Bubbly Love

61 2 0
                                    

Prologue

Mama, bakit mo po ako iniwan kay Papa? Why didn’t you just take me with you? Papa hates me, he deoesn’t care about me! Iyon ang patuloy na tumatakbo sa murang isip ni Andrew habang patuloy siyang tumatakbo palayo sa mga taong nagbabantay sakaniya. Pinagplanuhan niya ang lahat simula nang iwan siya ng kaniyang Mama. At ngayong araw na iyon nga ay isinagawa na niya ang plano. Nagpanggap siya na excited at interesado sa pagdalo sa kaarawan ng isa sa mga kaklase niya. Nagpunta siya sa bahay ng mga ito. Habang nalingat ang atensyon ng yaya niya sakaniya ay palihim siyang nagpunta sa likuran ng bahay ng kaklase niya saka nagmamadaling naghanap ng mapupuslitan. Wala na siyang balak pang bumalik pa sa bahay ng kaniyang Ama. Mas gugustuhin pa niyang mamuhay sa lansangan kaysa tumira sa isang malaking bahay kasama ang kung sinu-sinong tao. Mas gusto pa niyang mamalimos at magpalaboy laboy sa kalsada kaysa tumira sa isang bahay na walang hatid sakaniya kundi pasakit.

Mama

“Andrew, come here baby. That’s it! That’s my boy ang galing galing ng baby ko marunong na siyang mag swim yehey!” tuwang tuwa na sabi ng kaniyang mommy nang sa wakas ay makalangoy siya papunta dito. Nasa isang resort sila noon, his mom treated him for being number 1 on his class. Anim na taong gulang palang siya noon.

“mommy see that, see that?” excited na sabi niya.

“oo nga ang galing galing ng baby ko” ani nito saka masuyo siyang niyakap.

“I love you mommy” malambing na sabi niya saka pinaghahalikan ito sa buong mukha. “I love you most in the world!”

“I love you too baby”

“hoy bata bakit ka umiiyak?” tanong nang isang batang babaeng naka pigtail ang buhok sa harapan niya. hindi niya ito namalayang dumating. Luminga-linga siya sa paligid, mukhang nasa park siya ng subdivision na iyon. Hindi niya pinansin ang batang babae at aakmang aalis na nang pigilan siya nito.

“may sugat ang braso mo oh? Kaya ka ba umiiyak kasi masakit? Halika dali ipagamot natin sa mommy ko!” mariing sabi nito saka siya hinila. Wala na siyang nagawa kasi mas malaki ang katawan nito sakaniya at mas malakas. saka lang siya nito binitawan nang nasa harap na sila nang isang matandang babae na may maamong mukha habang nakangiti.

“mommy” mahinang sambit niya. muli niyang naalala ang kaniyang ina tulad kasi ng matandang babae sa harapan niya ay ganoon din ang kaniyang mommy, maamo din ang mukha nito at laging nakangiti.

“ma, may sugat siya oh. Gamutin mo po siya puwede?” masiglang sabi ng batang babae.

“ganoon ba?” napalitan nang pag aalala ang mukha nito saka tumayo at nilapitan siya. “may gasgas ang braso mo” sabi nito saka siya iginaya paupo sa pinag upuan nito. Pinaupo siya nito doon saka ito naglabas ng first aid kit at ginamot ang gasgas niya. napangiwi siya nang maramdamang ang hapdi nang bulak na may alcohol na naidampi sa gasgas niya.

“masakit ba?” tanong ng batang babae na asa tabi niya saka inilapit ang mukha sa gasgas niya at hinipan iyon.

“aba at may munti pala akong nurse na kasama” sabi ng mama nito sa bata.

“oo naman po mama doktora, idol po ata kita kaya lang mas gusto ko ata maging katulad ni Papa” nakangiti na sabi nito saka bumaling sakaniya. “masakit pa ba? Di bale may prize ka dahil hindi ka umiiyak” sabi nito saka may kinuha sa tabi nito at iniabot sakaniya.

“tara bilis maglaro tayo nito” nakangiting turan nito saka nag umpisang buksan takip at umihip ng bubbles mula doon. Napangiti siya. “oh di ba ang gaganda? Iba’t iba iyong kulay ng bula” napatango nalang siya sa sinabi nito.

“young master! We’ve been looking everywhere for you” napalingon siya mula sa pinanggalingan ng boses. Isa sa mga yaya niya! agad siyang tumayo at akmang aalis na nang pigilan siya ng mama ng batang babae.

“you shouldn’t run away, go home. Siguradong nag aalala na ang mommy mo saiyo” nakangiting sabi nito. Gusto sana niyang sigawan ito sabihin na huwag siyang pakialaman nito at wala nang mommy niya na mag aalala sakaniya pero wala siyang lakas na gawin iyon dito. Pakiramdam niya ay umurong ang dila niya at wala siyang magawa kundi tumango. Nilapitan siya ng yaya niya at hinawakan sa kamay saka iginiya palayo pero tahimik lang siya na nakatingin sa mag inang nasa park. Hanggang sa mawala na ang mga ito sa paningin niya.

Bubbly LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon