliw talaga tong babaeng to!

Binatukan siya ni Mina habang natatawa sa mga pinagsasabi ni Shayne " Baliw ka talaga, Aagawan mo pa ng Papable si Sab! Mas okay nga yun para tuluyan na niyang makalimutan si Papa Alvin no! "

" Aray ko naman! Hindi ko naman inaagawan, nagsasabi lang naman ako na kung what if ako yung nasa lugar niya, kayo naman! " sabi ni Shayne kay Mina habang nagrereklamo pa rin siya sa pagkabatok ni Mina sa kanya.

Si Alvin. Kahit anong iwas ko na marinig ang pangalan niya palagi ko nalang itong naririnig, palagi nalang nilang sinasabi. Ayoko man magreact pero bakas na bakas sa mukha ko na may nararamdaman pa rin ako sa kanya. Totoo pala talaga ang sinasabi nila na 'First love never dies' na kahit may pumalit man na bago ay iba pa rin yung impact na maibibigay sayo kapag nakita mo na yung unang taong minahal mo. Nakakatakot magmahal ulit, nakakatakot na masaktan. Nadala na ako sa sakit na naramdaman ko ng pumasok ako sa isang relasyon.

Natapos ang Klase namin ng wala masyadong kakaibang nangyari pwera sa kaninang umaga. Nagquiz kami sa Physics at nakapasa naman ako kahit na hindi ako pinakopya ni Mina. Nagkaroon rin kami ng Election para sa mga Assembly Officers, kung saan pagbobotohan kung sino ang mga magiging officer sa buong fourth year at ang mga pagpipilian ay ang mga officer ng bawat section. dahil sa president ng klase si Mina, Muse naman si Shayne at Treasurer naman ako ay kasali kami sa Election.

" Dalian niyo, malapit na magstart! Sa Mo.Rita raw tayo mageelection. Dali! " pagmamadali ni Mina sa amin, paano ba naman kasi ayaw niyang malate kasi siya pa naman daw ang president ng section namin.

" Oo na, eto na. teka lang patapos na ako! " Sigaw ni Shayne sa kanya habang nagiipit ng buhok at nagsasalamin.

" Mauna ka na kaya muna, susunod nalang kami teka lang. " Pinauuna ko na si Mina dahil nga naglilinis pa ako, paano ba naman ako nalang ang natira sa cleaners. ako lang naglilinis mag isa, kamusta naman yon?!

" sige na nga mauna na ako sa inyo, sumunod nalang kayo pagtapos niyo dyan. " nauna ng lumabas si Mina, nabadtrip ata. gusto ko na sana pumunta kaso lang may ginagawa pa ako.

Nang matapos kong maglinis at magpaganda si Shayne ay pumunta na kami sa Mo. Rita. Buti nalang at hindi pa nagsisimula at nagsave na ng upuan para sa amin si Mina. 3 sections nga pala kaming fourth year, kaclose ko naman ang mga iba kong batchmates kahit hindi ko sila kaklase. Friendly rin naman kahit papaano at active rin ako sa mga activities sa school namin. Habang hinihintay namin ang advisers ng fourthyear may biglang nagingay sa Mo. Rita......

Unexpected MeetingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon