Chapter 5

2 0 0
                                    

Naglakad ako sa hallway ng may tumawag sakin. "Vida!" Wait, familiar ang boses.

Lumungin ako sa likod ko at nakita si Crush- ay este si kuya Jireh. Yung kasama ko sa Press. Mas matanda siya ng isang taon sakin.

Wow ngayon ko lang napansin na may lalakeng humabol sakin! First time!!

Pero hindi parin ako happy dahil hindi siya ang humabol sakin. Putek ang likot ng isip ko.

"Oh ano po?" Sabi ko pero nagsign siya na hihinga muna siya saglit. Humihingal kase.

Kalaunan, nakahinga narin siya ng maayos. Tumayo na siya ng tuwid. Gwapo rin naman si kuya Jireh. Pero ang nakikita kong pinakagwapo sa mga mata ko ay si- Staphh na brain!!! Stapph na!!!

"May meeting daw yung Press." Sabi niya at hindi makapaniwala akong tumingin sakanya. Agad na nagdiwang ang loob ko. Yes! Magmeeting ulit!

"Ngayon na?" Excited na sabi ko. Tumango naman siya.

"YIIIEEEETTT!!!" Tili ko at napatingin ang lahat ng mga dumadaan sa hallway sakin. Agad kong tinakpan ang bibig ko. Tumawa naman si kuya Jireh.

"Mukhang hindi excited ah. Tayo na!" Sabi niya at nagsimulang maglakad. Agad naman akong humarang sa dinaraanan ni kuya.

"Seryoso po talaga kuya? Ngayon? As in right now?" Sabi ko at tinuro ang sahig. Tumango naman si kuya Jireh at dahil excited ako, hinila ko siya patungo sa office.

Nakarating na kami sa office na matatagpuan sa tapat ng principal's office. Hay, namiss ko ang pagtrabaho sa office at ang pagbili ng mga published copies.

Ngayon ko lang rin nakita ang magandang sign sa itaas ng pinto na "12 writing smurfs". Natawa nga ako eh. Natripan lang talaga ang pangalan ng journalism club namin. Ginawa ng magaling naming club adviser na si sir Jokrin.

Nung pumasok kaming dalawa ay nakita namin ang ibang mga members na nakaupo sa mahabang mesa sa gitna ng clubroom. Nandoon na rin si Vira na iniikot ang kanyang long-lost swivel chair at may patapon pa ng confetti. Eh? Hindi halatang mas excited siya sakin.

Ganoon pa rin ang clubroom, ang mga makinarya sa pagpublish ng mga copies ay nasa upper left corner. Ang shredder ay nasa lower right. Ang mga mesa sa mga members ay nasa upper right. Yes, individual tables for members with computers. At ang nasa lower left ay ang mga mesa kung saan nakalagay ang mga archives. At nasa gitna ang malaking table para sa pagpupulong. Pero ang kaibahan lang ay may nakatakip na puting tela sa mga makinarya.

"Ok let's start! Vira will be the janitor for today. Naawa ako sa sahig dahil dinumihan mo." Sabi ni Sir Jokrin at natawa kami. Huminto na sa ginagawa si Vira at umupo sa sahig para pulutin ang mga confetti.

"Ok! I called for a meeting dahil naisipan kong ibalik ang-"

"YES!!!" Sigaw naming lahat at nagsimula na kaming mag-ingay. Nagulat si Sir.

"Hala grabe kayo, patapusin niyo muna ako ok? Ibabalik ko ang english speaking rule kung papa-"

"Aww wag naman sir!" Naka-poker face si sir dahil sa ginagawa namin. Halata ng malapit ng magalit.

"Yun naman pala eh! Patapusin niyo nga ako! Ibabalik ko ang Bentre-"

"Bentre Diaries! WAAAAHHH!" Napatayo na lang si sir.

"O sige dahil alam niyo na naman ang topic natin kayo na lang kaya ang magsalita rito?" Sabi niya at nilahad ang dalawang kamay sa harapan. Napatahimik naman kami. Napabuntong-hininga na lang si sir.

"Dahil sinabi niyo na ibabalik ko ang Bentre Diaries. Alam niyo naman ang trabaho niyo diba?" Sabi ni Sir at tumango kaming lahat.

"Sige! We will do an October Issue. Today is September 4, you need to pass this on September 30. Edited and published. Got it?" Sabi ni Sir at naghanda ng umalis.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 21, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bee LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon