MGD 4

14 0 0
                                    

4

Papalapit.. ng papalapit ang mga Pulis. Hanggang sa nakalapit sila at halos mawala sa katawan ko ang kaluluwa ko nang sabihin ng mga Pulis na ....

"Ma'am kayo po ba si Ms. Ocampo? Sumama po kayo sa amin sa Ospital." sabi ng isang matangkad na Pulis.

"Bakit? Anong nangyari? Hinihintay ko pa sina Mama tsaka graduation namin ngayon, hindi ako pwedeng umalis dito.!" sagot ko naman. Pero kinakabahan na talaga ako. Parang ayaw ko munang pasalitain ang Pulis pero huli na..

"Ma'am, ang parents po ninyo ay Dead on the spot. Pagkaalis niyo po sa inyong bahay patungo dito, sumunod ang inyong mga magulang dito at sa hindi inaasahang pangyayari, dahil siguro sa excitement, ay na bangga ng isang humaharurot dump track ang inyong mga magulang at sa kasamaang palad, hindi sila nakaligtas." 

"No! Dadating pa sila, nagpromise silang dadating sila. Hindi pwede! Sasabitan pa nila ako ng Medalya. Hindi pwede ito." humagulgul na ako ng iyak duon. Wala akong paki-alam kung maraming nakatingin o nagbubulungan basta napaupo na lang ako. Tila nanlambot ang aking mga Tuhod sa mga sinabi sa'kin. Hindi ako makaniwala. 

"Ma'am sumama na lang po kayo sa akin para--" hindi na niya tinuloy dahil kusa na akong tumayo at naglakad palabas.

Habang nakasakay kami sa Mobile, hindi ako tumidil kakaiyak.

Hindi. Hagulgul. Sobrang masakit.

Sobra sobra. Parang gumuho ang mundo ko. 

Pagdating namin sa Ospital, sa isang room.. hindi ko inaasahan na totoo. Lahat. Si Mama duguan, pati si Papa. Nananalangin ako na sana kung totoo ito...... Please, gisingin niyo ako. 

"No! Gisingin niyo ako! Sabihin niyo nananaginip lang ako. Hindi ito totoo. Hindiiiiii ito tunay. Buhay pa sila mama!! This can't be happening." iyak lang ako ng iyak. Hindi ko malapitan sina Mama. Naka luhod lang ako na halos ihiga ko na. Hindi alam kong may tunay pa bang Diyos dahil sa kamalasang nangyari sa'kin pero nananalangin parin ako na sana........... Hindi tunay ang lahat ng ito. Sana, all of these was just a dream, a nightmare, a joke. Pero ilang beses kong sinampal ang sarili ko, ilang beses kong sinabunutan ang sarili ko, wala akong magawa. 

Lahat ng ito, totoo. Tunay. 

Nasa likod ko lang ang mga Pulis at doktor na siguro awang awa na sa akin. Sa sitwasyon ko. Sobra sobra na ang pasakit na nararamdaman ko. Wala na ba talaga silang chance mabuhay? :'( 

Please Lord, Please......... Sobra sobra na. Wala na akong paki-alam kung matanggal sa'kin ang pagiging Valedictorian, mabuhay lang sina Mama. Kahit ako na lang.. Please. Hindi ko na kaya 'to. Una, sinaktan ako ni James. Tapos ngayon, pati sina Mama? Wag naman ganun! PLEASE.

Hindi ko alam kung saan pupulutin ang sarili ko pagkatapos nito. Pagkatapos ng pangyayaring ito. 

-------------------------------------------------------------------------------

James' POV

Papunta kami ngayon sa burol ng Mga Magulang ni Illeona. Kung sana alam ko lang na ganito ang mangyayari, hindi ko na siya sasaktan. Nakadagdag pa tuloy ako sa kanyang mga pasakit. 

Oo alam ko na ang kapal ng mukha ko'ng pumunta sa burol ng kanyang mga magulang pero hihingi ako ng pasensya sa mga nagawa ko. Tutulungan ko rin siya. Naawa ako sa kanya eh. 

Pagkapasok ko sa bahay nila nakita ko siya... Nakaupo, nakatalikod at umiiyak. 2 araw na ngayon ng burol ng kanyang mga Magulang. Tanging tito niya lang ang nage entertain ng mga bisita niya. Lagi daw siyang tulala ay umiiyak. Hindi kumakain. Walang tulog. 

Nung nakalapit ako sa kanya... "Uhhm, condolence Leona. Pasensy------" hindi ko na natapos ang aking mga sasabihin dahil sa nagsalita siya. COLDLY sa'kin. 

"Hindi ko kelangan ng awa ninyo. Umalis kayo!" sinabi niya yun ng hindi nakatingin. She told us firmly. 

Hindi kami umalis at umupo na lang sa mga seats. Inalok din kami ng meryenda ng kanyang tito kaso hindi kami pumayag. Sayang lang. 

Hindi namin napansin na tumayo at umalis na pala si Leona.

San kaya yun nagpunta? Baka nagpahanginlang. Sana ayos lang siya. Haaaay. 

*After 20 minutes*

"DIYOS KO! LEONA ANO BA NAMANG GINAWA MO SA SARILI MO? BAKIT NAMAN? LEONA NAMAN!!!" teka!? Anong nangyare? Patakbo akong pumunta sa kusina and..

There.. 

I saw her..

Lying in the floor... 

Bleeding at.....

At...... Wala nang buhay.... 

END OF POV

My Graduation Day </3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon