[5] Ay Rodge!

73 3 3
                                    

Ontario International Airport

Dana's POV

"Salamat talaga sa paghatid samen. We owe you one."

"Alam mo kanina pa kayo nagpapasalamat kaya eto ako at kanina pa rin nagsasabing 'wala yun'. Have a safe trip," he turned to Natalie "the two of you."

Naku yan na naman ang malatoothpaste commercial niyang smile. Masyadong nakakasilaw! Gumanti rin naman ako sa kanya ng ngiti. Kala mo ikaw lang ha! (^__^)

"Ahm..and nice meeting you, Rodge."

"Oo nga. Naku, kung hindi mo kami nadaanan kanina malamang kanina pa kame wala dito."

(-__-)? Ano daw sabi ni Natalie?

"Baka mamaya nakidnap na kame. Haha!"

"Calling all the passengers of flight ****......"

"I think this is goodbye then."

"Malay mo..." he left his words hanging then shrugged.

"Nice meeting you din, Rodge." 

Yan pa lang ang magandang nasabi ni Natalie.  (._.)

"Ganun din ako," sagot naman niya kay Natalie.

Kainis naman kelangan na agad nameng umalis. Gusto ko pa sanang yayain sa coffee shop dito sa airport si Rodge. Haha! Ako na ang feeling close.

And yes, his name is Rodge. Pati pangalan niya ang sexy pakinggan. (/_\) Omo! Am I being pervy?!  (>.<) Ehh!!! Kasi naman ina-admire ko talaga ang mga physical features niya. Napakamasculine. Pero sana talaga magkita ulit kame sa Pilipinas. Another yes, sa Pilipinas. Isa siyang Filipino.

*Flashback*

Nakasakay na kame sa sexy Chevy Camaro at papunta na sa--

"Dana, hindi siya mukhang American," nilapit ni Natalie yung mukha niya sa little space sa may right side ng headrest ko. I'm seating on the passenger's seat.

"Oo nga eh," bulong ko din.

"Hahaha. So half-Filipino kayo?"

I heard Natalie gasped behind. Ako naman napatingin lang sa kanya. Kay Mister Hunkie. At natitigan ko ngayon siya ng mas mabuti.

"I'm Rodge. I'm a jetsetter."

"I'm Dana at siya naman si Natalie, best friend ko," I heard Natalie uttered Hi! "We're Filipino."  

So that explains the color of his skin. Sabi ko nga wala siyang American toned skin. But he's not dark at all. Mahahalata mo lang sa kulay niya na madalas siya sa ilalim ng arawan. Kaya naman pala isa kasi siyang jetsetter. Matangkad. Squared jawline and uplifted nose. He has raven black hair. And that same color goes with his eyes. Para siyang si Jacob Black at ako naman si Bella Swan. Haha! Pero sino naman kaya si Edward Cullen? Hmm...

Runaway Royalties (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon