Prologue

23 4 1
                                    

Ako si Princess Kate Vasquez at ang aking kababata naman ay si Rafael Alfonso Tayag. Ang aming Mommy ay matagal ng mag bestfriends.

Kwento sa 'kin ni Mommy na sabay daw kaming ipinanganak ni Rafael kaya magkaparehas kami ng kaarawan.

Ang saya diba? Yung kaibigan mo kabirtday mo pa. Pero minsan napapaisip ako na pwede kayang mainlove sa 'kin si Rafael?

Ayoko naman umasa sa wala atsaka, mga bata palang naman kami. Nasa walong taong gulang pa lang kami kaya, imposibleng magka-inlove'van kami.

Pero, hindi ko talaga maiwasang tanungin ang sarili ko eh..

"Maaari kayang maging kami balang araw?"

"Magugustuhan kaya nya ako paglaki namin?"

Yan ang paulit ulit na tinatanong ko sa aking sarili. Hirap kasi magkunwaring okay ka lang habang siya masaya. Pero kahit ganon mahal ko pa din siya kahit sa ganitong edad.. Nararamdaman ko na ang love.

"Princess!" Sigaw ni mommy saakin.

"B-bakit po Mommy? May p-problema po ba?" kinakabahang tugon ko.

"May nalaman ako tungkol sayo anak" anito habang nakataas ang isang kilay.

"A-ano po yun mommy" mahinahon na sabi ko pero, sa loob-loob ko ay parang sasabog na ang puso ko sa sobrang kaba.

"Ganda mo anak ko."Sabay tawa nang nakakaloko.

"Mommy naman eh pinakaba mo ako." Nakangiting sabi ko at saglit na namutawi sa pagitan namin ang katahimikan.

Naputol ang nakakabinging katahimak ng biglang dumating si Rafael. Kaagad naman akong kinabahan at naramdaman kong nagsimulang uminit ang aking pisngi.

Tumalikod agad ako para hindi makita ni Rafael pero sadyang hindi sang-ayon sa 'kin ang panahon.. Nakita ng mga taksil nyang mata ang mala-kamatis kong mukha. Ngayon ay tawa siya ng tawa na akala mo'y wala ng bukas.

"Bakit namumula yang pisngi mo?" tanong niya sa 'kin habang tumatawa.

"Ahh w-wala namiss lang kita, bakit? Bawal kaba mamiss?" Nauutal na saad ko.

"Eh malapit lang naman bahay mo at bahay natin ah?" may halong pang-aasar ang kanyang paraan ng pagtatanong. Tumatawa parin ito kaya, hindi ko napigilang mainis sa ikinikilos nya.

"Nakakainsulto na yang tawa mo Rafael ah!" pagmamaktol ko habang pilit na pinapakita ang galit ko ngunit, hindi parin ito tinablan bagkus ay mas tumawa pa ito.

"Sige na uuwi na muna ako at tinatawag na ako ni Mommy.. Pft.." anito habang pinipigilan ang pagtawa.

"Sige. Nga pala samahan mo 'ko mamaya ah?" saad ko ng may bahid nang pagtataray.

"Sige, Princess sasamahan kita. Puntahan mo nalang ako sa bahay" kumindat naman ito upang maging dahilan ng pagpula ng aking traydor na pisngi at paghawi ng aking inis.

"S-sige babye Rafael" muling ani ko habang kumakaway bilang pagpapaalam. Habang ito'y naglalakad paalis hindi ko mapigilang mapangiti.

Maghihintay ako sa tamang panahon.. Rafael...


P.S~ Hi. So, I hope you'll like my story.

WARNING:
This story contains grammatical error, graphical errors, misspelled word. And so much more errors. So, if you're looking for a perfect story.. You can stop reading by now. Thankyou. ^•^

PLAGIARISM IS A CRIME

My Childhood LoveWhere stories live. Discover now