Para kay Ate Alesana! Dahil super adik ako sa mga characters niyang si Top, Red at idagdag pa si Lucci! Ayiieeeee, super love ko siyang author :) Iloveyou ate ales! ♥
Meeting 2
Minsan ay may mga tao talaga na kahit anong pilit natin silang kalimutan ay hindi natin magawa. Kahit anong pangiiwas man ang gawin mo sakanya ay hindi pa rin siya mabura-bura sa isipan mo. Siguro ganito talaga ang pag-ibig, masyadong mapagbiro paano ba naman, kahit anong kalimot at pangiiwas ang gawin mo ay kusang tadhana pa rin talaga ang magdadala sainyo. Isang Linggo na ang nakaraan simula ng magkausap kami at pinakilala niya ang bago niyang girlfriend. hanggang ngayon ay natatandaan ko pa rin ang araw na yun lalo na kapag nakikita ko silang magkasama sa school namin. Nasasaktan pa rin ako kahit hindi kami nagkakausap, tinitignan ko pa rin ang litrato naming dalawa na magkasama, paulit-ulit ko pa ring binabasa yung mga text niya sa akin nung kami pa na nakasave sa cellphone ko.
Ewan ko ba, siguro tama nga yung misteryosong lalaki na nagpagaan ng loob ko noon. Siguro hindi nga talaga kami ni Alvin para sa isa't-isa, pero bakit kaya kami pinagtatagpo ng tadhana?
" Saaaaab! Bumangon ka na dyan sa kama mo, malalate ka na. "
Kumatok si Mama sa pintuan ng kwarto ko dahil ginigising na niya ako. Wala pa naman ako sa mood pumasok ngayon, makikita ko nanaman silang magkasama tapos masasaktan nanaman ako. Paulit-ulit nalang. Pero dahil ayoko naman mapabayaan ang pagaaral ko kaya tumayo na ako para maligo. Pagkatapos maligo at magbihis ay nagpaalam na ako kay Mama para pumunta na ng School.
Bigla kong naalala yung misteryosong lalaki na palagi nalang sumusulpot kung saan saan, mahigit isang linggo ko na rin siyang hindi nakikita. Gusto ko siyang makilala at malaman ang pangalan niya, gusto kong bumawi sakanya sa tinulong niya sa akin nung umiiyak ako. Tila wala ako sa sarili ko habang pasakay ako ng jeep. Umaasa kasi ako na makakasakay ko siya ulit. Kaso hanggang sa pagbaba ko ng jeep, hindi ko pa rin siya nakita.
7:25 na, patay. malalate nanaman ako, palagi nalang akong late. kailangan ko ng itakbo to. dalawang kanto pa naman para makarating sa school namin. papagalitan nanaman ako ng guard na nagbabantay sa school namin, baka hindi pa ako papasukin. Hinihingal na ako. Malapit na. Tatawid nalang ako at makakapasok na ako ng school......
" Miss, okay ka lang ba?! "
Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Nanginginig ako sa takot, muntikan na ako mamatay. Hindi ko namalayan na may sasakyang dumaan ng patawid na ako. Paano ako nakaligtas? Ano ang nangyari? Hindi ako makapagsalita. Sinagip ako ng taong nakahawak sa akin ngayon. Ilang beses na niya ako tinutulungan. Salamat sakanya at niligtas niya ako. Bigla nanaman siyang sumulpot kung kailan may nangyari sa aking masama. Naiyak nalang ako sa takot.
" Okay lang ba kayo? Sorry talaga, hindi ko sinasadya. Dadalhin ko kayo sa ospital. "
sinabi ng taong muntikan ng makasagasa sa akin. hindi ako makasagot sakanya. wala naman akong galos at mga sugat. okay na okay ako. buti nalang at niligtas ako ng taong ito.
" Hindi namin kailangan ang sorry mo. paano kung napatay mo siya? sorry nalang ang katapat nun? Pre, mag ingat ka naman sa pagmamaneho. "
" hindi ko naman sinasadya. nagulat nalang ako ng may bigla nalang tumawid. hindi rin naman nagiingat yang kasama mo. gusto niyo bang dalhin ko pa kay sa ospital? "
" huwag na po, wala naman akong sugat na nakuha. kasalanan ko rin kasi nagmamadali akong tumawid, sorry. "
sinabi ko sa muntikan ng makabunggo sa akin dahil baka magkaroon pa ng away. Galit na galit ang misteryosong lalaki na ito, halatang maya maya manunugod na siya. Kailangan ko naman siyang pigilan pero nagpapasalamat na rin ako dahil niligtas niya ako. Umalis na ang lalaking muntikan ng makabunggo sa akin kaya kami nalang dalawa ang natira. lumakas kami papunta sa gate ng school ko, napansin kong nakauniform rin pala siya at malapit lang yung school nila sa amin.
