Chapter 4

178 4 1
  • Dedicated kay Aiza Viloria
                                        

(DJ's POV)

Nakahiga na ako ngayon sa kama. Iniisip ko yung nangyari kanina. Lupet mang-asar ng barkada eh. Ano kaya itsura ko nun? Nako, ang bading siguro ng itsura ko. Kinikilig kasi ako eh. -__- 

HALA?! Bakit ako kinilig? Nako nako. Hindi pwede to. Hindi ako pwedeng mainlove kay Kathryn. Pano kung di nya ako mahal? Hay. Wag ko nalang kaya sabihin? Ay, ewan.

"Hoy, ba't tulala ka nanaman dyan?" sabi ni Ate Kass. Napa-upo ako pagkasabi niya. Nakakagulat kaya. Hahaha.

"Uso kumatok noh," sabi ko. Bigla-bigla naman kasi siyang pumapasok.

"Di uso yun sakin. Oh, mukhang problemado ka? Anyare?" sabi niya.

"Wala to. Dun ka na nga sa kwarto mo," tinutulak ko na siya palabas.

"Anong wala ka dyan. Kilala kita noh. Alam ko kung may problema ka. Ano nga? Sabihin mo na, baka makatulong ako," sabi ni Ate Kass. Binitawan ko na siya at umupo ako sa beanbag sa kwarto, umupo nadin siya sa isa pang beanbag dun.

"Si Kathryn kasi ate-" di pa ako tapos magsalita, dinugtungan na niya.

"Mahal mo na?" si ate talaga, alam na kagad.

"Oo eh. Ang galing mo ate. Hay. Ano nang gagawin ko?" sabi ko sakanya.

"Edi aminin mo na sakanya. In that way, masasabi mo sakanya totoo mong nararamdaman. At least, wala nang gumugulo diyan sa isip mo diba?" Kass.

"Pano kung ireject niya ako? Pano kung layuan niya ako?" ako.

"Edi tanggapin mo. Pero kapag mag-bestfriends naman kayo, magagawa niyong di magkailangan eh. Go brotha! Kaya mo yan!" sabi ni ate.

"Sana nga. Salamat ate ha. Nababadingan tuloy ako sa sarili ko," sabi ko sakanya.

"Ano ka ba. Normal lang yan pag inlove. Hahaha. Osha, matulog ka na, may pasok ka pa bukas. Bahala ka na dumiskarte diyan ah. Goodluck!" kiniss na nya ako sa cheeks at lumabas na siya sa kwarto.

"Yuck naman to," sabi ko.

"NARINIG KO YUNNN!" sabi ni ate. Grabe, lakas naman ng panrinig neto. Hahaha.

"HAHAHA. Goodnight ate!" sabi ko at humiga na. Kinuha ko muna yung cellphone ko. 5 new messages. Siguro goodnight text to mula sa barkada. Ganyan kasi kami eh, nag-g-goodnight/goodmorning/goodafternoon texts kami. Sweet noh? Hahaha. Nag-GM nadin ako. After nun, tinext ko si Kath.

"Goodnight Bestfriend Kath. Tama na kaka-internet. Tulog na. See you tomorrow! :)"

SENT.

(Kath's POV)

Nagb-blog ako nang may biglang nagtext..

From: Bespren DJ

"Goodnight Bestfriend Kath. Tama na kaka-internet. Tulog na. See you tomorrow! :)"

Nako, alam na alam niya talaga eno. Yan yung gusto ko sa bespren ko eh :)) Haha. Nako nako. Nag-g-goodnight text pa siya. At hindi lang group. Ayt, Kathryn, masyado ka atang umaasa. Pinatay ko na yung laptop tapos humiga na ako.. 

Naisip ko nanaman si DJ. Ano ba to. Ganito ba talaga pag-inlove? Wait, what?! INLOVE?! No, Kathryn! Hindi pwede. Naka--move on ka na kay Khalil pero hindi ka pwedeng mainlove, okay?

Hay. Ewan ko na. Bahala na si God. Tulog na ako, goodnight! :)

~~~~~~~~~~~~~~~

Tapos na Chapter 4. :) Ang tagal ba? Sorry naman ^____^v Super busy sa school eh.

Pano ba yan? May feelings na sila sa isa't-isa. Nako nako. Ano na kaya mangyayari next chapter?

Aaminin na ba kagad ni DJ ang nararamdaman niya kay Kathryn? Ano naman kaya ang gagawin ni Kath sa nararamdaman nya? Pano pag niligawan siya ni DJ?

ABANGAN! ;) 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 14, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Lover's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon