Chapter 4

0 0 0
                                    

"Todeh is Nobember 30. Todeh is Nobember 30. Todeh is Nobember 30..." nagising ako dahil sa pambihirang tunog na iyon. Ang tigas ng pronounciation grabe!

"...Todeh is Nobe..." Agad akong napaupo sa pagkahiga dahil napagtanto ko ang tunog na iyon.

"WAAAH VIRA SABI KONG IDELETE MO YAN!" Sigaw ko sa pinakamagaling kong kambal. Tumakbo ito papalabas ng kwarto na dala-dala ang cellphone na ginamit sa pag-play ng voice record na yon from 6 years ago.

Hinabol ko naman siya at nakita kong nasa ibaba na ng hagdanan at kinalikot ulit ang cellphone niya. At may narinig ulit ako na tinig.

"And todeh is meh bertdeh. And todeh is meh bertdeh."

Napatadyak ako sa sahig dahil sa inis at sumigaw sakanya. "Maghanda ka sakin Vira!" Pumasok ako sa kwarto at kinuha ang cellphone, binuksan, at pinatunog ang voice record rin ni Vira.

"Today is no- Today are my Birthday and today is... uhm.... it's Febwary 30!!!" Nireplay ko pa at nainis na rin si Vira.

"ABA'T HINDI MO RIN DINELETE IYAN!" Sigaw niya at inakyat ang hagdan. Pinatay ko agad ang cellphone ko para hindi niya mabuksab dahil sa lock.

Dahil sa bilis ng pag-akyat niya, natumba siya at natawa ako.

"Still got the birthday misfortune?" Sabi ko at itinaas ang kilay. Napangisi lang si Vira.

"But this year both uf us will get it." Sabi niya at nung tumalikod na ako para bumalik na sa kwarto ay di ko napansin ang balat ng saging na nasa aking paanan kaya nadulas ako. At akmang mahahalikan ko na ang sahig nung may nahalikan akong iba. Malambot ito at malagkit.

Natikman ko ito at doon ko lang nalaman na cake pala ito!

Napatayo ako at tawang-tawa si Vira dahil puno ng cake ang mukha ko.

"Tignan mo ang mukha mo Vida. And awww that is supposed to be our birthday cake pero advance ka mag-isip kaya kinain mo na agad. Sa sobrang sarap pinakain mo pa ang buong mukha mo ng cake." Sabi niya at tumawa ulit.

Akmang bababa na siya pero napahinto at nakasilay ang pilyang ngiti sa mukha.

"Oh. Ba't parang naparalisado ka dya- WAAAHHHH!!!" Agad akong hinilia ni Vira kaya hindi ko natapos ang sasabihin ko.

Wala na nga akong halos makita pero kinaladkad ako ni Vira pababa! Narinig ko agad ang boses ni nanay.

"Nasaan na yung cake!!! Nandito pang yun kagabi ah. Jusko ang mahal pa naman nun." Narinig ko naman ang yabag ng tsinelas ni tatay.

"Baka kinain na yun ni Vira- WHAT ON EARTH HAPPENED TO YOUR FACE VIDA!!!" Sumigaw si tatay kaya napaupo si Vira kakatawa.

"Mas nauna pang kinain ni Vida ang cake tay." Sabi niya at narinig ko ang pagplay ng video dahil sa sigaw ko kanina.

"At ikaw Vira! Nag-alala pa ako kakahanap sa cake! Sana sinabi mo sakin na dinala mo sa itaas para sabay tayong tumawa dun!" Sabi ni nanay at agad na napaaray. Binatukan siguro ni tatay.

"Hay nako, bumalik ang pagkabata ni nanay." Sabi ni Vira at hinila ako. Saan naman ba niya ako dadalhin?

Tinulak niya ako at ipinasok sa maliit sa silid. "Oh. Maligo ka na. Dinala ko na ang towel mo. May lakad tayo." Sabi niya at isinara ang pinto.

At ang gaga ko namang kambal, hindi sinabi kung nasaan ang shower. Kinapa ko pa iyon at nung nahawakan ko na pinaandar ko na iyon. Kanina pa malagkit ang buhok ko. Bwisit na kambal yun!!!

-~-~-~

Nasa sasakyan kami at pupunta kami sa mall. Traffic ngayon kaya natagalan kami sa pag-abot doon. Agad kaming pumunta sa Shakey's at kumain.

Bee LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon