Princess POV
Unti unti akong natahimik dahil sa sinabi niya,hindi ko alam kung paano siya pipigilan at ngayon paulit ulit na sinasabi ng sarili ko na...
"Ito naba ang huli naming pagkikita?"
Natulala ako sa sinabi niya at parang hirap makagalaw,hindi ko alam kung anong gagawin ko,at tuluyan akong nagising sa katotohanan na aalis na pala siya,iiwan na niya ako,mawawala siya ng ilang taon.
Muli nanaman akong nagising sa realidad ng mapansin kong palayo na siya,at agad ko naman itong hinabol ngunit sadyang mabilis siyang tumakbo kaya hindi ko siya nahabol,naisipan ko nalamang na umuwi at magpahinga baka sakaling maigsan ang aking pagod,at pagdating sa bahay ay agad akong pumunta sa aking kwarto para magpahinga.
Sa sobrang himbing ng aking pagkakatulog hindi ko namalayan na ilang oras na pala akong tulog at kanina pa pala ako ginigising ni mommy para kumain pero sadyang pagod ako kaya nakatulog ulit ako,at kinaumagahan ay agad akong bumangon para puntahan si Rafael sa kanilang bahay.
"Anak?kain ka muna",saad saakin ng aking mommy,"mamaya napo mommy,pupuntahan ko lang po sandali si Rafael."pagmamadaling sabi ko at saka umalis na ako ngunit bigla akong pinigilan ni mommy.
"B-bakit po mommy?"nauutal kong sabi.
"Umalis na sila Rafael kaninang madaling araw."sabi nito saakin.
"Mom bakit hindi mopo ako ginising?",pagmamaktol kong sabi.
"Ginigising kita anak pero ang himbing ng tulog mo kaya pinapunta ko nalang dito si Rafael para makapagpaalam sayo kahit tulog ka."nakangiting sabi saakin ni mommy,"may iniwan nga pala siyang sulat para sayo."at dali dali ko itong kinuha para basahin.
Dear Princess,
Hi princess,mamimiss ko yung bestfriend ko na makulit,yung laging nangangamatis yung pisngi kapag nakikita ako.Salamat nga pala bestfriend kasi nakasama kita kahit sandali lang,wag kang magalala hinding hindi kita makakalimutan kasi ikaw ang bestfriend ko at wala ng iba.I love you bestfriend....
-Nagmamahal RafaelNapansin ko nalang na may pumapatak ng luha sa aking mata,pilit kong pinupunasan ito ngunit hindi sumasang-ayon ang aking isip kaya't hindi ko mapigilan ang pagbuhos ng mga luha sa aking mata,maya't maya ay tumakbo na ako papunta saaking kwarto at doon ko itinuloy ang pagiyak.
Lumipas na ang umaga at gabi ngunit hindi padin ako lumalabas sa aking kwarto,nagaalala na saakin ang aking mommy,paulit ulit siyang katok ng katok sa aking pinto ngunit hindi ko ito binubuksan,para bang may pumipigil saakin,siguro naapektuhan ako ng sobra sobra dahil sa paglayo ni Rafael,at muli ko nanaman narinig ang pagkatok ni mommy,kasabay ang pagsigaw na para bang alalang alala.
"Anak buksan mo ang pinto kumain kana gabi na oh hindi kapa kumakain,baka malipasan ka niyan ng gutom,masama yan para sa kalusugan mo."pagaala niyang sabi saakin.
"Opo mommy lalabas napo."humihikbi hikbi pang sabi.
"Sige na anak labas kana diyan."paguulit niya.
"Ito napo mommy,palabas napo."at may konting luha pa ang pumapatak.
Lumabas akong maga ang mga mata at wala pang hilamos at parang mukhang aswang na ngayon lang nabuhay,habang naghihilamos ako biglang sumagi saaking isipan na..
"Bata palang ako pero tila alam kona ang ibig sabihin ng love."
Napaisip tuloy ako,"ito ba yung sinasabi nilang puppy love?"pagtatanong ko sa aking sarili.
Tapos na akong maghilamos kaya lumabas na ako sa banyo at dumeretsiyo ako sa aming kusina para tignan kung anong niluluto ni yaya,sakto ang kanyang niluluto ay ang favorite kong Pork Steak,at dali dali akong umupo sa aming hapagkainan dahil sobrang gutom na ako,ikaw ba naman hindi kumain ng tanghalian at hapunan,sino kayang hindi magugutom nun.
"Yaya sarap mopo talaga magluto."nakangiting sabi kahit pilit lang ang mga to.
"Kain kalang ng kain iha alam kong gutom na gutom ka."mahinahon na saad ni yaya saakin.
Pinagpatuloy ko lang ang pagkain ko.....
Natapos na ako kumain at umakyat ulit sa aking kwarto,ngayon ay naiisip ko nanaman si Rafael,sa tuwing naaalala ko siya hindi ko maiwasang hindi maiyak dahil sobrang miss kona siya,Oa man sa tingin ng iba pero totoo naman,si Rafael kasi ang pinaka una kong naging bestfriend mula nung sanggol palang kami hanggang ngayon,pero lumayo na siya kaya nahihirapan ako ngayon ng ganito...
Tama nga ang hinala ko lumuluha nanaman ang aking mata,miss na miss kona siya,yun ang paulit ulit kong sinasabi sa aking isipan.
"Rafael namimiss na kita."saad ko habang humihikbi
Yan ang paulit ulit kong binubulong kaya parang nagiging tanga ako,at parang timang na kinakausap ang aking sarili.
Kasalukuyang nakatingin ako sa kisame ng aking kwarto at iniimagine ko ang napaka gwapong mukha ni Rafael,ngunit nawala ang aking pagiimahinasyon ng tinawag ako ni mommy.
"Anak!inom kana muna ng gatas mo."malambing sa sabi saakin.
"Opo mommy palabas napo."at saka binuksan ang pinto para kunin ang gatas at ito ay aking inubos.
Bigla naman akong nagulat ng biglang magtanong saakin si mommy.
"Anak?"patanong na sabi.
"Bakit po mommy?"pagsagot ko sakanyang tawag.
"Ayos kalang ba?simula lang nung umalis si Rafael naging ganyan kana."pagaalalang sabi niya saakin na tila ba hindi nauubusan ng tanong.
"Namimiss ko lang po si Rafael."palusot kong sabi.
"Ahh sige anak tulog kana.good night,sweet dreams,i love you anak ko."at saka hinalikan ang aking noo.
"Good night,sweetdreams din po mommy i love you po."yakap yakap si mommy habang sinasabi ang mga katagang iyon.
Tuluyan ng lumabas si mommy saaking kwarto at tiyaka pinatay ang ilaw,ngayon ay naramdaman kona ang pagod at antok,at unti unti nang pumipikit ang aking mata at nakatulog na ng mahimbing...
Dahil sa himbing ng tulog ko ay bigla kong nakita si Rafael sa aking panaginip na tila ba hinahanap niya ako at bigla akong nagising dahil sa magandang panaginip na iyon,naisip ko tuloy na...
"Miss nadin kaya ako ni Rafael?"
P.S~Hi.so,I hope you'll like my story
WARNING:
This story contains grammatical error,graphical errors,mispelled word.And so much more errors.So if you're looking for a perfect story...You can stop reading by now.Thankyou.^•^PLAGIARISM IS A CRIME

YOU ARE READING
My Childhood Love
Teen FictionSi Princess Kate Vasquez ay matagal ng may gusto sa kanyang kababatang si Rafael Alfonso Tayag ngunit natatakot siyang ipaalam ito dahil alam naman niyang hindi siya mahal nito at mga bata lang sila, sabi nga ng mga kaibigan ni Princess Kate ay pupp...