Chapter 3

4 1 0
                                    

Hinanap ko ang crush notebook ko sa buong bahay kung sakaling nilagay ko lang yun kung saan. Tinanong ko nga si Vira pero tinawanan lang ako.

"Baka natapon mo na yun at nabagok ang ulo mo at di mo maalala!" Sabi niya at umakyat sa kwarto. Putek na kambal!

Napagod ako sa kakahanap at umakyat na lang ako sa kwarto at umupo sa kama. Si Vira naman, ayun! Natulog na. Kaya isinawalang-bahala ko na yun at baka nasa paaralan lang ang notebook. Baka nahulog habang naglakad ako.

Nanlaki ang mga mata ko when a sudden realization hit me.

Nahulog...

Nahulog...

Nahulog...

NAHULOG NUNG NAGKABANGGAAN KAMI NI RHEAJEAN!

at nung kinuha namin ang aming mga gamit...

NASA KANYA ANG CRUSH NOTEBOOK KO!

Shit! Shit! Shit! Shiiiiiiiit!!! Napasabunot ako sa buhok at padabog na humiga sa kama. Paano kung nakita niya yun? Paano kung nabasa niya ang nakasulat doon? Siguradong matatawa yun sakin! WAAAAAAAAAHH!!!

Paano ko mababawi yon sa kanya? Pumasok sa bahay na hindi niya alam? Eh ano ako, akyat-bahay? Eh hindi ko naman alam kung saan siya nakatira. Tatanungin ko muna kung saan nakatira? Magsasayaw lang yun ng budots.

🎶tit tit tit tititit titit tititit tit tit tititit tit🎶

Putek nananadya yung disco sa may kanto. *poker face*

Eh kung sabihin ko sa nanay niya na pakikuha ng notebook? Hala nakakakiya!

Sinusubukan kong matulog pero hindi ko magawa eh. Nag-iisip pa rin ako kung paano makuha uli ang crush notebook ko. Huhuhu sinampal-sampal ko pa ang mukha ko para makatulog.

-~-~-~

Mahigit isang oras na pero hindi pa ako nakakatulog. Paano ko nga ba makukuha ulit yung crush notebook ko?

Ay! Maglalakad na lang ako bukas papuntang paaralan at maghihintay ako kay Rheahean sa Eara High. Tatanungin kung nasa kanya ba ang crush notebook ko at ibibigay niya yun sakin dahil nag-effort talaga akong makuha ulit iyon. Bahala na kung nabasa na niya yun o wala. Aish! Makatulog na nga.

-~-~-~

Pagkagising ko sa umaga ay nagmamadali ako sa paghahanda para pumunta sa paaralan. Hihintayin ko pa naman si Rheajean.

Nakasuot na ako sa uniform at dinala ang bag ko nung bumaba na ako para kumain sa kusina pero nakasabay ko si Vira sa pagbaba. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at base sa mukha niya, hindi siya makapaniwala.

"Hala! Bukas na naman ba ang gates ng Glenn High at nagpagpasyahan mong maaga pumasok? Inspired ka ba kay- ANO BA!" Hindi niya natapos ang sasabihin niya nung ginulo ko ang buhok niya. Kaya ayun, nainis habang inaayos ang buhok.

Kung kasama mo siya, guluhin mo lang ang lahat wag lang ang buhok niya. Sabi niya hindi na magiging malabot ang buhok niya kung magugulo. As if malambot ang buhok niya. Feeler niya no? Mas malambot pa buhok ko. With curls pa! *sticks tongue out*

Kumain na kami ni Vira nung bumaba si nanay at nakita ako. "Aba! Ang aga natin Vida ah!" Sabi ni nanay at sumabay na saming kumain.

Natapos na akong kumain nung bumaba si tatay at kumain. Tumayo na ako at hinalikan sila nanay at tatay sa pisngi.

"Nay, tay alis na po ako ah." Sabi ko at pumunta na sa pinto.

"Hindi ka ba sasabay samin? Sasakay na kayo ni Vira." Sabi ni tatay at umiling naman ako.

Bee LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon