chapter 4

10 0 0
                                    

“So where shall we go?” tanong ni Andrew kay Ami. Muli siyang lihim na napangiti nang makita na parang natuliro ito. kanina pa niya ito napapansin na biglang nawawala sa huwisyo. Kanina ay nakalagpas pa ito kahit na tinatawag na niya ito nakadalawang tawag pa siya dito bago siya nito napansin. Napansin din niya na hindi ito ganoon ka komportable sakaniya. Which disappoint him a bit, he was expecting her to feel comfortable with him. Especially that they’re going to spend some time together, like a date. “hey are you okay?” tanong niya dito and tried to dismiss that thought. Why is he thinking like this? He never like anyone before, ever.

“a-actually sa may Star City ang punta ko” nahihiyang sabi nito. Gulat na napatingin siya dito to confirm that she was not joking. Nagtataka man ay hindi na siya nagtanong pa. papaandarin na sana niya ang sasakyan niya nang mapansin niyang hindi pa ito nakaseat belt. Tahimik at mabilis na hinila niya ang seat belt nito at siya na mismo ang nagsuot niyon dito. Saka niya pinaandar ang makina nang kotse niya at itinuon sa daan ang pansin. Palihim niya itong sinulyapan nakita niyang namumula ang pisngi nito, kanina pa namumula ang pisngi nito and in some way ay na-a amuse siya. wala pa siyang nakikilalang babaeng nag ba blush ng ganoon kabilis. Kung mayroon man ay malamang na hindi niya iyon napapansin. But with Ami, he’s memorizing every little things about her. But why? Does he care about her?

“a-ahm ano sorry kung napilitan ka pang ihatid ako” basag nito sa katahimikan. Bahagya niya itong tiningnan saka hindi niya napigilang ngumiti. Isa pa iyon, hindi niya alam kung bakit napapangiti siya pag dating dito samantalang sanay siyang laging seryoso ang mukha.

“ayos lang wala naman akong ibang gagawin” he lied. Sa totoo lang ay kanina pa siya tinatawagan ng secretary niya but he firmly instructed not to bother him.

“buti naman kung ganoon” sabi nito saka nakahinga ng maluwag. “a-ano kung wala kang gagawin baka gusto mong sumama sa akin na pumunta doon?” alok nito sakaniya saka ngumiti at tiningnan siya ng diretso sa mga mata. Mukhang nawala ang hiya nito sakaniya bigla, he look away. He focus his eyes on the road and didn’t answer her back. Hanggang sa makadating na sila sa Star City, agad na pinark niya iyon saka siya mabilis na umibis siya nang sasakyan saka pinagbuksan at inilalayan itong bumaba. Isa pa iyon sa di niya maintindihan sa sarili, when it comes to her nagiging gentleman siya which is so new to him.

“so I guess, thank you nalang” sabi nito saka yumuko at akmang aalis na nang pigilan niya ito.

“I thought you invited me to come with you?” aniya saka nginitian ito nang pinakamatamis niyang ngiti; kung kaya nga niyang ngumiti ng ganoon. “binabawi mo na ba ang offer mo?” tanong pa niya dito nang hindi ito agad kumibo.

“of course not! Tara na dali, maganda ang Snow world dito. Ang gaganda ng ice sculpture, gawang Pilipino talaga” ani nito saka natatawang nauna nang maglakad agad na humabol siya sa paglalakad nito at hinawakan ang kamay nito nang akmang babangga ito sa isang lalaking tumatakbo.

Hindi siya makapaniwala! Sasamahan siya ni Andrew na mamasyal sa Star City. Wala talaga sa orihinal na plano niya ang pamamasyal dahil darating na mamaya ang Daddy niya mula sa business na inayos nito sa Cebu pero dahil kasama niya ito sa tingin niya ayos lang kahit na medyo gabihin siya. nauna na siyang naglakad dito nakakailang hakbang palang siya ng biglang may humila sakaniya. nang tumingala siya ay ang guwapong mukha ni Andrew ang nakita niya.

“ayos ka lang ba?” nag aalalang tanong nito saka siye tiningnan mula ulo hanggang paa. Making sure that she’s alright mapapatulala nanaman sana siya dito nang maalala niya na andami na niyang katangahang nagawa. Kanina pa siya napapatulala dito baka ma turn off na ito sakaniya.

“oo ayos lang ako! Tara na doon muna tayo sa Snow world tutal medyo mainit pa magpalamig tayo doon” masiglang sabi niya saka hinila ito. nang nasa may cashier na sila ay maglalabas na sana siya  ng wallet niya ng pigilan siya nito.

Bubbly LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon