Written by: Kei Lavender"♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡"
Dati, yan yung panahon na ika'y malapit pa sakin.
Bata palang ako, kasama na kita sa bawat pagkakataon. Hindi pa man ako nagaaral ay kaibigan na kita.
Naalala mo ba?
Yung mga panahong muntikan akong maging tomboy dahil palagi akong naglalaro sa kalye?
Eh yung panahong nauso yung holen? yung textcards? eh yung pogs na paramihan lagi ng dangkal?Naalala ko pa, nung mga panahong matapos kumain ng pananghalian ay susunduin nyo na ko samin para maglaro ng mga dahon at lupa sa bakuran kahit na tirik na tirik ang araw.
Kapag hapon naman, aarkila tayo ng bisekleta dun sa may likod ng simbahan at lilibutin natin ang buong bayan tapos pag uwi, kung hindi bangas-bangas ay may pruwebang naiiwan sa may binti natin mula sa marka ng kadena na magrasa.
Kada umaga, dumidiretso na ko sa bahay ng lola mo para manood ng tv. Lagi pa nga ako napapagalitan ng ate mo dahil may panis na laway pa daw ako at hindi pa naguumagahan ay pumupunta na ko agad sa inyo.
Uupo ka sa sopa ni lola habang hawak mo ang paborito mong tinapay na pinalamanan ng kondensada, atsaka manunood kasama ko. Mahilig tayo nung manood ng Jimmy Neutron, Johny Bravo, Avatar, Spongebob Squarepants at pati na yung Cat Dog.
Eh yung favorite mong anime na Detective Conan? Dahil sobrang adik ka sa palabas na yun ay nagpabili ka pa talaga sa kuya mo ng fake eyeglasses na katulad don at mga damit at tsinelas na may print ng Detective Conan.
***
The first ever day of school.
Sabay tayong pumasok dala ang mga bagong bags, sapatos, uniform, and other such things.
Pero matapos tingnan ni mama yung listahan ng mga class students para hanapin yung pangalan natin dun dalawa, sinabi nya sakin na di daw tayo magiging magkaklase.
I childishly pout at her as my reaction.
First time nating maghihiwalay.
Introduction ng buong klase, ayan nanaman ang mannerism ko na palihim na nagkukutkot ng kuko nang makaramdam ako ng kaba.
New faces, new voices, lahat nang yan ay nakadagdag ng idea sa isip ko na hindi talaga ako sanay na hindi ikaw ang nakikita ko.Dahil dun, nagkaroon tayo ng daily routine. Kada uwian ay magiintayan tayo sa tapat ng entrance gate para sabay tayong uuwi.
Naging ganun nalamang ang takbo ng schoollife natin, we learn to have friends and things without being defendent.
One time, napaaway ako sa isang kaklase kong lalake dahil palagi nyang kinukuha ang lapis ko at itinago ang bag ko. Dahil sa sobrang yamot ko, sinuntok ko sya sa mukha! Grrr!! bwiset ehh!!
Walang teacher nun and no one even dare para awatin kami, instead ay pinanood lang kaming dalawa na nagbubunuan ng mga kaklase namin.
All out of my surprise, bigla kang sumulpot sa eksena mula sa kabilang classroom sabay nakipagaway ka dun sa barakong damulag naming kaklase.
![](https://img.wattpad.com/cover/148524119-288-k500765.jpg)
BINABASA MO ANG
Childhood Boy
Short StoryThere's no way that I am going to do this but, I take a deep breath. I stood and marched myself over you. Tumigil ka sandali sa ginagawa mo at iniangat ang ulo sa direksyon ko. In all of the sudden and my braveness. tinanong ko kung talaga bang nata...