2
Goooooood Moooorning world :D
Bukas na! Ang pinakahihintay ng lahat. Mwahahah. Sasabitan na ako ni mama ng medalya! :DDD Wooooooooh at may gift pa nga daw si James <3 hahaha.
Naligo, nagbihis kumain at im off hihi. 9:30 na ako ng nakarating sa school. 10:00 kasi magsisimula ang aming practice. Final rehearsal na daw eh. Papunta na ako ng classroom ng mapansin kong habang naglalakad ako sa hallway eh pinagtitinginan ako ng aking mga school mate na para bang may malaking Q mark sa kanilang ulo? Ay ewan!
When I was about to enter our classroom to put my things there, i saw him, James. Kissing and Hugging my classmate. I felt that my heart were broken into Pieces. No! Hindi ito tunay! Baka kamukha lang ito ni James or what. Nung lumapit ako sa classroom, there. HE IS JAMES. My tears, sunod sunod na nagpatakan. Walang humpay na pagtulo. Na stuck lang ako doon habang nakatingin sa kanilang naglalambingan. Alam kong dapat ay umalis na ako pero ayaw gumalaw ng mga paa ko. Para bang may pumipigil dito na wag umalis. <///////3
Sobrang sakit.. Sobra..
Nung mapansin nilang may tao pala sa pintuan, napahinto sila sa kanilang paghahalikan at sabay na tumingin sa akin. I just smiled and said that "Sige! Ipagpatuloy niyo lang! Wag ninyo akong pansinin! Nga pala James, ang ganda ng gift mo. Na appreciate ko! SALAMAT"
Ghaaaaaad that was sarcastic one. Pinigilan ko lang ang aking pag-iyak habang sila parang nagulat na parang ewan ang mukha. Umalis ako sa room at tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa nakaabot ako sa likod ng school. MAy mga puno at mukhang walang taong nagpupunta dito. Dito ko ibinuhos lahat ng sama ng loob ko. LAHAT. Iyak lang ako ng iyak hanggang sa napagod at nakatulog na ako.
----------------------
Pagkagising ko, hindi ko na muna inalala ang ginawa saking kataksilan kanina ni James. Those tears was enough and i realized na tama pala lahat ng sinasabi nila. He was cheating since na naging kami! Kaya why spend more tears? Kahit na masakit. Kelangang itago. Kelangang wag masaktan.
Time check: 2pm in the aftrenoon. Ghaaad, hindi pa pala ako naglulunch.
Habang naglalakad ako papuntang cafeteria, lahat ng students nakatingin sa akin. As.in halos lahat kaya minabuti ko na lang na yumuko.
"Aw! Miss tumingin ka nga sa dinadaanan mo!"
That voice..
Again, tears started to fall. I wiped my tears and looked at him straightly in the eye.
"Sorry ah? Antanga ko kasi!"- i said firmly.
"I.. Ill.. Illeona." sabi niya ng maypagkagulat.
"So.. Sorry na. Hindi ko naman yun alam na hahalikan niya ako eh. Akala ko magpapatulong lang siya sa paglilinis, per----" hindi ko na tinuloy ang kanyang excuse.
"Naku! Wala yun! Eh mukhang sarap na sarap ka pa nga eh! Wala yun! HINDI YUN BIG DEAL SA AKIN! Wala akong pakialam kung makipaglampungan ka jan sa iba't ibang babae basta BREAK NA TAYO" i said angrily. Kahit masakit, kinaya ko. Hindi ako tanga pero naging bulag ako!
Pagkatapos nun, umiyak na naman ako. Wala kayong magagawa. Ang sakit eh. Sobra. Para akong tinutusok paulit ulit.
May luha pa kaya akong iiiyak pagkatapos nito? Ive never cried like this before.
Kahit ganun, kelangan ko pa rin maging matatag para kina mama't papa. Para sa pangarap ko.
Aattend pa ba ako bukas? Eh kahit hindi naman ako umattend graduate naman parin ako eh. Pero iniisip ko sina Mama. Ano na lang sasabihin nila? Haaaay.
Umuwi na lang ako at pagdating ko nasalubong ko si mama.
"Anak, anong problema?" sabi ko na nga ba't hindi ako makakapagtago kina mama eh.
"Ma, kasi si James." i voice cracked.
Again, i cried in front of my mama. Sinabi ko sa kanya lahat. Simula umpisa hanggang huli. Hindi ako nagtago sa kanya. After nun she hugged me tightly and with that hug, i know i am safe.
--------------------
(A/N: D'you like it? Sabi ko na nga ba hindi eh! Pero, i'll try my best not to disappoint you :'> THANKIIIE~ LOVE LOTS <3)

BINABASA MO ANG
My Graduation Day </3
Fiksi RemajaA Teen-Fiction lang po ito. PLEASE support :) Thankiiiiiiees~ So, only Fictional lang po ito ah?