Chapter 2

288 4 7
                                    

(Kath's POV)

Natapos ang recess kaya umakyat na ulit kami. Social studies na ang next subject. Buti nalang at adviser namin ang teacher namin dun. Mabait kasi siya. Pinapasok na niya kami at nung okay na ang lahat, nagstart na siya magturo. Napatigil sa ma'am dahil may kumatok sa pinto. Si Ma'am Eleanor. 

"Good morning Ma'am Eleanor," sabay sabay naming bati.

"Good morning din sainyo! Ma'am Dani kausapin po muna kita saglit," sabi naman ni Ma'am El. Lumabas na sila at dun nag-usap. Matapos ang ilang minutes, pumasok ulit si Ma'am Dani.

"Class, magkakaroon na kayo ng bagong kaklase," sabi ni Ma'am Dani. 

"Hala?"

"Talaga?"

"Sino kaya yun noh?"

nagbulung-bulungan na sa klase.

"Nalipat muna siya dito dahil makulit siya dun sa classroom nila. Gusto ni Ma'am El na mapasama siya satin baka sakaling bumait daw kahit papaano. Be nice to him ha," dugtong ni Ma'am Dani at tinawag na niya yung bago naming kaklase. 

Nakatalikod ako sa upuan ko dahil nag-uusap kami ni Julia. Then biglang pumasok na yung new classmate.

"Sis tingnan mo ang gwapo oh!" sabi ni Julia habang nakaturo sakanya. Paglingon ko...

"SIYA?!" napalakas ata ang sabi ko dahil nagtinginan ang klase sakin. Buti nalang at di ako masyadong narinig ni Ma'am Dani dahil kausap niya pa si Ma'am El.

"Oh sis bakit? Kilala mo siya?" tanong ni Julia. Napansin ata niyang medyo nataranta ako.

"Oo sis. Siya yung sinasabi ko sainyong nakakainis kanina," sabi ko naman.

"Ay kaya naman pala eh. Try mong baguhin impression mo sakanya. Malay mo maging close pa kayo, diba?" sabi naman ni Julia.

"I'll try sis," sagot ko sakanya.

"Daniel, umupo ka muna dun sa vacant seat sa tabi ni Kathryn," sabi ni Ma'am habang tinuturo ang bakanteng upuan sa tabi ko. Nako naman. Seatmate ko pa siya for the whole quarter. Spell malas? K-A-T-H!

Ang mga babae naman sa classroom, pinagbubulungan at pinagtitinginan naman siya habang naglalakad siya papunta sa upuan niya. Type siguro siya nung mga yun.

Umupo na siya tapos kinakalabit niya ako. Hindi ko nalang siya pinapansin dahil gusto kong magfocus sa nilelesson namin. Running for top kasi ako, eh. Hehehe. Patuloy padin yung pangungulit niya sakin kaya lumingon nako.

"Bakit ba?" sabi ko, tinaas ko yung kilay ko.

"Wala lang, Ms. Sungit ka talaga enoh," sabi niya habang nags-smirk. Ang hilig niya lang talaga mag-smirk. Haha.

"Excuse me, may pangalan po ako," then I rolled my eyes. 

"What's that noise Mr. Padilla and Ms. Manuel?" tanong ng teacher.

"Wala po ma'am," sabay naman naming sagot.

Tumigil na siya sa kakakulit. Ayaw din naman naming mapagalitan noh saka medyo terror din kasi yung teacher namin sa Social eh. 

(Daniel's POV)

Nilipat ako ni Ma'am El sa first section. Masyado daw kasi akong maingay sa classroom kaya baka sakaling tumino daw ako pag napasama ako sa mga taga-first section. Pag-pasok ko palang, nagsitinginan na kagad mga babae sakin. Ang gwapo ko kasi. :)) Hahaha!

Anyway, nakatabi ko pa si Ms. Sungit. Yun ang tawag ko sakanya kasi kanina natulak ko siya sa may hallway nung nag-fire drill. Tapos ang OA niya mag-react kaya siniko ko siya ng siniko. Nakakatuwa siyang pagtripan. Ano nga ulit pangalan niya? Kathleen ba yun? Ay hindi. Kathryn pala. Muntik nadin kaming mapagalitan ni Ma'am dahil kinukulit ko siya. Natapos ang Social Studies at Math. Lunch na. Woohoo! 

A Lover's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon