~Dottie Juarez~
Sa bawat Wattpad story na nabasa ko, laging mafafall ang bidang nerd-girl sa school bad boy. Sa bawat pagkakataon, madudulas ang babaeng bida at masasalo siya ng hindi inaasahan ng lalaking hindi niya gusto, at biglang magiging slow motion ang paligid. Kikislap ang mata nilang dalawa at makakaramdam sila ng FEELINGS para sa isa't isa.
Sa bawat chapter, may kaabang-abang na scene kung saan magkakaroon ng tinatawag nilang "kilig".
Ngunit ako bilang isang avid Wattpader, hindi ko pa nararamdaman ang fangirling feeling na sinasabi nila. Hindi ko pa naiisip na ang ideal man ko ay isang character sa isang story. At kahit kailan, hindi pa ako kinilig kay Juanito Alfonso.
Hay... siguro binabasa ko na lang ang mga Wattpad stories na iyon dahil kahit sa pagbasa ng mga ito, kahit papaano'y nakakaramdam ako ng progress sa lovelife ng iba, kahit hindi na yung sa akin. Sad layf, mga tol.
And there, nakatapos na naman ako ng isang 30-chapter story at 3:30 am. Gosh, dapat talaga cinocontrol ko ang pagbabasa ng mga stories na ito. Ramdam kong mas healthy pa ang eyebags ko kaysa sa akin!
Bumangon ako sa pagkakahiga ko sa aking kama at naglakad patungong kusina. Kapag talaga inabot ako ng madaling araw, nagigising na din ang tiyan ko.
"Oo na, eto na nga, oh, kakain na," bulong ko sa sarili.
Binuksan ko ang ref namin at naghagilap ng makakain. Una kong nakita ang malamig na burger kaya't iyon na lang din ang pagtiyatiyagaan ko.
Umupo ako sa malapit na sofa hawak-hawak ang burger at isang bote ng Coke. Ako lang ba ang ganito? Hopefully not. Yung bestie ko naman sa elem nagpuyat din dati hanggang 5am, kasi tinatapos daw niya yung Kdrama niya.
Anyway, gutom na gutom na talaga ako kaya't kinain ko na lang ang burger na yun na kahit malamig ay masarap padin sa aking panlasa.
"Anong ginagawa mo diyan?," napatalon ako sa sobrang gulat nang makarinig ng boses sa aking likuran.
Muntikan ko nang maidura ang Coke na iniinom ko, buti na lang ay kilala ko ang boses na iyon. Humarap ako sa isang babaeng naka-extra large na boxers at medyo lawlaw na sando. Magulo ang buhok nito at may bahid pa din ng eyeliner ang ilalim ng mga mata nito. Halatang kakagaling lang din nito sa tulog dahil may tuyong laway pa sa may gilid ng bibig niya.
"Ma? Kakagulat ka naman, eh!," pagkagitla kong sabi.
Tumawa siya at tumabi sa akin sa sofa.
"Huwag kang maingay, magigising mo ang mga kapatid mo," bulong niya.
Kinusot ko ang aking mga mata, siguro dahil inaantok na din ako. "Ma, rinig ko mula dito ang hilik ni Ellie at Sasha."
Kinuha niya ang bote ng Coke mula sa kamay ko, "Masamang magpuyat. First day mo pa naman bukas sa high school."
Ayan na, magsisimula na ulit siya. Ikukuwento niya na ulit ang love story nila ni Papa.
Sa highschool kasi nagkakilala si Mama at Papa. Noong Judy Vandete pa ang pangalan ni Mama, nagka-crush siya doon sa isang varsity player ng school nila. Sobrang hot daw ni Papa noon, tas madaming girls na nagkakandarapa sa kaniya. Ewan ko lang kung ano nang nangyari ngayon. XD
Pero, malakas ata yung tama ng pag-ibig kay Mama, kasi nagpumilit siyang sumama sa cheer squad, para mapalapit pa kay Papa. Kaso, hindi siya nakasali. Akala niya talaga wala nang pag-asa, hangga't sa bigla na lang lumapit si Papa sa kaniya at umamin na matagal na rin niya itong gusto. Noong araw na iyon, naging sila. Pulang-pula si Mama tuwing ikinukwento niya sa amin iyon.
YOU ARE READING
Look Out! She's the Girl That Never Had a Crush Since Birth
Teen Fiction"Kilig? Nakakain ba 'yon?," -Dottie Juarez, 2018 Book #1 in the Look Out! She's the Girl That Series by Jill Vanesse Ako si Dottie Juarez, and what the hell is the feeling of love?! Nagmeet ang parents ko sa high school at hanggang ngayon, kinikilig...