Chapter 3

23 2 0
                                    

Claire's Pov

Lumipas na ang dalawang oras na puro lesson.

"Girls una na ako baka naghihintay na sila Clint" paalam ko sa mga kaibigan ko.

"Ok sige, pasabe hi" sagot ni Eya.

"Mm, sige alis na ko" sagot ko.

Lumabas na ako ng classroom at dumiretso sa canteen. Pagpasok ko ng canteen nakita kong kumakaway sakin si Clint mula sa table nila.

Ngumiti ako sakaniya at pinuntahan ang table nila.

"Hi Lai, pinag order na kita ng pagkain mo" bati ni Clint.

"Hi Lint, thanks" bati ko naman pabalik.

"Hi Blake" mahina kong bati pero yung mari-rinig parin niya.

"Hi" matipid naman niyang sagot.

"Ah oo nga pala, hi daw sabi ni Eya" sabi ko kay Clint.

Para hindi nalang ulit ako mapahiya.

"Ah!, pasabe hi din" masiglang sagot nito.

Hmmp, etong dalawa kong best friend ginagawa akong tawid sa relasyon nila, grabe pwede naman silang maghi sa isa't isa, isang table lang naman ang pagitan ng table nila sa table namin.

"Pwede ikaw nalang Lint? For the past 4 years, ako parating nagsasabe ng hi para sainyo, ikaw naman this time, maybe this will be your chance na maka usap siya" mahabang paliwanag ko.

"Oo nga naman Lint, diba gusto mo yung pinsan ni Claire, chance mo na tong para matanong mo siyang maging partner sa JS Prom natin" agree ni Blake sakin.

Omg! First time umagree sakin si Blake at first time niya rin akong tawagin sa pangalan ko, dati kasi puro "kaibigan ni Clint/kaibigan mo" ang tawag niya sakin.

"Pero nahihiya ako sakaniya atsaka baka ireject niya ako" malungkot niyang sagot.

"Ano ka ba Lint, hindi ka irereject non sigurado ako matutuwa yun, sabihan ko palang na nag hi ka, tuwang tuwa na siya, ikaw pa kayang mismo magsabe non sure ako mababaliw na yun sa sobrang tuwa" paliwanag ko ulit.

"Sure ka Lai matutuwa yun?" tanong niya.

Bago ko siya masagot ay nagsalita si Blake.

"Ay ang kulit!, oo nga matutuwa yun, nakita ko nga nung isang araw dahil sobrang tuwa hinampas hampas niya si Claire, siguro sinabi ni Claire na nag hi ka" medyo iritadong sagot ni Blake.

"Ay oo, ang sakit nga ng braso ko non" agree ko naman.

"Sige na nga maniniwala na ako" mukhang napilitan na sagot ni Clint.

"Napilitan?" sabay na sagot namin ni Blake.

Nagkatinginan kami at ngumiti nalang ako ng matipid at binalik ang attention ko sa pagkain ko.

"Ayan na pala sila, puntahan mo na Lint" sabi ni Blake kay Clint.

"Ahh ehh ano naman sasabihin ko?" tanong ulit niya.

"Ano pa ba edi hi tas tanungin mo kung pwede mo siyang maging kapartner sa js prom!" medyo na iiritang sagot ko.

"Ok, chill lang kayong dalawa, napaka high blood niyo" sagot niya habang tumatayo.

Umalis siya ng table namin at pumunta sa table ng pinsan ko. Nakita kong ngiting ngiti si Eya, hahaha sigurado mababaliw nanaman siya mamaya sa tuwa. Naputol ang pag oobserba ko sa kanila ng biglang nag salita si Blake.

"Ikaw Claire, may partner ka na sa prom?" tanong niya.

"Ha? Ah wala pa" sagot ko.

"Ikaw ba meron na?" tanong ko pabalik.

Youth LoveWhere stories live. Discover now