Chapter 2

107 2 0
                                    


~DOTTIE JUAREZ~


"No way!," pilit kong sinabi.

"Anong problema?," tanong naman ni Louie.

Nakatayo ako sa pintuan ng Classroomn 231, nakatitig sa babaeng nasa unahan. She's slim and formal. Naka-pencil skirt na black at banat na banat ang buhok niya pataas sa isang bun. 

Nakasuot din siya noong green na polo shirt na tulad ng kay Louie.

"Ate Joanna!," sigaw ko sabay takbo patungo sa kaniya.

Lumiwanag ang kaniyang mata at tumugon naman siya sa yakap ko. Napangiti siya at pinisil niya ang pisngi ko gaya ng nakasanayan.

"Miss na miss na kita! I didn't know you were studying here?!," sabi ko.

"Namiss din kita, Dots!," tugon niya, at mas lalong hinigpitan ang yakap. Kaming dalawa lamang ang maingay sa classroom, at nararamdaman kong tinitingnan na kami ng lahat ng freshmen na magiging kaklase ko.

Bumitaw na kami sa pagkayakap, "Napili mo palang mag-aral dito sa Ardentia! Grabe, kakaibang experience talaga dito!"

"Opo, Ate Joanna, dito nag-aral ang parents ko, eh."

Lumapit sa amin si Louie, "So... magkakilala kayo?," naghintay siya ng sagot.

"Ah, oo, Louie. Alumni kasi ako sa elementary school namin ni Dottie. Naka-close ko siya dahil magkasama kami sa School Leaders Association doon. Speaking of which...," mukhang may natandaan si Ate Joanna.

"Gusto mo bang sumali sa Ardential Officers? We really need help," sabik niyang tinanong.

"Huh? Wha-," 

"Please, just consider it? Bibigay ko sayo number ko," sabi naman ni Ate Joanna.

After a few seconds, pumayag na lang din ako para matapos na. Malakas talaga sakin si Ate Joanna, eh.

Natapos din ang social interaction namin ni Ate Joanna at naupo na ako sa isang armchair sa may likuran. Nagpaalam na din si Louie sa amin at tumungo na muli sa school grounds. Naisipan kong magmasid sa paligid.

Sa aking kaliwa, ay isang malamig at puting pader. Sa kanan ko naman ay isang lalaking nakatungo sa kaniyang binabasang 50 Ways to Excel in Science Class. Nyek, nerd alert.

Uhm, let's see. Wala pang nakaupo sa desk sa likod ko, at tulog naman ang babaeng nasa harap ko. Paano siya nakatulog? Agang-aga, ah?!

Bigla-bigla, napahikab na lamang ako at napakusot sa mata. Inaantok na din ako. 

Ay, shucks! 4am na nga pala ako nakatulog at maaga pa akong naabala ng mga kapatid ko. Tinamaan agad ako ng antok at nakaramdam ako ng matinding pagkanais ng tulog. 

"Unan, gusto mo?," mahinang sabi ng isang katabi ko. 

Teka. Sino yun, ... YUNG NERD?

Tumingin ako sa kaniya, isang nerd na nag-aabot sa akin ng isang maliit na unan. He shyly smiled, at nakita ko ang pearly whites niya. 

Kayumanggi at makinis ang balat niya. Mahahalata mong hindi siya nagwowork-out sa deflated niyang biceps. Mapungay ang mata niya at ang kaunti ng unahang buhok niya ay nakalaglag sa noo niya, tinatakluban ang ilang parte ng mata.

"Uhm... okay ka lang?," bulong niya.

Napakurap naman ako at napangiti na lamang. "Ay, oo, okay lang ako!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 24, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Look Out! She's the Girl That Never Had a Crush Since BirthWhere stories live. Discover now