chapter 3

20 1 0
                                    

Ibinababa ni Ami ang dala-dalang mga bulaklak sa gilid ng puntod ng kaniyang Mommy saka siya naupo sa damuhan.

“alam mo mommy? Nakita ko si Clea ngayon. ang ganda ganda niya parang ako lang. magkamukhang magkamukha pa din kami until now wala pa din siyang pinagbabago” kuwento niya sakaniyang Mommy. Madalas siyang nagpupunta noon dun nang nag aaral palang siya kaya lang nang mag umpisa na siyang magtrabaho ay naging once a month o kaya naman ay pag may free time nalang siya nagpupunta doon para magkuwento dito. “sayang my hindi kita kasama ng makita ko siya kahapon. Alam mo po may kasama siyang lalaki! Mukhang may boyfriend na si Clea my! Infairness guwapo nung lalaki mukha ding mabait. Kaya lang kapag malamang ito ni Daddy baka mag alala siya kay Clea hindi ko tuloy alam kung sasabihin ko pa. pero siyempre sasabihin ko kay Daddy na nakita ko si Clea siguro di ko nalang sasabihin na may kasama siyang lalaki” aniya saka tumawa.  Kinuha niya ang bag saka kinuha ang baunan niya doon. “tara mommy kain tayong dalawa matagal na din tayong hindi kumakain nang magkasama diba? Sayang wala pa kasi si Daddy, di bale next time kasama ko na siyang pumunta dito pati si Clea my promise dadalhin ko siya dito. Dadalawin ka namin ng sama-sama” sabi niya saka suminghot singhot umubo siya para tanggalin ang lungkot sa boses niya saka pinasigla iyon. “susubukan ko ding isama dito iyong crush ko mommy. Promise ang guwapo guwapo niya! ang bait bait pa alam mo po nagkatagpo kami kahapon sa may cosplay event, nagkataon pa ngang magpartner ang kinosplay namin eh. May picture kami magkasama di bale ipapakita ko saiyo iyon kapag nakakuha na ako ng copy kay Himeya” pagkuwekwento niya dito sa gitna ng pagkain. Nanatili siya doon hanggang sa pagsapit ng tanghalian. Nagkuwento at nagkuwento siya sakaniyang mommy, in that way ay parang kasama pa din niya ito. namatay man ito ay kahit kailan hindi ito nawala sa buhay niya, sa buhay nila. ganoon din ang kakambal niya. gagawin niya ang lahat para lang maibalik ang dati nilang samahan, ang maibalik ito sa buhay nila ng kaniyang daddy. Hoping na maibalik din ang masasayang alaala nilang pamilya.

“Daddy bakit po parehong ‘Amiclea’ ang umpisa nang pangalan namin? Is it really necessary that twins name are the same?” tanong ng batang si Clea sakaniya Daddy. It was a fine Sunday morning nasa may garden sila nun at nagba-bonding. They were all close to each other. They love each other so much.

“hindi naman sa ganoon kaya lang you two are really exactly alike baka kasi kapag nagkamali ako ng pangalang mabanggit ay magalit o magtampo ang isa sainyo kaya nagpasiya kami ng Mommy niyo na Amiclea nalang ang ipangalan sainyo” paliwanag ng daddy niya saka nagkamot ng batok.

“pero daddy magkaiba naman ang second name namin bakit hindi mo nalang ako tawaging Jane? O kaya si Nea ng Nea?” tanong naman niya sakaniyang Daddy na ikinatawa nito.

“Amiclea Jane and Amiclea Nea my two beautiful twin daughter, bakit nga ba hon hindi mo nalang sila tawagin sa second name nila?” natatawang sabi ng mommy niya saka ibinaba ang tray ng cookies sa harapan nila.

“kasi hon ikaw ang nakaisip ng first name nila at mas maganda iyon sa second name nila” natatawang paliwanag nito.

“or maybe because hon you still can’t tell them apart” natatawang biro ng mommy niya

“of course not! Kilala ko ang mga anak ko. Ang makulit at matanong kong anak ay si Amiclea Nea at ang makulit at matakaw kong isa pang anak ay si Amiclea Jane naman”

“eeh Daddy hindi ako matakaw! Look sexy nga ako eh!” reklamo niya dito na ikinatawa nito. Nilapitan siya nito saka niyakap ng mahigpit at pinugpog ng halik sa mukha.

“hindi sapat iyang dahilan daddy” himutok ni Clea saka hinila siya paalis.

“teka saan kayo pupunta?” tanong ng mommy niya

Bubbly LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon