Chapter 3

19 1 0
                                    

Princess POV

Dahil sa himbing ng tulog ko ay bigla kong nakita si Rafael sa aking panaginip na tila ba hinahanap niya ako at bigla akong nagising dahil sa magandang panaginip na iyon,naisip ko tuloy na....

"Miss nadin kaya ako ni Rafael?"

Napaisip ako ng konti at namalayan ko nalang na unti unti na palang pumipikit ang aking mala maamong mata,tuluyan na nga akong nakatulog ng mahimbing,dala siguro ito ng pagod dahil sa kakaiyak,sino ba naman kasi ang hindi mapapagod sa kakaiyak diba?,simula umaga hanggang gabi nangangatog na mata ko.

Nagising ako na may ngiti sa aking labi dahil sa napakagandang panaginip,ngayon ay para akong timang kasi ngumingiti akong magisa,napagkamalan tuloy ako ni mommy na baliw.

"Hoy bata bakit ka ngumingiti ngiti diyan?",at tinaasan ako ng kilay.

"A-ahh wala po mommy."pag-papalusot ko ulit,para hindi ako mahalata ni mommy ay patago akong ngumingiti,diba maparaang bata?,ang bata ko pa pero ang galing ko ng magpalusot,saan ko kaya natututunan ang mga ganito?.

THIRD PERSON POV

Nakita ko si Princess na paalis sa kanilang bahay at patungo sa bahay nila Rafael upang pagmasdan ito.Muli kong sinundan si Princess kung saan siya patungo at tama nga ang hinala ko,pupunta siya sa malaking puno ng mangga kung saan sila tumatambay ni Rafael.

Nakakainggit sila,simula palang gusto ko nang maging kaibigan si Princess ngunit hindi ko makuha ang atensiyon niya dahil lagi lang na kay Rafael lahat ng atensiyon niya.Ngayon pwede ko nang maging kaibigan si Princess dahil wala na si Rafael at saakin na mapupunta ang atensiyon niya.

Rafael POV

Nandito na kami sa States at kasama ang buong pamilya ko.Napaisip ako bigla ng maalala ko si Princess,miss kona siya at naninibago ako sa mga nangyayari ngayon dahil sanay ako sa Pilipinas at doon ako lumaki na kasama si Princess,madami din akong kaibigan doon pero dito wala,siguro magkakaroon din ako ng kaibigan dito pero hindi lang ngayon.

Si Princess lang ang nasasabihan ko ng sikreto at problema at lagi kong kasama,walang araw na hindi ko siya nakikita.Namimiss ko siya dahil sa tuwing nakikita niya ako tila ba ang kaniyang pisnge ay nagsisimulang mangamatis at ang kaniyang mata ay hindi makatingin ng diretso saakin.

Alam ko na dati pang may gusto saakin si Princess ngunit hindi ko to pinapansin dahil ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin at alam ko na bata palang kami kaya bawal pa,mahalaga siya saakin at ayokong may masira ni kahit isa sa pagsasamahan namin.Mahal ko siya.......

"Mahal ko siya bilang KAIBIGAN lamang."

Kapag sinabi ko yun alam kong masasaktan siya kaya pinili ko nalang na manahimik at hindi na magsalita pa tungkol sa nalalaman ko.

Natigilan ako sa pagiisip ng tinawag ako ni mommy.....

"Baby Rafael!?."malambing na saad saakin ni mommy.

"Mommy hindi napo ako baby!."nakabusangot at sabay ngumiti.

Malambing si mommy at lagi niyang tawag saakin ang katagang "BABY",nakakainis na nakakagaan ng loob dahil doon ko nafefeel na love niya ako.

"Baby Rafael tumatawag si Princess."ang saad ni mommy na tila ba nagmamadali,at dali dali kong sinagot ito.

"Hello Princess!."nakangiti kong saad sakanya.

Nakita ko nanaman ang kanyang pisnge na nangangamatis at yun ang dahilan upang matawa nanaman ako,alam kong iniiwas niya ang kaniyang mukha dahil ayaw niyang makita ko ito ngunit sa kasamaang palad ay huli na ang lahat at nakita kona.

"HAHAHAH....namumula nanaman pisnge mo Princess."Natatawa kong sabi.

"Ano bang pake mo?,tsk.."nakasimangot na sabi at tila ba nagtitimpi ng galit.

"Joke lang hindi ka naman mabiro Princess hahahahah,kahit kailan talaga napaka seryoso mo."nagpipigil sa pagtawa.

"Sorry na,ikaw kasi eh."at sabay na inirapan ako at tinaasan ng kilay.

"Oo nga pala Rafael,kamusta kana diyan?"nakangiting sabi saakin.

"Ayos naman,naninibago lang."saad ko.

"Lagi kang mag-iingat diyan,miss na kita Rafael,lagi kitang tatawagan,at wag mo akong kakalimutan,thank you din pala sa sulat mo."at sabay pinutol ang aming paguusap at pinatay na ito.

Namalayan ko na maggagabi na pala at kailangan ko ng magpahinga upang pumasok bukas.

FAST FORWARD.....

Ako'y nagising na may ngiti sa labi dahil ako'y excited na sa pagpasok,ako ay naghanda ng aking dadalhin at hinanda kona din ang aking sarili na humarap sa bagong mga kaklase na aking makakasalamuha.

Maya maya ay dumating na ang school bus at ako na ay sumakay.

"Anak magingat ka,"saad ng aking mommy na may pagaalala sa kanyang mata.

"Opo mommy,magiingat po ako,"at tuluyan nang umalis ang bus na aking sinasakyan.

Nandito na kami ngayon sa school at ako ngayon ay papasok na sa aming room,at may nakasabay akong babae at tinanong ako.....

"Hi,how are you?"ang kaniyang tanong saakin.

"Hello,im fine thank you,"ang aking pagkumento.

Ilang minuto kaming nagusap at ang daldal niya,ngunit nakalimutan ko na itanong ang kaniyang pangalan,pero makikita ko panaman siya eh kaya ako ay nagpatuloy sa paglalakad upang pumunta na sa room.

Ako ngayon ay kinakabahan dahil hindi ko pa sila kilala pero alam ko na makakaclose kodin sila kaya naging mahinahon ako.

Bigla akong napaisip na kung ano bang ginagawa ni Princess at bakit ba ako naguguluhan at kinakabahan siguro dala lang ito ng sobrang excited kaya ganito ang aking naiisip at nadarama.

"Bakit ba iniisip ko si Princess,"nagtatakang tanong sa aking sarili.

"Hayst nevermind,"pabuntong hininga kong sabi sa aking sarili at tumayo upang magpakilala sa aking bagong mga kaklase at guro.

"Good morning teacher, good morning classmate, my name is Rafael Alfonso Tayag and im 8 years old,"at natapos na akong magsalita at umupo na.

Natapos ang buong araw na tahimik lang ako dahil siguro'y naninibago ako,at ako'y pauwi na ng biglang may sumunod saakin na isang babae,numukhaan ko siya at siya yung nakausap ko kanina.

Itatanong ko na sana ang kaniyang pangalan ng biglang.....

P.S~ Hi. so,I hope you'll like my story
P.S~ Ngayon lang ulit ako nakapag update hehe,busy sa school eh.

WARNING:
This story contains grammatical error,graphical errors,mispelled word. And so much more errors. So if you're looking for a perfect story...You can stop reading by now. Thankyou.^•^

PLAGIARISM IS A CRIME



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 03, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Childhood LoveWhere stories live. Discover now