Chapter 1

59 2 0
                                    

Good morning everyone! 😊

I'm not a morning person but since may pasok sa eskuwela kailangan kong gumising ng maaga. Right now kumakain ako ng breakfast ng bumaba ng hagdan ang kapatid ko at nagtanong.

"Claire anong breakfast natin ngayon?" sabi ni Ethan with matching hikab.

That's my brother Ethan Salazar we're twins, I'm older by 5 minutes.
We're both on our 10th grade na and magkaklase pa kami! Ang saya diba (note my sacrams). Katulad ng ibang mga kambal diyan close rin kami ni Ethan pero dahil sa over protective niya at bantay sarado ako sa kaniya ni isang lalake walang nanligaw at nakalapit sakin maliban nalang sa mga family members at mga kaibigan ko at mga kaibigan niya.

"Bacon at corn beef" sabi ko sabay subo ng pagkain.

"May fried rice?" tanong niya.

"Meron, wait kukunin ko" sabi ko.

Tumayo ako sa pagkakaupo ko at pumunta sa kusina.

"Bilisan mo malalate na tayo!" sigaw niya sakin mula sa dining area.

Binilisan ko ang pag kuha ng fried rice at bumalik sa dining area at nilapag sa harap niya yung fried rice.

"Bilisan mo rin sa pag kain" utos ko saka niya.

"Edi na bulunan ako non!" sigaw niya sakin.

"Ang hirap mo kasing gisingin yan tuloy malalate na tayo!" sigaw ko naman pabalik. Grabe kaya ang daming energy nito parating late magising.

"Sorry naman ang sarap kayang matulog" sabi niya sakin sabay subo ng bacon at fried rice.

Hay! I agree with you Ethan sana summer na makakatulog na ako ng mahimbing non. Pero syempre konting tiyaga nalang February na ngayon 2 month nalang at summer na at malapit na rin ang birthday namin ni Ethan!!

Pag katapos naming kumain ay niligpit ko yung pinagkainan namin. May mga katulong kami kaso dahil pinalaki kami nila mama ng huwag daw aasa parati sa ibang tao kaya kahit may katulong kami pinaglilinis kami ni mama sa bahay. Ok lang naman sakin kasi sabi ni mama magagamit ko naman daw sa future.

Umakyat ako ng hagdan patungo sa kwarto ko, hindi ako girly kaya kung papasok ka sa kwarto ko hindi pink ang kulay na makikita mo.

My room's color is black and blue. I both love this colors.

Pag pasok ko ng kwarto ay agad akong nagsipilyo at pagkatapos ay lumabas ako ng banyo at kinuha ang bag ko at lumabas na ng kwarto patungo sa sala.

"Let's go" sabi ni Ethan sabay labas ng bahay at sumakay sa family car.

"Manang Beti alis na po kami!!" sigaw ko mula sa pintuan.

Lumabas si manang Beti galing dining area.

"Oh sige mag-ingat kayo papuntang eskuwelahan at sasabihin ko narin sa mga magulang niyo na umalis na kayo" sabi ni manang Beti at niyakap ako.

Niyakap ko naman siya pabalik.

"Sige po alis na kami, mag-ingat din po kayo dito" sabi ko at kumalas na sa pagkayap saka niya at sumakay na sa kotse.

"Ang tagal mo namang sumakay!" sabi Ethan na medyo iritado.

Luh! problema nito kanina lang ok siya tapos ngayon parang may mens na ewan.

"Sorry naman nagpaalam muna kasi ako kay manang Beti" sabi ko.

"Yeah whatever, kuya Gil alis na po tayo" sabi niya sabay suot ng earphones niya.

Naka mens nanaman siguro toh may mood swing.

Youth LoveWhere stories live. Discover now