" Thankyou nga pala ha? "
" huwag ka ng magthankyou, konsensya ko lang kung hindi kita tinulungan doon at makita ko pa na nakahandusay ang katawan mo sa sahig. "
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa sinabi niya, maiinis ba ako dahil hindi labag sa loob niya ang pagligtas sa akin o matutuwa dahil kahit hindi niya ako kilala ay niligtas niya pa rin ako?
" Isabelle Garcia nga pala. "
Ngumiti ako sakanya at inabot ang kamay ko para makipagkaibigan, ngunit tinignan niya lang ito kaya binaba ko nalang baka magmukha pa akong tanga.
" Hindi ko kailangan malaman ang pangalan mo. Meron rin ako niyan. "
" Tsss, ang pilosopo naman nito. nakikipagkaibigan na nga yung tao eh. "
" Hindi ko na rin kailangan ng kaibigan, marami ako nun. "
Ang sungit naman ng lalaking to, nakakainis. Akala ko pa naman napakabait niya kasi palagi siyang nandyan para sa akin. ay, teka nga pala naaalala pa kaya niya ako? natatandaan pa kaya niyang ako yung inabutan niya ng panyo nung umiiyak ako. Ibabalik ko na sakanya yung panyo, tama!
" uy sandali lang, huwag ka munang umalis. may ibabalik ako sayo. "
kinuha ko yung panyo niya mula sa bag ko, siguro naman maalala pa niya ako di ba? binigay ko ito sakanya. wala manlang siyang reaction nung kinuha niya ito sa akin. wala manlang ba siyang sasabihin? kahit na tanungin man lang niya ako kung ayos na ba ako? ibang iba talaga ang akala kong ugali niya.
" thankyou nga rin pala last week nung inabutan mo ko ng panyo, ang laking ginhawa na rin ng may mapagsabihan ako ng problema ko. "
" Huwag kang magthankyou, nagkataon lang na palagi akong nandyan kapag may ginagawa kang katangahan. "
" Bakit ba ang sungit sungit mo? Nagpapasalamat na nga tapos ayaw mo pa. Baliw ka ba? "
" Ewan ko sayo, bahala ka na dyan. "
Tumalikod na siya sa akin at naglakad na paalis. kailangan ko talagang malaman ang pangalan niya. Hindi ako matatahimik hanggat hindi niya sinasabi sa akin. Kaso medyo malayo na siya, siguro naman kung sumigaw ako ay maririnig niya ang sinabi ko. hindi ba?
" ANO NGA ULIT ANG PANGALAN MO?! "
Huminto siya sa paglalakad at dahan dahan na humarap sa akin. Ang bilis ng tibok ng dibdib ko, dahil siguro sa napakagwapong nilalang na nasa harapan ko. Sa wakas at malalaman ko na rin ang pangalan ng misteryosong lalaking ito. Nakangiti lang siya sa akin at saka nagsalita
" Shaider nga pala, ang iyong pulis pangkalawakan! HAHAHAHAH! "
Ilang segundo akong nanatilli sa pwesto na tila ba parang wala sa sarili habang siya walang humpay sa kakatawa. Ngayon ko lang siya nakitang tumawa ng ganyan, ang saya sa pakiramdam na makita siyang ganyan kasaya at kasama pa niya ako. TEKA NGA? ano ba itong pinagsasabi ko, pinagtitripan na nga niya ako tapos natutuwa pa ako. Ano ba Sab?! Baliw ka na ba?!
Huminto siya sa kakatawa at nagbalik nanaman sa seryoso niyang mukha, may sinabi siyang nagpagaan ng puso ko. hindi ko alam bakit sobra akong naapektuhan.
" Subukan mo kasing mag ingat sa susunod dahil hindi naman sa lahat ng oras nandyan ako para iligtas ka. Sige, paalam na! "
---------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
Unexpected Meeting
Teen FictionHe's always there for me whenever I have problems. He protects me whenever I'm in danger. I love this mysterious guy, who change my life in an instant. I didn't know his name but still, I fell in love with him........