Umiiyak akong nagising dahil sa panaghinip ko. Ilang buwan nadin ang nakakalipas mula nung nangyari yun pero bakit pilit padin siyang bumabalik at bumabalik? Pinunasan ko na ang luha ko at bumangon nako. Alas kwatro palang pala ng umaga. Masyadong napa-aga ang gising ko. Nag-internet muna ako, pampalipas oras lang.
Ay, oo nga pala. Di ko pa napapakilala sarili ko. Ako nga pala si Kathryn Chandria Manuel. My friends often call me "Kath." I'm 15 years old. 3rd year high school sa St. Benilde College. Kabarkada ko sina Julia, Yen, Diego at Neil. Separated ang parents ko dahil di sila masyadong magka-sundo at may ibang pamilya nadin ang daddy ko. Okay lang naman, mabait at maalaga din naman ang mommy ko. Spoiled din ako kay mommy dahil only child lang ako. Ang barkada ko ang tinuturing kong mga kapatid ko. Naranasan ko nadin ang mainlove at masaktan. Sa first love ko pa. Oops, duma-drama na, tama na. :p
5:30am na pala. Naligo na ako at nagbihis. Pagbaba ko, naka-upo na si mommy at naghanda na siya ng pagkain.
"Tara nak, kain na!" bati ni mommy. Di ako nagsasalita. Wala talaga ako sa mood dahil sa pesteng panainip na yan. Kumain nalang ako. Habang nagt-toothbrush ako, narinig kong tumunog ang doorbell.
"Sina Julia na siguro yan," sabi ni mommy habang naglalakad papunta sa pinto.
"Hello po tita!" sabay sabay nilang bati kay mommy. Natawa nalang si mommy. Kiniss ko na si mommy sa cheeks at umalis na kaming lima.
Habang naglalakad kami, napansin ni Julia na matamlay ako. Si Julia lang naman ang bestfriend ko since grade 2. Kilalang kilala na namin ang isa't-isa.
"Oh, sis, anong problema? Kanina ka pa tulala dyan ah," sabi ni Julia.
"Oo nga, bes, anyare?" dugtong naman ni Yen. Si Yen naman nung grade 6 lang namin naging close. MU sila ni Kuya Neil. Magbestfriends din sila. Napaka-perfect nga nila sa isa't-isa eh. Ewan ko ba bakit di pa maging sila.
"Ha? Wala to. Inaantok lang siguro ako. Wag niyo na ako intindihin," sabi ko naman sakanila at nagsmile ako. Syempre para di halata ;)
"WEEEEEHHHH?!" sabay na sabi ni kuya Neil at Diego. Kuya Neil ang tawag ko sakanya dahil siya ang pinakamatanda sa tropa. Si Diego naman at si Julia ang magkarelasyon. Medyo matagal nadin sila. 11months na ata.
"Wala daw! Nako! Sinong niloko mo?" sabi ni Julia.
"Haha. Kasi naman napanaghinipan ko nanaman si Khalil," nakayuko ako habang kinukwento ko ang panaginip ko.
"HAAAY. Di padin talaga nakaka-move on," asar ni Julia.
"Eh kasi naman! First love ko yun eh!" pasigaw kong sabi.
"Wag nalang natin pag-usapan yan," sabi ni Yen.
"Oo nga! Dapat GV lang tayoo woohoo!" sabi naman ni Diego.
Pumasok na kami sa classroom namin. Syempre, tabi-tabi kaming lima. Natapos ang first three subjects namin. Buti nalang at maaga kaming pinalabas ng teacher namin para makabili na kami ng pagkain. Mahaba kasi ang pila sa canteen eh.
Habang pababa kaming lima, biglang tumunog ang bell. Hindi bell na sign na recess na. Kundi bell na nagsesenyas na fire drill. Naglabasan ang mga estudyante sa mga classroom kaya nagsiksikan na. Napahiwalay ako sakanila sa sobrang sikip. Hinahanap ko sila pero di ko na talaga sila makita. May tumulak naman bigla sakin.
"Aray naman!" napasigaw ako. Ang lakas kasi manulak. Tumingin ako sa likod ko.
"Sorry, siksikan kasi diba?" maangas niyang sagot. Tumalikod ako pero siko siya ng siko sakin. Tuwing titingin naman ako sakanya, kikindat siya.
"Tss." lang ang nasabi ko. Masyado siyang maangas ah. Pero ayoko na kasi makipag-argue. Lalo na't ang priority ko ngayon ay hanapin ang mga kabarkada ko. Salamat sa Diyos at nakalabas nadin ako ng napakasikip na hallway. Nakita ko na silang apat, nandun sa pila ng section namin sa may grounds. Lumapit ako sakanila.
"Urghhh! Nakakainis yung lalaki kanina! Tinulak ba naman ako ng napakalakas tas sinisiko pa ako! Tas kikindat sakin tuwing titingin ako sakanya, tsk! Papansin siya!" sabi ko.
"Oh, kunot nanaman yang noo mo!" asar nanaman ni Julia.
"Baka naman may gusto sayo," sabi ni Yen sabay kindat.
"YIEEEEEEEEEEEEE" sabay nanamang sabi ni Diego at Neil. Parang kambal lang tong dalawang to enoh. Hahaha!
"Hindi noh! Tigilan niyo nga ako!" sabi ko naman sakanila.
Tumunog nanaman ang bell. Ibig sabihin tapos na ang drill. Dumiretso na kami sa canteen para kumain.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Chapter 1 is done ;) xx
Sino kaya si Mr. Papansin kay Kath? :)
Medyo boring padin noh? Maiksi din ata siya.
Abangan yan sa Chapter 2~

BINABASA MO ANG
A Lover's Revenge
أدب المراهقينSabi nila masarap daw mainlove. Lalo na kung mahal ka din niya. Pero diba dapat GIVE AND TAKE daw dapat relationship? Pano kung ikaw lang ang bigay ng bigay hanggang dumating sa point na naisip mong nagawa mo na ang lahat, na pagod ka na? Pero pano...