MGD 3

17 0 0
                                    

3

Pagkatapos akong kinomfort nila mama, umakyat na ako sa room ko at naligo, nagbihis at nagpakapagod. Para hindi ko maisip yung mga nangyari. Hindi na rin pala ako nagrehearse pa. Psh. Paulit ulit lang din naman ang mga gagawin eh. Tsaka isa pa, makikita ko lang duon si........... Basta!!!

"Anak, halika na! Kakain na tayo." sigaw ni mama mula sa baba. 

"Sige po! Susunod po ako!" I replied. 

Hindi ko na namalayan ang oras 8pm na pala! Bumaba na ako at kumain. Pakatapos nun, hindi na ako pinahugas ni mama ng mga pinggan dahil daw baka mastress ako. 

Mama, kung alam niyo lang. Haaaaay. Emotionaly, stressed ako. Tears started to fall AGAIN. Niloko niya ako! Dapat nga hindi ko siya iniiyakan! G*nago niya ako! 

Kaso hindi ko magawang magalit sa kanya. Mahal ko pa rin siya eh. Hhaaaaaay. :'(((((

Nakatulog na ako ng may luha sa mga mata.

-----------------------------------------------

Pagkagising ko, ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Nasa panaginip ko kasi si JAmes eh. Yung mga masasayang ala-ala namin. HAAAAAAYYYYY. naligo't nagbihis na ako. Minake-upan ako ni mama ng light lang. Siyempre, Simplicity is a Beauty. But too much simply is err SECRET!! :)) 

Hindi ko na muna iisipin si James. Kahit ngayong araw lang pipilitin ko. Huwag umiyak ng dahil sa sakit. Pipilitin ko. :(

"Anak, ang ganda mo ngayon." sabi ni mama. "Mama, kanino pa ba ako magmamana?" sagot ko naman ahaha. "Siyempre sa tatay!!" sagot ng aking Ama! "Hahahahaha" tawa kaming tatlo.

"Anak mauna ka na muna doon ha? Susunod kami ng tatay mo." tumango na lang ako.

Ayos lang naman sa akin na ako lang mauna, sabagay ihahatid naman ako ni Tito. 

"Sige po ma, alis na kami." sabi ko sabay hug at kiss sa kanilang dalawa.

"Anak! We are so proud of you. Mahal ka namin." sabi ni papa. 

"I love you too po. Papa, Mama" sabi ko ng maluha luha. Ayt? Umagang umaga? Mag-iiyakan kami. 

"Sige anak baka mahuli ka! Ingat." sabi ni mama habang kumakaway. 

I waved back nalang.

Habang nasa kotse ako ni Tito, parang kinakabahan ako na hindi ako mapalagay. Napapa inhale exhale ako ng malalim eh. Psh. Baka excited lang ako :) 

Pero iba talaga ung kutob ko eh. Parang may masamang magyayari. HAaaaay.. Baka nga excited lang talaga.

After 15 mins. Nakarating na rin talaga ako.

"Bye Tito, thanks sa paghatid. Ingat po :)" Paalam ko kay tito. 

"Sige anak. Susunod kami ah? Hintayin mo kami? Ingat! Congratulations in advance!" sabi ni tito habang kumakaway matapos akong ihug.. 

Pumasok na ako sa loob ng among Gym. Napakasaya ko na sana ng makita ko siya.

Ang lalaking ginamit lang ako. The man who broke my heart. As i'm walking, i whispered to my self "Leona, kaya mo yan. Wag kang iiyak. Kaya mo yan" hanggang sa malagpasan ko lang siya. 

At nalagpasan ko nga siya at nagtungo muna sa Cr upang mahimasmasan dahil malapit nang tumulo ang aking luha kanina. As.in.. 

So, mej nagpakalma muna ako bago ako bumalik sa aking upuan. Hindi pa naman nagstastart eh kaya pwede pa. As i walk trough the hallway, ang mga estudyante, halos lahat nagcocongratulate. Sa tuwa ko ba naman ay ngiting ngiti ako hahaha. Pero kinakabahan parin ako ehh. Iba ang pakiramdam ko. Ibang iba nung grumaduate ako nung grade 6 . 

"All graduatees please proceed outside, sa loob ng 5 minuto ay magsisimula na tayo."- sabi ni Teacher MC hehehe, eh sa nakalimutan ko pangalan ng teacher nayan eh.

Ayun nga, pumunta na ako sa labas para sa Opening March namin. Pero ang ipinagtataka ko lang, eh wala pa sina mama. Halos kal’hating oras na akong naghihintay eh. Inisip ko baka natraffic lang.

Naghintay ako hanggang matapos ang buong 4th Year March, wala pa rin sila. Duon na ako kinabahan ng todo. Sobrang kaba ang dumalaw sa’kin. Sobra na halos manlamig na ako.

Opening Prayer, Speech ng kunsino sino paikot ikot lang yung tingin ko sa buong Gym na baka naligaw lang si mama. Tinanong na rin ako ng mga Teachers ko kung dadating pa daw sina mama.

After the receiving of diploma, may pumasok na mga pulis. Ewan pero parang yung kabog ng dib dib ko kanina mas lumakas pa. Kung pwede lang siguro pati buhok ko manlamig na rin.

May kumausap na Teacher dun sa 2 pulis na dumating, ang iniisip ko baka isa lang ito sa aming mga Guests pero nung tinuro ako.. Teka? Ako ba talaga? Mukhang papalapit na yung mga Pulis sa kin.

-------------------------------

(A/N: Ending na po sa susunod na Chaptiiiee~ Sana po support and votes ang ibibigay niyo :))

LOVE LOTS <3 <3)

 

My Graduation Day &lt;/3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon