Chapter 2

22 2 0
                                    

Ethan's Pov

Hi everyone! 😃

I'm Ethan Salazar twin brother of Claire Salazar.

Claire is older pero dahil ako lalake ako tumatayong matanda samin. Ok lang naman kay Claire, 5 minutes lang daw naman yung tanda niya sakin.

My sister and I are very close to the point ayaw ko siyang masaktan dahil lang sa isang lalake kaya every time na may lumalapit na lalake sa kaniya at nagbabalak manligaw. Ay tinitinigan ko ng masama at hinahamon ng suntukan simula non wala ng lumapit sa kambal ko para ligawin siya.

And besides may kilala kasi akong lalake na mas deserve ang kambal ko at hini-hintay ko nalang siyang magpaalam sakin na ligawan ang kambal ko. Sinabi na niya sa akin na may gusto siya sa kambal ko kaso hindi niya muna daw niya liligawan. Ewan ko ba at hindi pa siya nanliligaw eh sa nuknukan ng gwapo nito.

Wala na akong masyadong sabihin tungkol sakin tutal na sabi na ni Claire sainyo yung iba.

Katulad ni Claire, I'm the campus hearthrob.

Na mention na rin siguro ni kambal sainyo si Min at Mark, well may isa pa kaming kaibigan at yun ay si Jackson Smith.

May tawag samin, kami daw ang f4 ng Pilipinas, which ok lang dahil saktong apat kami at wala kaming maisip na pangalan para sa grupo namin.

Pakilala ko sainyo ang mga kaibigan ko.

Min Kim, siya ang leader namin, pag hindi mo siya kilala, isang tingin mo lang sa kaniya akala mo papatayin kana, pero pag nakilala mo na loko-loko etong lalakeng toh ang hyper minsan.

Mark Evans, napaka play boy ng lalakeng ito pero sabi niya samin may nag-iisang babaeng nagpapatibok ng puso niya, natatakot lang daw siyang umamin baka ibasted siya nito, may pagka maldita daw kasi.

Last but not the least Jackson Smith half Canadian at half Filipino, eto ang pinaka mayabang samin, siya lang naman kasi ang campus gangster, magtitino kaya toh?

Brinngggg!!!

Sa wakas break time na sigurado ako gutom na si kambal hahaha, ang takaw talaga ng babaeng ito pero hindi tumataba.

"Ok class dismissed" sabi ng teacher namin at lumabas na ng classroom.

Niligpit ko ang mga ginamit kong notebook at ballpen at nilagay ng maayos sa bag ko, kahit lalake ako malinis ako sa mga gamit ko.

"Bro, tara canteen" sabi ni Mark na naka tayo na malapit sa pintuan.

"Wait kunin ko lang wallet at phone ko" sabi ko at kinuha ang kailangan kong kunin.

Pagkatapos kong kunin ang cellphone at wallet ko ay tumingin muna ako sa classroom kung nandito pa sila Claire.

"Umalis na kanina pang nag aayos ka ng gamit" sabi ni Min sabay akbay sakin at kinaladkad papuntang canteen.

Hahaha sabi na nga ba at gutom na gutom na yun, siguradong maraming inorder yun. At teka hindi ko naman tinanong si Min kung nasan ang kambal ko pero sinagot ako ng walang pang-aanlinlangan, hay ewan bahala na si shokoy mag-isip.

"Girls ang f4!!" sabi nung babaeng dinanan namin.

"Omg!! Ang po-pogi talaga nila" sabi ni girl 2

"Oo nga, sana akin nalang si Jackson" daydream ni girl 3

"Ako naman kay Mark" sabi ni girl 2

Narinig ni Mark kaya tinignan niya ito at kinindatan.

"Omg!! Girls nakita niyo yun? Mark wink at me" sabi ni girl 2 sa sobrang saya na pa english siya.

Hahaha etong si Mark talaga napaka play boy.

"Sakin si Ethan" sabi ni girl 1

Tinignan ko siya at ngintian, katulad ng kaibigan niya, nagsisigaw rin sa tuwa.

"Ang pogi mo Min, sana akin kana lang" sabi ni girl 4

Tinignan siya ni Min at binigyan ng nakakmamatay niya titig at sinabihan ng " Ayaw ko nga ang panget mo kaya" sabay lakad ulit papuntang canteen.

Naiwang naka nganga yung babae at ng mga kaibigan niya. Ganiyan parati ang ganap pag dumadaan kami sa corridor. Grabe every time na may mag sabi kay Min ng gusto nila ito sinasabi niya "ayaw ko sayo" pabalik, kaya marami rin broken hearted dahil sa lalakeng ito. Sabi nga ni Claire bagay daw saka niya ang pangalang niyang Min, ang mean min daw kasi nito.

"Bro grabe ka naman, straight to the point?" tanong ni Mark.

"Eh para hindi na siya umasang magiging kami" sagot naman ni Min.

Natawa nalang kami ni Jackson sa sagot niya.

Nakarating na kami ng canteen at tama nga ang hinala ko ang dami inorder ni kambal ng pagkain. Pumunta na kami sa table namin at umupo, ang table nila Claire at table namin ay iisa.

"Kambal kain na kayo" sabi ni kambal samin.

"Kambal ang dami naman niya, mauubos mo ba yan?" tanong ko kay Claire.

Hahaha ano kaya isasagot nito?

"Hindi noh, kaya nga niyaya ko kayo kase para sainyo yung ibang pagkain, kase diba matagal bago kayo makapunta dito sa canteen kasi dinu-dumog kayo ng mga fans niyo, by the time na nakarating kayo dito gutom na kayo, kaya binili ko na rin kayo" mahabang paliwanag niya.

Hahaha akala naman nito maloloko niya kami.
"Sus, alam natin lahat na kaya mong ubusin lahat yan cous" naka ngising sabi ni Mia.

"Oo nga ate Lai, ang takaw takaw mo kaya hahaha" tuma-tawang sabi ni Eya.

Tuma tawa kaming lahat sa sinabi ng dalawa at nag mamaktol naman si Claire.

"Hahahaha oo nga kambal" agree ko sa dalawa kong pinsan.

"Oo na, ako na matakaw" nagmamaktol parin niyang sabi.

"Hahaha yung totoo? Bakit mo bini-bigay yung ibang pagkain mo samin?" tanong ko saka niya.

"Ahaha, eh kasi nakalimutan ko na kina Clint ako sasabay mamayang lunch at baka pagkinain ko lahat ito mabubusog na ako" paliwanag niya nanaman.

"Ang dami niyong sat-sat, kumain nalang kayo" biglang singit ni Min.

Sus, wala ng nagsalita samin at nagsikain nalang kami.

Makatapos ng ilang minuto nag ring na ang bell, hudyat na tapos na ang break time. Nagsitayuan na kami at bumalik sa classroom namin. Dalawang oras na klase nanaman ito.

Youth LoveWhere stories live. Discover now