[2] Who's this Mister Hunkie? >.<

129 6 2
                                    

Dana's POV

"Ready ka na ba?" tanong saken ni Nat. 

(-_-) (_ _) (-_-) nods.

Yumuko ako sa ilalim ng kama ko para kunin ang mga bagahe ko. Nakapag-impake na ako kagabi. Ang plano kasi namen ay mauuna akong umuwi sa Pilipinas ng dalawang araw kasama si Natalie. Pumayag naman si Daddy para daw hindi rin ako makita ng media pag sumabay ako sa kanila ni Mommy. Panigurado kasi na sa pagbalik ng CEO ng DVGC maraming media ang mag-aabang sa airport.

Pero kelangan pa rin namen tumakas dahil hindi daw pinayagan si Nat ni Nanay Rosa. Gusto kasi ni Nanay Rosa na magkasama silang sasakay ng eroplano ni Nat. Nininyerbyos siguro siya. Hindi ko naman pwedeng iwan si Natalie dahil kasama siya sa plano namen.

Pero! Ang hindi nila alam ay ang hindi ko pag-uwi sa mansion namen sa Manila. Kasi tutuloy kame ni Natalie sa province nila somewhere in northern Luzon. Hindi ko na maalala yung pangalan ng lugar ang mahalaga ay makalayo agad ako habang wala pa sila Daddy sa Pilipinas. I'll just leave a letter. Doon ko na lang sasabihin lahat ng gusto kong sabihin sakanila.

"Wala ka ng nakalimutan?" pabulog lang kameng magsalita ni Natalie.

"Wala na talaga. Okay na ba yung back gate?"

"Diba sabi ko naman sayo nung nagplano tayo, leave it to me," nag-ok sign pa siya. 

Ako ang may hila sa maleta ko. Si Nat naman ang may dala ng dalawa kong duffel bag. Yung mga gamit siguro niya nasa may back gate na.

At bakit sa back gate? Kasi meron dalawang guards dun sa front gate. Two nights namen silang binantayan. At nalaman namen na hindi sila nagche-check sa likurang gate. Tinatamad kasi ang layo pa ng lalakarin nila. Sabagay, mahigpit din naman ang sariling security ng exclusive subdivision na to. Pero kung wala lang talaga kameng plano isusumbong ko tong dalawang guards kay Mommy, so stubborn ha.

Grabe lang kame ni Natalie para kameng mga magnanakaw kung kumilos. Maingat ang bawat galaw. Dahan-daan yung paglapag ng mga paa namen sa carpeted floor. Pati yung pag hila ko sa maleta kong kanina ko pa iniisip kung paano ko mababa sa hagdan.  (TTT__TTT)

"Dan, mauuna akong bumaba ng hagdan tapos ilalapag ko ang mga bag mo dun--," tinuro niya ang baba ng hagdan, "tapos pagbalik ko dito pagtulungan nateng ibaba yang maleta mo, ha?"

(^__^) (_  _) (^__^) *nods*

Ganun nga ginawa ni Natalie. Pagkatapos niyang ilapag sa baba ang mga hand carry ko bumalik agad siya dito sa taas para pagtulungan nameng buhatin ang maleta kong sa tingin ko pa lang ay mukha nang mabigat.

"Ako mauuna, aalalayan ko sa ilalim," I'm really thankful dahil kasama ko si Nat.

Dyuskopo! Ang bigat! Ganun ba karami ang gamit ko?! Hawak-hawak ko yung handle bar si Nat naman sa ilalim nakasupport. Sorry Nat  (TT___TT )V

After 12731748237481724378 years.... hooooray!!!  \(^0^)/ \(^0^)/  Nagawa namen ng walang nagigising. Gusto ko pa sanang sumigaw kaso lang mukha na akong tanga nun. Nagpakahirap kameng ibaba to tapos papahuli lang kame. No way!

Runaway Royalties (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon