1K 72 5
                                    

Dear Seulgi,

Sorry kung naging harsh ako sa'yo. Na naging matigas ang puso ko. Na pinilit kong magmukhang mataray at masungit sa harap mo. Kung nilalayo ko ang loob ko sa'yo.

Hindi ko naman ginusto.

Natakot lang talaga ako. Natakot ako na baka mamaya, katulad ka din nila. Nung mga taong minahal ko na sinasaktan lang din ako. Natatakot ako na baka katulad lang nila iiwan din ako bandang huli kung saan hulog na hulog na ako.

Natakot akong mangyari yung oras na hulog na hulog na ako sa'yo to the point na hindi na ako makaahon.

Kaya naman sinadya ko na saktan ka para naman layuan mo na ako. Para marealized mo na hindi ako yung babaeng deserve ang isang tao na katulad mo. You're too precious. And you don't deserve me.

May aaminin nga pala ako sa'yo.

Alam mo ba nung sinabi ko sayo yung mga katagang hinding hindi kita mamahalin?

Alam kong nasaktan kita.

Pero masisisi mo ba ako kung nasabi ko yun sa'yo? Kasi totoo naman, eh.

Nung time na 'yun, hindi na kita mamahalin. Dahil nung una palang, mahal na kita.

Sorry kung ngayon ko lang nasabi.

Love,
Joohyun.

Ten » seulreneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon